Julia Montes feels the pressure after being tagged as "the next Claudine Barretto"

"Siyempre, flattered po, and at the same time, super pressure rin in a way. Kasi po, siyempre, idol ko po si Claudine, e. Kung masundan ko man po yung yapak niya, sobrang saya ko po," says Julia Montes about being compared with Claudine Barretto.


"The next Claudine Baretto" ang naging deskripsyon kay Julia Montes sa presscon ng unang pelikula nila ni Kathryn Bernardo sa Star Cinema, ang Way Back Home, kagabi, August 3.

Nakilala ang tandem nina Julia at Kathryn sa nagwakas na top-rated series ng ABS-CBN, ang Mara Clara.

Kontrabida ang papel na ginampanan ni Julia sa serye. Pero hindi kay Gladys Reyes—na siyang orihinal na gumanap sa naturang papel—inihahalintulad ang nakikitang daan ng tatahaking career ng young actress sa showbiz, kundi kay Claudine Barretto.

Mas nakikita raw kay Julia, hindi lang ang imahe ni Claudine, kundi ang magiging pag-angat ng career nito bilang isang aktres.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Julia, hindi ito makapaniwalang inihahalintulad siya kay Claudine.

Aniya, "Ano po, siyempre, flattered po, and at the same time, super pressure rin in a way.

"Kasi po siyempre, idol ko po si Claudine, e.

"Kung masundan ko man po yung yapak niya, sobrang saya ko po.

"Dream come true ko po yun."

Kapansin-pansin namang parang sumakto ang deskripsyon kay Julia na "next Claudine Baretto" dahil sa mismong presscon, hindi lang ang dating at pustura nito ang nahahawig sa mahusay na aktres kundi maging ang timbre ng kanyang boses at paraan ng pananalita.

Sinasadya ba niyang gayahin si Claudine?

Sa narinig, gulat na gulat si Julia at hindi niya akalaing lalabas na nahahawig siya kay Claudine.

"Ay, talaga po? Ano ba yan? Naku, po, speechless po ako," iiling-iling niyang sabi.

"Masaya po ako. Hindi ko po sinasadya dahil idol ko lang po si Ms. Claudine kaya natural lang na lumalabas.

"O kaya may traits po kami na magkapareho."

Nasasabi pa lang ngayon, pero nakakaramdam na raw ng pressure si Julia sa inaasahan ng marami na mangyayari sa kanyang career na ipina-pattern kay Claudine.

"Siyempre po, malaking pressure po kasi mahirap naman pong i-compare sa isang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro po sila lang po yung inspirasyon ngayon, sila po yung pini-peg kumbaga," saad niya.

Bilang pagpapatunay na idolo ni Julia si Claudine, nagbanggit siya ng mga pelikulang pinagbidahan ng huli.

"Isa po yung Anak. Yun po ang pelikulang tumatak po sa akin.

"Saka po yung Dahil Mahal na Mahal Kita, yung sa kanila ni Rico Yan."

Mula sa pagiging isang teen actress, umabante ang career ni Claudine nang gumawa siya ng mature roles at nag-sexy rin sa ilan niyang mga pelikula.

Magagawa rin kaya ni Julia ang magpa-sexy sa pelikula?

"Sa ngayon po, hindi pa po dahil sobrang bata pa po ako for that.

"Pero kung ano naman po... siguro right time.

"Ayaw ko naman pong magsalita ng patapos. Basta, maganda po yung role.

"Siguro hindi po maiiwasan na magkaroon ng gano’ng offers.

"Siguro pag-iisipan ko yun nang mabuti. Wala po talaga sa [isip] ko po ngayon," pahayag niya.

BOX-OFFICE OUTCOME. Hindi lang ang paghahalintulad kay Claudine ang nakakapagparamdam ng pressure kay Julia, kundi maging ang expectation ng marami sa magiging box office outcome ng kanilang unang pelikula ni Kathryn, ang Way Back Home.

"Siyempre po, malaking pressure rin kasi magbabayad po yung tao.

"Kumbaga, maglalabas po sila ng pera para mapanood nila yung pelikula namin, hindi katulad sa telebisyon na ililipat lang yung channel nila for free.

"Kumbaga, sariling desisyon na po nila kung manonood sila o hindi," sabi niya.

Base sa naging pahayag ng direktor ng pelikula na si Jerry Sineneng, hindi raw mata-typecast na kontrabida si Julia dahil may potential daw itong magbida at maging star.

Ayon naman kay Julia, "Siyempre, magiging masaya po ako kung magta-try rin po ako ng ibang characters."

Paglilinaw pa ni Julia, walang pagkakahawig ang story at conflict ng Mara Clara sa pelikula nilang Way Back Home.

"Sa movie namin, ibang-iba siya sa Mara Clara, ibang-iba pong problema ng pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tina-tackle mo dito yung forgiveness and acceptance ng magkapatid at sa family po."

ALBIE CASIÑO. Dapat sana ay kasama sa project na ito ang leading man nila sa Mara Clara na si Albie Casino.

Pero dahil sa isyu sa kanila ni Andi Eigenmann at sa pagbubuntis nito ngayon, pinalitan ang young actor ni Enrique Gil.

Nami-miss ba nila si Albie?

"Siyempre, hindi naman po maiiwasang hindi siya ma-miss," sagot ni Julia.

"Katulad nga po ng sabi ni Kathryn, tumayo na po siyang kuya sa amin.

"Sa Mara Clara, naging close din po talaga and nakabuo na rin ng bonding."

Ibinalita ni Julia na nagkita sila nina Albie sa nakaraang Star Magic Games noong Linggo, July 31.

"Kumustahan po," banggit niya sa naganap na pagkikita nila ni Albie.

"Ang tagal na rin po naming hindi nagkita since po no’ng last.

"Nagkapansinan na lumaki ang katawan niya.

"Yung mga tipong gano’n na lang po, saka kumustahan."

KATHRYN BERNARDO. Magkaibigan ang turingan nina Julia at Kathryn, pero siguradong sasalang sa pagsubok ang kanilang friendship kapag naumpisahang pagsabungin sila ng kani-kanilang fans at magkaroon ng rivalry.

Handa naman daw si Julia sa kung anumang intrigang darating sa kanila ni Kathryn.

"Actually, yun po ang minsang nangyayari sa amin na pinag-aaway kami, pinagku-compare kami.

"Pero alam po kasi namin... Para po sa aming dalawa, nandito lang po kami para sa isa’t isa.

"So, wala po sa amin.

"Kung mangyayari po sa amin yun, test lang po sa amin yun ni Kathryn," saad ni Julia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN