Lucy Torres-Gomez says show business balances her life in politics

"Hindi rin ako puwede na puro lang pulitika. Kailangan ko talaga ng... kailangan ko ng showbiz. Kasi, yun talaga ang masaya. Yun lang talaga ang nagbabalanse. I’m in a happy place," says Congresswoman Lucy Torres-Gomez on finding her balance in show business.


Marami ang nakakapunang pakunti-konti na lang ang showbiz exposure ni Ormoc City Congresswoman Lucy Torres-Gomez.

Maliban sa kanyang pagiging judge panelist sa Talentadong Pinoy ng TV5, hindi siya nakikita pa sa ibang TV programs.

Ang pinakahuling exposure nito sa ibang programa ay sa Paparazzi noong nakaraang Linggo, July 31. Nag-pinch hit kasi siya kay Ruffa Gutierrez na absent no’ng araw na yun.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa magandang TV host-politician, we asked Lucy kung isasantabi na ba niya ang kanyang showbiz career.

"Hindi," tanggi niya. "Binabalanse ko lang yung time ko. I really cannot take on the same load I had.

"No’ng pumasok ako sa pulitika, ang dami kong commitments na kailangan kong tapusin.

"So, umabot yung time na walang araw na wala akong trabaho, which wasn’t healthy. So, [ngayon] tapos [na] yung mga kontrata.

"So, at least ngayon napipili ko lang yung puwede ko lang tanggapin," sabi ni Lucy, na ang tinutukoy ay mga offer sa kanya sa showbiz.

Nililinaw ni Lucy na hindi naman siya tanggap nang tanggap ng mga offer sa TV and commercial ads kahit no’ng bago pa siya pumasok sa pulitika.

"Hindi. Dati kasi it was a regular show. Parang dalawang regular shows na sabay.

"Wala na akong oras sa sarili ko. Puro na lang work. If not for the district, for showbiz [naman]. Puro gano’n. Hati siya."

"After na matapos yung kontrata ko, I’m in a position now to choose kung ano lang ang kaya ng schedules ko.

"Hindi rin ako puwede na puro lang pulitika. Kailangan ko talaga ng...kailangan ko ng showbiz.

"Kasi yun talaga ang masaya. Yun lang talaga ang nagbabalanse. I’m in a happy place," paglilinaw pa niya.

Choice daw ni Lucy ang tumanggap lang ng isang regular show gaya nga nitong Talentadong Pinoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap kasi sa pulitika kung mapapabayaan mo," sabi niya.

"Ayokong congresswoman ako sa pangalan lang, pero hindi ako nagtatrabaho para sa distrito as representative talaga.

"We go to Congress from Monday to Wednesday. And then, pupunta rin kami sa distrito during the weekends.

"So, saan ko isisingit yung... especially a daily show, di ba?

"Happy na ako sa endorsements [ko] and then a show na hindi ganun ka-demanding.

"Kasi, Sweet Life [dati niyang show sa QTV11] was [a daily show].

"P.0.5 [TV5 show niya] was quick, kasi once a week lang and then live. Dalawang oras lang ang nakakain niya.

"Yung sa Sweet Life was two taping days na buong araw dahil daily show siya," esplika niya sa dating schedules niya sa dalawang TV programs niya before.

FROM KRIS AQUINO. Nabalita ang pagdu-donate ng kaibigan niyang si Kris Aquino ng eskuwelahan sa Ormoc?

"Ang AGAP [Foundation]! Ang AGAP ang nagbigay," mabilis niyang sagot.

"It was actually, ang Bench nagbigay sa AGAP. But yun, yung talent fee ni Kris na hindi niya tinanggap.

"Sabi niya [Kris] sa Bench, ’bigay niyo na lang sa AGAP.’ Yun, yung foundation na nagbibigay ng free school," detalyado niyang lahad.

FOR PNOY. May opinyon din si Cong. Lucy sa nakaraang SONA [State of the Nation Address ni PNoy [President Noynoy Aquino].

"It was good. I think, the President is very inspiring. He has shown constantly for one year.

"Determinado siyang lumakbay tayo sa tuwid na daan. Inaamin naman niyang hindi naging madali sa kanya.

"Pero patuloy niyang sinusulong, kasi he feels that is the heart really of good governance."

May sagot din si Lucy sa mga nagsasabing wala raw laman ang SONA ni PNoy.

"Hindi naman. I don’t see that at all. Well, the fact that we have a President who’s not corrupt at all is a big accomplishment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi lahat magdu-domino effect ’yan, e. Palagi kong sinasabi na yung trust is very important.

"Not everybody enjoys that kind of trust. Not every leader enjoys that kind of trust.

"All the more now, it’s obvious na trust is something that you earn. Hindi mo mapipilit sa tao.

"I really feel there’s no way to go, but up. Kasi nag-upgrade lahat ng ratings natin.

"The big picture is maganda yung kung saan tayo naroroon.

"Sana intindihin din natin kung saan tayo nanggaling? Maraming nilinis yung ating Pangulo.

"Imbes na sabihin nating, ’Naku, isang taon na ang dumaan at eto ang hindi pa nagagawa.’

"Dapat yung perspective natin, ’Isang taon pa lang, pero naituwid na niya nang ganito kalaki. How much more with the five years na meron pa siya?’"

FAMILY FIRST. Kahit abala sa political career niya, never daw nawalan ng panahon si Cong. Lucy sa kanyang pamilya.

"Ever since naman yung sa family, hindi naman yun... I never compromise.

"Lagi kong sinasabi na, ’Aanhin ko lahat kung wala akong pamilya na inuuwian?’"

Lagi nga raw silang may bonding moment ng mister niyang si Richard Gomez ngayon.

"Kami ni Richard, palagi kaming magkasama sa work," pagpapatunay niya.

"Masaya nga ngayon, e. We spend more time together. Dati kasi may sarili siyang schedule, may sarili akong schedule.

"Ngayon, we dress up together for work. We go to work together. Sabay kaming umuuwi. Masaya," nakangiti niyang kuwento.

"From Monday to Wednesday yun. Then kahit pag weekend.

"I’m really happy now," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN