Sheena Halili insists she and Rocco Nacino are still in the "dating stage"

"Sabi ko nga kay Lord, ipinagpi-pray ko nga kay Lord, na kung ibibigay niya talaga sa akin itong si Rocco, na kung anuman ang mangyari, sana hindi na katulad ng dati yung mangyari. Kasi kung ganun man, mas maganda na lang na sa career muna kaming dalawa," says Sheena Halili.


Si Sheena Halili ay gumaganap bilang uripon (alila) na si Ahak sa epicserye ng GMA-7 na Amaya.

Sa kuwento ay siya rin ang pinakamatalik na kaibigan ni Amaya, na ginagampanan ng bidang si Marian Rivera.

Madalas na silang dalawa ang magkasama sa mga eksena, lalo na noong naging uripon din si Marian. Pero ngayon daw ay iba na ang madalas nilang kaeksena mula nang maging babaylan si Amaya.

Pero ayon kay Sheena, nagkaroon din sila ng bonding ng bida ng Amaya.

Nang makausap nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheena sa taping ng Amaya sa Pagsanjan, Laguna, noong Lunes, August 1, nasabi niyang, "Close naman kami, yun nga lang, pag hindi kami nagkakasama sa set, nawawala din yung communication, ganun."

May humirit ng tanong kay Sheena na ibig bang sabihin ay "Team" Marian siya?

"May ganun? Bakit, sino ba ang kalaban?" sagot naman ng young actress.

"Naku, hindi ako nagtatanong sa mga ganyan, e.

"Masyadong personal ’yan, alam ko kung hanggang saan lang ako."

Bilang isang uripon, naka-topless lang si Sheena sa Amaya. Pero wish daw niyang sana ay makapag-damit din siya.

"Malay natin, pagdamitin na ako ni Direk Mac [Alejandre]!" tawa niya.

ROCCO NACINO. Marami naman ang nagsasabi at nakakapansin na tila sila na talaga ng young actor na si Rocco Nacino.

Sa katunayan, noong gala premire ng pelikula ni Rocco sa Cinemalaya, ang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, si Sheena ang naging special date ng binata.

Sa naunang panayam naman ng PEP kay Rocco ay inamin nitong may "mutual understanding" na sila ni Sheena, pero hindi pa raw sila. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang masasabi ni Sheena rito?

"A, talaga? A, ano, lumalabas naman kami, oo, pero hindi...

"Ayokong isipin kung saan man yung iniisip ng lahat, kung saan mapupunta iyon. Relax lang ako, chill lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya naman ako siyempre. Masaya ako dahil meron silang Time Of My Life, tapos ako may Amaya," sabi niya.

Bakit tila kapag si Rocco ang kausap, may mutual understanding na sila, pero para kay Sheena ay wala naman?

"Talaga? Iba-ibang pananaw naman tayo.

"Lumalabas naman kami. Wala naman sigurong masama ro’n.

"Single naman ako. Single naman siya," saad ni Sheena.

Ang pagiging mapagmahal sa pamilya at pagiging gentleman daw ni Roco ang nagugustuhan ni Sheena sa binata.

Pero natatawa nitong sinabi na hindi pa raw siya sinasabihan ng "I love you" ni Rocco.

"Hindi pa po, wala pang ganun," sabi niya.

Pero nararamdaman naman niya ang pagmamahal ni Rocco sa kanya?

"Wala pang ganun, siguro may care. Wow!

"Nagte-’take care’ naman siya sa akin!" natatawang sabi niya.

Noong nakaraang Valentine’s Day raw ay binigyan siya ng flowers ni Rocco.

TRAUMATIC RELATIONSHIP. At 24 years old, puwedeng-puwedeng nang pumasok sa isang seryosohang relasyon si Sheena.

Pero kung pagbabasehan ang mga salita niya, parang hirap na hirap pa rin siyang i-express ang sarili pagdating sa bagay na yun.

May trauma ba siya sa past relationship niya?

"Alam n’yo naman na hindi ako nag-boyfriend ulit after him," paliwanag ni Sheena, referring to her ex-boyfriend na si Rainier Castillo.

Tila nanggagaling ang trauma ni Sheena na kinailangan nilang i-deny noon ang relasyon nila ni Rainier. At that time kasi ay may ibang ka-loveteam ang young actor sa katauhan ni Yasmien Kurdi.

"Ewan ko, parang lagi na lang ganito ang ibinibigay sa akin ni Lord!" natatawang sabi nga ni Sheena.

Sa kaso naman ni Rocco ay madalas itong naitatambal kay Kris Bernal at maging kay Lovi Poe.

Ayon pa kay Sheena, "Siyempre, ayoko rin namang makasira sa kung anong meron siya [Rocco] ngayon.

"Kasi before, ganyan din naman yung past relationship na pinasok ko, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Showbiz, tapos may loveteam, kainitan ng trabaho niya.

"So, ayoko rin naman siyempreng maulit ulit yun, ayokong maging sagabal.

"May trabaho naman ako.

"Mahirap, sobrang mahirap kapag pumasok akong bigla sa ganun, mahirap talaga.

"Siguro easy para sa ibang tao, pero mahirap kasi nanggaling na ako dito, e.

"Ang hirap nung maraming taong... maraming taong naninira sa ’yo, na feeling nila ikaw yung malandi, feeling nila ikaw yung naghahabol."

Ito raw ang mga naranasan ni Sheena noong sila pa ni Rainier na ayaw na niyang mangyari ngayon.

"Siyempre kasikatan nila [Rainier and Yasmien] nun, di ba?

"So, nahihirapan ako kasi parang natatapakan yung pagkatao ko at saka nasasaktan yung family ko.

"Ngayon, siyempre ayoko din namang mangyari yun.

"Naghahanda lang ako sa mga puwedeng mangyari.

"So, ang mas magandang gawin, ’yon nga, mag-ingat."

So, matindi ang trauma na dinanas niya sa pakikipagrelasyon niya kay Rainier?

"Hindi naman trauma, hindi naman po...

"Yung nangyari, parang pinipilit i-deny, pero wala, e.

"Alam din naman kasi ng mga tao na, yun nga, parang yung loveteam-loveteam, tapos... Di ba ang hirap nga?

"Sabi ko nga kay Lord, ipinagpi-pray ko nga kay Lord, na kung ibibigay niya talaga sa akin itong si Rocco, na kung anuman ang mangyari, sana hindi na katulad ng dati yung mangyari.

"Kasi kung ganun man, mas maganda na lang na sa career muna kaming dalawa," saad ni Sheena.

DATING. With Rocco, tila tanggap naman siya ng fans nito at vocal naman ang binata sa feelings nito for her.

"Thank you kung ganun," sambit ni Sheena.

"Siyempre, siguro dahil alam na rin niya kung ano yung pinaggalingan ko, so ’yon."

Pero paano niya ide-describe ang relasyon nila ni Rocco ngayon?

"Ayun, okay lang kami, dating," sagot ng StarStruck alumna.

Kaya ba niyang panindigan na hindi pa talaga sila?

"Hindi pa," diin ni Sheena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi siya nagpapaka-showbiz sa sagot niya?

"Hindi. Hindi talaga kami," ulit niya.

Pero nanliligaw si Rocco sa kanya?

"Dating, kasi pag nanligaw, ano na yun, e, iyon na yung ano, e...

"Siyempre yung ligaw na ’yan, iyon yung nagpupunta sa bahay..."

Di ba’t nakapunta na si Rocco sa bahay nila sa Pampanga?

"Oo naman, oo naman. Nagpunta naman na siya. Kilala na siya ng pamilya ko," pag-amin niya.

May mga naibigay na ba si Rocco sa kanya bukod sa mga bulaklak?

"Wala pa, wala pa naman."

Nagkakilala raw sila ni Rocco na humantong sa pagde-date noong isang taon.

Kuwento ni Sheena, "Magkasama na kami... nagkakilala na kami last year sa ano, yung parang Flores de Mayo. Dun kami nagkakilala.

"Tapos nun, naging close kami dun sa Kaya Ng Powers."

Happy raw si Sheena na, for now, nasa dating stage pa lang muna sila ni Rocco.

"Ayun, okay na yun," nakangiting sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN