Angelica Panganiban says production for Here Comes The Bride sequel is still on hold

Baka next year na masimulan ang shooting ng part two ng pelikulang Here Comes The Bride, ayon sa isa sa lead stars nito na si Angelica Panganiban. Sa ngayon, abala ang aktres sa kanyang pelikula with Piolo Pascual at sa daily comedy show na Banana Split on ABS-CBN.


Very light ang aura ni Angelica Panganiban nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters last July 31, Sunday, sa Star Magic Games.

All out ang suporta ni Angelica sa boyfriend na si Derek Ramsay na naglaro para sa basketball team ng ASAP Rocks.

Masayang-masaya ang aktres dahil muli niyang naka-bonding ang ilang Kapamilya mula sa Star Magic, tulad nina Maja Salvador at Kim Chiu.

Ayon kay Angelica, "Lagi kaming nae-excite kapag ganito. Laging nagiging successful yung kinakalabasan niya kasi nakikita yung bonding ng lahat, yung teamwork ng bawat artista.

"Nakakatuwa na gano’n kalalim yung bonding nila kahit sa labas ng trabaho."

BANANA SPLIT. Matapos ang huling teleserye niyang Rubi, visible pa rin si Angelica sa telebisyon via the comedy program Banana Split na sa ngayon ay three years nang nasa ere.

"Sobra kaming masayang-masaya sa kinalabasan ng Banana Split," sabi ni Angelica.

"Siyempre at first, kinabahan kami kung kakagatin siya ng tao, at hindi kami nagkamali.

"Binigay namin yung 100 percent namin sa show and mahal na mahal namin ang isa’t isa kaya alam namin na naging successful yung turnout niya."

Malapit sa puso ni Angelica at ng kapwa niya cast ang programa. Sa katunayan, nakakapagbigay rin sila ng personal inputs nila kung paano mapapaganda ang show.

"Hindi lang kami mga artista. Part kami ng creative process nung show kaya siguro nagiging super successful yung kinakalabasan niya. Kumbaga, on hand kami sa pagtulong."

Bukod sa Banana Split ay abala rin ngayon si Angelica sa shooting ng kanyang pelikula with Piolo Pascual. (CLICK HERE to read related story.)

Sa katunayan ay kagagaling lang niya sa shooting the night before ng Star Magic Games.

Kumusta naman ang takbo ng kanilang taping?

"Okay naman siya. Nagshu-shooting kami almost every day kaya rin kanina, talagang bagsak na bagsak ako sa pagod dahil ninamnam ko yung mga nanakaw na tulog sa ’kin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HERE COMES THE BRIDE 2. Isa pa sa inaabangang movie projects ni Angelica ay ang part two ng hit comedy film na Here Comes the Bride.

Hesitant pang magkuwento si Angelica tungkol sa proyekto dahil as of late ay wala pa silang nasisimulan na hakbang.

"Wala pa, e, baka next year. Kakatapos lang kasi gawin ni Direk Chris [Martinez] yung Ang Babae sa Septic Tank, siya yung nagsulat nun.

"Medyo talagang busy pa siya and alam ko may gagawin siyang movie para sa [Metro Manila] filmfest kaya baka next year na namin maasikaso yung part two ng Here Comes the Bride."

Pero excited na ba siyang sundan ang proyektong nagbigay sa kanya ng Best Actress for Comedy award?

"Oo naman, sobra. Sobrang baby ko yung project na yun.

"Hindi ko akalain na mabibigyan ako ng ganung klaseng mga, kumbaga, recognition sa buhay dahil sa movie na ginawa namin."

Dahil naging maganda ang resulta ng proyekto niya with the award-winning indie film writer-director na si Chris Martinez, may chance kaya na pasukin na rin ni Angelica ang pag-arte sa indie films?

"Oo naman, nakapag-usap lang kami last week. So hopefully, yung mga plano namin, mga chikahan namin ay maging totoo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN