Mac Alejandre owes his career as a director to Nora Aunor

"She really fought for me, she really bargained for me. She really made sure na pag nagbalik siya sa ABS, ako ang direktor niya. Siya ang nakipaglaban," says director Mac Alejandre (main photo) about Nora Aunor (inset).


Dumalaw ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Amaya sa Pagsanjan, Laguna, noong Lunes, August 1.

Sa pakikipag-usap namin sa direktor ng programa na si Mac Alejandre, nabanggit nito na ang Superstar na si Nora Aunor ang nagbigay ng break sa kanya upang maging isang direktor.

Kuwento niya, "There were a small group of people who really believed in me—si Ricky Lee ang unang-una at saka si Nora Aunor!

"She really fought for me, she really bargained for me.

"She really made sure na pag nagbalik siya sa ABS, ako ang direktor niya. Siya ang nakipaglaban.

"Siya ang una kong idinirek in my entire professional career.

"Iyon ang una, siya ang start ng career ko as a director."

Tandang-tanda pa ni Direk Mac ang araw na nag-taping sila ni Nora.

"September 13, 1991, Friday. Friday the 13th iyon.

"Maalaala Mo Kaya, ang partner niya si Juan Rodrigo. Ang title ’Lot’ something, ’Block’ something."

WORKING WITH THE SUPERSTAR. Ayon pa sa direktor, hindi raw siya nagkaroon ng kahit na anong problema with the Superstar.

"You will love this story...

"Tinawagan niya ako, sabi niya, ’Mac...’ ’Yes, Ate Guy?’

"’Nakausap ko na si Charo [Santos, host of MMK], magge-guest ako sa Maalaala, ikaw ang aking direktor.’

"She wanted me to direct yung Star Drama Presents Nora, iyon yung unang-una, di ba?

"Ang sabi ni... ewan ko what happened, basta ang nangyari, bago siya lumabas dun, nag-guest siya sa Maalaala.

"So, parang sinubukan ako sa Maalaala.

"Hindi ko alam kung dapat kong ikuwento, pero merong ginawa si Guy na nagpataba ng puso ko.

"Sabi niya... Ito ang kuwento sa akin, hindi ko alam kung accurate ito, ha? Basta ito ang kuwento sa akin.

"Guy was recommending me to direct the entire anthology [Star Drama Presents].

"Sabi ng Channel 2, ’Ikaw ang magiging banner ng drama! Ang plano namin diyan, iba-ibang director.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos sabi niya [Nora], ’Hindi, si Direk Mac ang gusto ko.’

"Sabi ng Channel 2, ’Gusto mo subukan natin siya, mag-guest ka sa Maalaala, gawin natin siya.’

"Basta they made a kuwan... Sabi ni Guy, ’Pag hindi ninyo nagustuhan ang trabaho ni Mac, huwag ninyo akong bayaran.’

"So, talagang utang na loob ko sa kanya."

Patuloy niya, "Tapos, pinadala sa akin yung script.

"Pagkadala sa akin ng script, tinawagan ko si Guy, sabi ko, ’Ate Guy, nasa akin na ang script, napag-aralan ko na siya. Puwede ba akong humingi ng meeting sa ’yo?’

"Sabi niya, ’Sure!’

"So, apat na oras ko siyang mineet. On paper, in-explain ko sa kanya, ito ang gagawin ko, ito ang gagawin ko, naka-drawing ako, tapos ito ang gagawin ko.

"So, mga tatlo o apat na oras, nakikinig siya nang nakikinig.

"Tapos the next week, magte-tape na kami, ang call time niya alas-siete, 7 a.m., nandun ako sa set 6 a.m.!

"Siyempre bagong direktor, ganado, nauna pa sa lahat. Makeup artist lang naabutan ko.

"Quarter to seven dumating siya [Ate Guy].

"The whole day... ano ako, e, seven to seven. Mga six-thirty ako natapos the next day.

"Ano siya, ideal actress! She really supported me."

Paano sila naging close ni Ate Guy?

"Kaibigan niya si Ricky Lee. Si Ricky Lee kaibigan ko, so magkakakilala kami."

So, the Superstar really vouched for Direk Mac?

"Oo, siya. Kasi kaibigan ko si Ricky Lee, so naniwala si Ricky Lee, nagkakuwentuhan sila.

"Bago yun, prior to that, may pinaplano kaming pelikula na ako ang gagawa.

"Hindi natuloy, kuwento ng deaf and mute. Nag-aaral na kami ng sign language.

"Tapos biglang may iba siyang [Nora] ginawang festival movie, so na-hold iyon.

"The next year, iyon na ang Star Drama Presents."

At si Direk Mac na nga ang naging resident director ng now-defunct drama anthology ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, pagkatapos ng Maalaala, after that episode, nag-meeting kami ni Charo binrief niya ako, di okay, ’Thank you,’ sabi ko.

"After that Maalaala, they gave me Star Drama Presents.

"Then, tuluy-tuloy na. The whole series... parang labing-tatlo, yun labingdalawa, akin."

So, ang Superstar ang nagbigay ng break sa kanya bilang direktor?

"Siya," sagot ni Direk Mac.

Kaya nga solid Noranian si Direk Mac.

"Solid! Solid fan ako ni Nora."

NORA IS BACK. At ngayong bumalik na sa Pilipinas ang Superstar para muling maging aktibo sa pag-arte, isa sa natuwa si Direk Mac.

Nais nga ng direktor na magkita sila ni Ate Guy.

"Of course!" sambit niya.

"Kung may chance, of course. If there will be an opportunity to meet up with her, always, of course."

Ano ang reaksyon niya sa pagbabalik-showbiz ng Superstar?

"A great artist is always welcome, always, di ba?

"Whatever happened... whatever was... a great artist who has contributed so much to the industry, she will always...

"A good talent will always have a place in the industry, always!"

Dagdag pa niya, "Hiwalay ang talino niya sa sining sa personal niyang buhay.

"Hindi ko hinahanap sa isang true artist ang maging perfect, di ba?

"Ang hinahangaan ko sa kanya ay yung kanyang artistry, yung galing niya, yung talino niya.

"For somebody who has able to do a lot, who was able to do Bona, Himala, to do films like Fe, Esperanza, Caridad, and all the stuff when she was very young...

"Or to be daring to produce films which are not that mainstream and she was in her twenties, that says something about her commitment to art."

MARIAN RIVERA. Sa ngayon, isa sa pinakamalapit na artista kay Direk Mac ay ang Primetime Queen ng GMA-7 na si Marian Rivera.

Halos araw-araw nga silang magkasama dahil bukod sa Amaya, si Marian din ang lead female star ng pelikulang Ang Panday 2, kung saan si Mac din ang direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Marian ba ay puwedeng hubugin para marating nito ang naabot—o kahit kalahati man lang ng naabot ng Superstar?

"Of course! Higit sa kalahati!" sagot ni Direk Mac.

Si Marian, tulad ng Superstar, hindi rin perfect ang personal life.

"What’s perfect, what’s perfection? Who are you to say what’s perfect, who are you to say who’s perfect?" sabi naman ng direktor.

Sa bagong generation ng mga mahuhusay na aktres, posible kayang may maging ganoon din ang career path tulad ng Superstar?

"Towards that direction, yes, of course, di ba?" sagot ni Direk Mac.

"Ang galing sa sining ay walang exclusivity.

"It is open to anybody who has the talent and who is willing to give up one’s heart for the art.

"Ganun yun, ibibigay mo ang puso mo.

"Lahat yun... marami, marami sa kanila.

"In several ways, anybody can excel in their individual way."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN