Jennica Garcia plans to pursue college education while waiting for a project

While she still doesn’t have any upcoming projects, Jennica Garcia wants to pursue her college education. "Siguro pag wala pa [project], siguro yun muna, mag-aaral muna din, sayang yung oras," says Jennica.


Matapos ang afternoon show niyang Bantatay (2011), at ang guesting niya sa Captain Barbell (2011), hindi na gaanong naging visible si Jennica Garcia sa publiko.

Ang madalang na paglabas niya ang naging dahilan para isipin ng ilan na nagdadalang-tao siya, na kaagad na pinabulaanan ng young actress. (CLICK HERE for related article.)

Ngayon, isang panibagong intriga na naman ang kinakaharap ni Jennica, at ito’y ang pag-alis niya raw sa showbiz.

Pero sa panayam sa kanya ng In the Limelight kagabi, August 3, ay nilinaw ni Jennica ang naturang issue.

GOING TO COLLEGE. Nang makapagtapos si Jennica sa high school, kaagad na siyang sumabak sa mundo ng showbiz kaya hindi na siya nakapag-kolehiyo.

Kaya naman tila nagpaplano na siyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

"Pagka-graduate ko naman ng high school, ito na, nag-artista na ako kaagad," wika niya.

"So hindi pa ako nakakapag-college.

"’Tas at the same time, ang gusto ko din course, sana education.

"Oo, gusto ko sana mag-teacher, kaya lang parang, wooh!"

Simula pa lang daw ng Grade Six siya’y alam na niyang Special Education o SPED ang gusto niyang kunin na kurso sa kolehiyo.

Pero kung hindi man matuloy ang pagkuha niya ng naturang kurso, may nakahanda ng plano si Jennica.

"Kung sakaling hindi ako matuloy ng special education, Culinary [Arts] din," saad niya.

"Pero kasi, ano na lang yun, e, iniisip ko na lang, na ito yung madaling masabay.

"Pero hangga’t puwedeng SPED, sana SPED."

Sa ngayon daw kasi ay may inihahandang proyekto ang Kapuso network para sa kanya. Pero giit ni Jennica, hindi pa raw tiyak kung kailan ito sisimulan.

"May meeting tomorrow [August 4].

"Siguro pag wala pa, siguro yun muna, mag-aaral muna din... sayang yung oras."

PARENTS’ REACTION. Sa mga planong ito ni Jennica, all-out support naman daw ang Mommy Jean at Daddy Jigo Garcia niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, pagdating naman daw sa kanyang career, at pag-aaral, hindi nawawala ang suporta nila sa kanya.

Aniya, "Si Mommy, when it comes to my career and pursuing my studies, [supportive] naman yun, e."

"Siya naman, kung ano gusto ko. Kasi si Mommy, naniniwala siya na kung hindi ko gusto yung ginagawa ko, I wouldn’t be successful din."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN