Mentalist Nomer Lasala says Marian Rivera has oyster personality; finds Solenn Heussaff extremely intelligent

"From the outside, she tends to put this character na strong and outrageous. Pero deep inside, there’s a soft side, e," says Nomer Lasala (inset) of Marian Rivera’s (left) personality.


Ikatlong episode na ng Mind Master sa Linggo, August 7, sa GMA-7 simula nang magbalik ito sa ere. Si Ali Sotto ang makakasamang host ng mind master na si Nomer Lasala. Pinamagatang "Kilabot" ang nasabing episode.

Kahapon, August 3, isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naimbitahan sa taped-as-live taping ng Mind Master kung saan si Ogie Alcasid naman ang magiging host on it’s fourth episode.

Nasaksihan ng PEP kung paano basahin ni Nomer ang mga nasa isip ng ilang guests sa show na sina Alessandra de Rossi, Solenn Heusaff, at Isabelle Daza.

Bago ang mismong taping, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na makausap ang mentalist na si Nomer mismo.

Ayon sa kanya, TV special lang daw talaga dapat ang Mind Master at intended for six-weeks run lang.

"Truthfully, wala talaga siyang planong gawing regular. Noong una talaga, yung Season 1, TV special lang ang intention namin.

"So, may request lang na gumawa ulit kami kaya namin ginagawa itong Season 2."

Kung siya mismo ang personal na tatanungin, gusto ba niya itong maging regular TV show na ng Kapuso network?

"May pressure actually. It’s always a challenge. Especially in mentalism, which is not really visual. Unlike magic na sobrang visual," sabi niya.

Kung titingnan, parang minamani lang ni Nomer ang pagbabasa ng isip ng ibang tao.

Pero aniya, "Not really. In between takes, tumatakbo ako sa kuwarto. I have to recharge."

Nine years old pa lamang daw si Nomer nang magsimula siya sa mentalism.

At that time, wala pa raw siyang ideya na may skill pala siya.

Dito sa Pilipinas, iilan pa lang daw ang nakaka-develop ng nasabing skill.

"I started when I was nine. Yung first manifestation ng skill ko, well, palagi kong kinukuwento.

"Na yung sa lunch box ko... Dumating yung school bus. Hinahanap ko ang lunch box ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When I saw mga lunch boxes, nandoon sa dulo ng long table. So, when I went like this [tinitigan nang maigi ang lunch box], lumapit yung lunch box.

"Yung skill na yun, I didn’t know na telekinesis pala yun.

"When I was younger, I will see aura. Especially kapag nasa simbahan, nasa choir ako, sasabihin ko sa mga kasama ko, ’Tingnan niyo yung colors na lumalabas kay Mr. Baxter habang nagpi-piano siya, may lalabas na colors.’

"I thought normal. Tapos, sasabihin ng mga kasama ko, ’What color?’ I didn’t know na aura na pala yun."

Pero paano niya na-develop ang skill niyang ito?

"Na-develop ko siya, I started reading books. Nagkataon naman na bookworm po talaga ako.

"I started reading books like the Silka Mind Control, The Power of Positive Thinking... yung mga ganoon. I started reading those books.

"Nagpa-practice na ako ng mentalism. When I was seventeen, I was invited by a diplomat, party.

"Doon ko na-meet ang mentor ko na si David Elefant. Yun ang tinatatawag na mindmaster’s master."

Pero paano at saan niya nakuha ang ganoong skills na mero’n siya? Sa pamilya niya, siya lang daw kasi ang may ganoong skills.

"I would like to believe that it’s a skill. More of a skill, na puwedeng i-develop. Like anybody can do it. Mero’n akong mga tine-train na bata."

Ang panghuhula ba ay maia-apply sa ginagawa niya, lalo na ang pinapakita niya sa show?

"Well, yung simpleng term nila Aling Tasing [ordinary people], ’nahulaan.’

"Pero sa abroad kasi, ang tawag sa art form, ’mentalism is the theatric of presenting psychic feast.’

"Bawat ginagawa ko is feast, effect, or exercises. Nilalagyan lang namin ng entertainment values ang ginagawa namin."

HE LIKES SOLENN. Ayon kay Nomer, isa sa paborito niyang episode ang fourth episode nila dahil kay Solenn Heussaff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I was told ngayon lang. Pero hindi ko naman alam.

"Ngayon lang din sinabi sa akin ni David [Elefant, his mentor] na kilala ni David yung father ni Solenn.

"Tapos yung anak niya at si Solenn, magkabarkada pala. I didn’t know naman.

"Isa siya sa mga gusto ko. Noong makita ko siya sa Showbiz Central, instantly, nalaman ko, sobrang talinong tao.

"Well, we’re stating the obvious kung sasabihin natin na maganda si Solenn. Pero yun, sobrang talino [niya]."

MARIAN IS FUN. Bukod kay Solenn, sino pa ang gusto niyang sumailalim sa kanyang mentalismo?

"Gusto ko rin si Marian Rivera. Nakasama ko na siya. I had fun.

"We had fun noong nakasama ko siya. Nakakatuwa siya kasi isa siyang paradox.

"From the outside, she tends to put this character na strong and outrageous. Pero deep inside, there’s a soft side, e.

"Very emotional also na tao, pero interesting. Yun ang hinahanap ko, e. Mas natsa-challenge ako sa mga ganoong personality.

"Oyster personality ang tawag sa mga ganoon. Hard outside dahil sa shell, pero soft inside."

After ng Mind Master, posible raw na bumalik si Nomer sa Showbiz Central; at the same time, may day job pa rin siya.

Hindi ba iniisip ng mga kaharap, or kausap niya na binabasa niya palagi ang nasa isip ng mga ito?

"When I came out [sa TV], noong lumabas na ko, ganoon na po. Dati, hindi," sabi niya.

Pero ganoon nga ba, binabasa niya ang lahat ng nasa isip ng kaharap niya?

"Well, ganoon ang nagiging reaction nila. Although, I don’t go walking the street na nagbabasa ng isip ng tao. Otherwise, baka mapraning ka lang, e.

"It doesn’t work that way. There’s certain things na learning [how to turn] on and off ng skill.

"Like ngayon, habang nag-uusap tayo ngayon, hindi siya naka-turn on."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang advantages at disadvantages ng may skills na katulad ng sa kanya?

"Basically lang po, ang intention ko lang talaga ay for entertainment. That’s my intention, really.

"Ewan ko, fascination ko na siya ever since I was a child.

"Every time that I see the amazement in their eyes, priceless. I mean, kahit na walang bayad."

AGAINST GOD? Very much aware si Nomer that he cannot please everybody. Na may mga taong ang iniisip ay labag sa kautusan ng Diyos o "anti-Christ" ang kanyang ginagawa.

"My approach was always scientific. Before, ang science, if you were a scientist before, iku-consider nila na witchcraft yung ginagawa mo.

"Not necessarily meaning na hindi kayang i-explain ng science ngayon. It is the other side.

"Darating ang time na kayang i-explain ng science ang ginagawa ko. Darating ang time na ang ginagawa ko is only normal."

Anong feeling niya kapag may nagki-criticize o nag-a-accuse sa kanya?

"Minsan kapag ganoon, medyo nadi-disappoint ka sa tao.

"Well, lumaki akong Katoliko. Lumaki akong altar boy po. Nag-choir din ako.

"Isa sa life mentor ko is a bishop. Na nasa Belgium naman ngayon.

"Minsan nadi-disappoint ka rin kapag may nagsasabi ng ganoon."

Definitely raw, Nomer Lasala is a believer of Jesus Christ.

Aniya, "Yes, of course."

Sa huli, tinanong namin si Nomer kung ano pa ang mga gusto niyang ma-achieve.

"Truthfully, sasagutin ko ’yan na parang sasagutin ko ang nanay ko. Palagi akong tinatanong ng nanay ko even when I was younger.

"Sasabihin niya sa akin, ’Ano ang gusto mong mangyari? Ano ang gusto mong mangyari sa buhay mo?’

"Sinasabi ko palagi, ’I don’t know. I see life as an adventure.’

"As it is, every day is an adventure for me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN