Bea Binene tells admirer Derrick Monasterio to focus on their respective loveteams

"Sinabi ko naman po sa kanya [Derrick] na, ’May priorities tayo and we have our own loveteams naman.’ And sabi ko, ’I think we should just focus on that.’ Sabi ko sa kanya na, ’Basta tayo, we’re friends, we’ll see. Pero ngayon talaga yung mga loveteams na lang muna natin.’ Kasi po, marami ring nagagalit na fans, e," says Bea Binene.


Ayon kay Bea Binene, walang awayan o rivalry sa pagitan nila ng kapwa niya tween star na si Barbie Forteza.

"Wala po, seryoso. Matagal na pong tinatanong sa amin ’yan, pero wala po talaga.

"We’re all good friends, kami pong lahat.

"Hindi lang po kaming dalawa ni Barbie ang walang rivalry, kami po talagang lahat, as in barkada po kaming lahat dito sa set," paglilinaw ni Bea sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

JHAKE VARGAS. Sa hiwalay na interview naman, sinabi ng ka-loveteam ni Bea na si Jhake Vargas na hindi ito makapag-effort ng panliligaw kay Bea.

Bukod daw sa bata pa sila ay mas priority ng binata ang ina nitong may sakit na cancer.

Alam naman daw iyon ni Bea.

Aniya, "Opo, alam ko naman po yun and siyempre po, nanay yun, di ba, and... ayun."

Pinapayagan na ba siya ng kanyang parents na magpaligaw?

"Si Mama po, basta sinasabi niya na magpaligaw na alam niya, na hindi po nagtatago, na walang ginagawang masama and she trusts me naman po," sabi ng 13-year-old actress.

DERRICK MONASTERIO. Balitang ang tween star na si Derrick Monasterio, na kasama rin nila ni Jhake sa Tween Academy: Class of 2012 movie, ang mas may effort na manligaw kay Bea.

Totoo ba ito?

"Hindi ko po alam, hindi ko po alam," sagot ni Bea.

Hindi raw totoong lagi silang magkasama ni Derrick. Hindi rin daw totoong kasama nila ni Derrick ang pamilya ng binata na kumain sa Trinoma kamakailan.

"Hindi po kami magkakasama. Nakita ko lang po siya doon sa Trinoma, nakita lang namin sila, totoo po," paglilinaw ng teen actress.

Hindi rin daw sila sabay pumunta sa Trinoma.

"Hindi po, seryoso."

Nanliligaw ba sa kanya si Derrick?

"Hindi ko po alam, wala po siyang sinasabing nanliligaw siya."

May ibinigay na Lacoste bag sa kanya si Derrick, at walang okasyon nang bigyan siya nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit siya binigyan ng mamahaling bag kahit walang okasyon?

"Hindi ko po alam," tugon ni Bea.

Sa set ng shooting nila nito lang June ibinigay ni Derrick ang bag.

LOVETEAMS. Hindi ba makakaapekto sa loveteams nila ang pagkaka-link niya kay Derrick?

Ang ka-loveteam ni Derrick ay si Lexi Fernandez, at si Bea nga ay si Jhake.

"Sinabi ko naman po sa kanya [Derrick] na, ’May priorities tayo and we have our own loveteams naman.’

"And sabi ko, ’I think we should just focus on that.’

"Sabi ko sa kanya na, ’Basta tayo, we’re friends, we’ll see. Pero ngayon talaga yung mga loveteams na lang muna natin.’

"Kasi po, marami ring nagagalit na fans, e."

Nagagalit ba sa kanya ang fans ni Lexi?

"Hindi ko po alam, wala naman pong nagtu-tweet sa akin. Wala naman pong nag-aano sa akin," sabi niya.

Mga Jhake-Bea fans daw ang nagagalit kay Derrick.

Pero noong nakausap naman daw niya ang mga fans nila ni Jhake, "Basta po sabi nila sa akin, na parang sinabi nila na ’Basta on-cam, kayong dalawa’."

Okay naman daw ang mga fans sa ganoon.

"Pero siyempre po, kunyari minsan nakikita nila si Derrick na magkausap kaming dalawa, dati, parang ganun, ganyan, parang nag-uusap sila na ganun."

Magkakaroon na ng solo show sina Bea at Jhake, ang afternoon soap na Pahiram Ng Isang Ina.

Paano kung sabihin ng GMA-7 management na medyo maglayo muna sila ni Derrick, at sila ni Jhake ang dapat na laging magkasama?

"Ngayon po, ginagawa ko naman talaga," sabi ni Bea.

"Hindi na... Basta super ano na, hindi na kami lumalabas and, ayun nga, nagkaintindihan naman na po kami na we have our own priorities naman, career."

THE NEXT ANGEL LOCSIN? Sino ang gusto ni Bea na sundan ang mga yapak bilang artista?

"Gusto ko po talaga maging Angel [Locsin] kasi, di ba po, wala sa kanyang nasasabi na mga nega na comments?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinasabi nila mabait siya, tapos nag-action na siya dati, tapos ayun. Magaling siyang umarte," saad niya.

Gusto rin niyang mag-Darna?

"Kung ibibigay naman po, di ba, ’tsaka kung nasa tamang time po."

Kaso, wala na sa GMA-7 ang rights ng Darna kundi nasa ABS-CBN na.

"Malay n’yo po, bumalik, di ba? Hindi pa naman po ako puwedeng mag-Darna ngayon!" ang natatawang sabi ni Bea.

TWEEN ACADEMY. Malapit na ang showing ng movie nila, ang Tween Academy: Class Of 2012, kung saan tampok silang tween stars na kinabibilangan din nina Barbie at Joshua Dionisio, Derrick at Lexi, Kristoffer Martin at Joyce Ching, Elmo Magalona at Julie Anne San Jose, at Louise delos Reyes at Alden Richards.

Ito ay sa direksiyon ni Mark Reyes under GMA Films.

Aminado si Bea na nate-tense siya sa showing ng movie nila sa August 24.

"Siyempre po, hindi naman po mawawala yung nervousness tsaka yung pagka-tense," sabi ni Bea.

"Kasi, parang ito na po yun, e, parang this is it na.

"Iba po kasi ang TV sa movie. Dito magbabayad yung mga tao, kailangang magpunta ng sinehan ng mga tao para makapanood.

"Marami kaming kalaban, hindi lang po kami yung magso-showing.

"So, siyempre po, nakaka-nervous din kasi hindi naman kami sure kung lahat ba ng tao, manonood, e. Kung marami bang tao yung manonood.

"And katulad nga po ng sinabi ko, mas iba siya, mas nakakatakot siya sa TV.

"Pero marami naman po ang nagpapakita ng support sa Twitter, sa Facebook."

At tiyak daw na hindi mag-aaway ang respective fans ng bawat tween star.

"Kasi may iba-iba namang forte, parang ganun.

"Parang iba yung atake ko role at iba yung atake ni Barbie, pati na rin po yung ibang tween stars na nasa movie.

"At alam naman po ng mga fans na we’re friends, e.

"So sila, ’Friends ang mga idol namin, friends na rin kaming mga fans!’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN