Agot Isidro shares her observations on co-stars Julia Montes and Kathryn Bernardo

"Siyempre, pag trabaho na, nakikita mo hindi lang yung attitude nila, e. But yung dedication and love for their work," says Agot Isidro about Way Back Home co-stars Julia Montes and Kathryn Bernardo.


Balik mainstream movie si Agot Isidro sa Way Back Home ng Star Cinema, na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide simula sa August 17.

Sa pagkakaalala raw niya ay ang 2009 Metro Manila Film Fest movie na Ang Darling Kong Aswang ang huli niyang nagawa sa mainstream at ang mga sumunod ay indie films na.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Agot pagkatapos ng presscon ng Way Back Home na ginanap kagabi, August 3, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

KATHRYN & JULIA. Excited din daw si Agot sa kanyang mga kasamang artista sa Way Back Home na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes. Kasama rin sa cast sina Sam Concepcion, Enrique Gil, Tonton Gutierrez, Lotlon de Leon, at Ahron Villena.

"I’m very excited. First time kong makatrabaho sina Kathryn at Julia. Maganda yung bonding-an. Maganda yung trabaho.

"Maganda yung pelikula. Maganda yung istorya. Basta, maganda siyang lahat."

Kumusta namang katrabaho sina Kathryn at Julia?

"Very professional at saka magaling sila. Their talent is raw but they’re very determined. Hardworking [sila], so they will both make it."

Agree rin daw siya sa kanilang direktor na si Jerry Lopez Sineneng sa pagsasabing ang dalawang young co-stars niya ang bagong Judy Ann Santos at Claudine Barretto.

Nakikita niya raw ang malaking potensiyal sa dalawa para maging big stars in the future.

"As long as they play their part. I mean, the talent is there, the looks are there, the attitude.

"As long as they stay that way. Kasi yung dalawang stars (Judy Ann and Claudine), especially Juday, talagang until now she’s hardworking. Sana maging ganun din sina Kathryn at Julia."

Paano niya ia-assess ang performance nina Kathryn at Julia sa pelikula kumpara sa pinanggalingan nilang top-rating TV show na Mara Clara?

"Siyempre, pag trabaho na, nakikita mo hindi lang yung attitude nila, e. But yung dedication and love for their work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At kitang-kita yun, kasi first time ko silang makatrabaho, e.

"Ang nakatrabaho nila ay ang kaibigan kong si Mylene (Dizon) sa Mara Clara and I’ve heard good feedbacks from her.

"The more nung makatrabaho ko na sila. And the hours are long, ha.

"Kasi may mga araw kami na tinitingnan yung weather [kung pwede mag-shoot], ganyan.

"But I see that their dedication is there. The hard work is there.

"At kitang-kita naman na ramdam na ramdam nila yung pino-portray nilang characters. Kaya thumbs up."

Ilang observations din niya ang ibinuko ni Agot tungkol kina Julia at Kathryn.

"Si Julia kasi maano siya, e... kasi mas madalas kong kasama si Julia, e. Mas marami akong eksena sa kanya.

"Pag off-scene, medyo makulit. Magaslaw siya kaya kailangan nire-retouch [ang makeup] kasi nahuhulas kakagaslaw.

"Pero, pag take na or pag nagri-rehearse na, yun talagang parang sinasaniban. Alam mo yun?

"Umaano siya, sumi-serious siya talaga. Nandun siya, very focused siya sa trabaho pag trabaho na.

"Si Kathryn naman tahimik lang iyan. Well, konti lang yung eksena namin, e.

"Tahimik lang siya, pero yun bang inaaral niya yung mga gagawin niya. Yung mga lines niya.

"So, nararamdaman ko nga yung kanilang determination at hard work. They really do the best that they can in every scene."

Sa panahon ngayon na marami sa mga artista ay sinasabing "stars come and go," anong advice ang pwede niyang ibigay sa mga baguhang sina Kathryn, Julia, Sam at Enrique para magtagal sila sa showbiz?

"Siguro don’t let the fame get into your heads. Kung paano kayo nagsimula, yung nag-strive to be wherever you are.

"Dapat ganun pa rin, o dapat makita n’yo na the expectations are bigger.

"So, pag medyo pumasok sa utak n’yo na ang galing-galing n’yo na, ganun, hindi na kayo magpupursige masyado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, yun, do the work. Enjoy the work. Yung fame darating naman yan. Aalis or mawawala rin yan kaya do the best that you can."

Bakit dapat panoorin ng mga tao ang Way Back Home?

"Marami kasing lumalabas ngayon na romcom [romantic-comedy] or action.

"But this time, we can really say this movie is a very heartwarming na family drama.

"Tapos iba-ibang pairings pa [Kathryn with Enrique at Julia with Sam] na hindi mo pa nakikita ever sa pelikula.

"So, very interesting at kailangan nilang abangan ito."

NEXT TV PROJECT. Bago umalis si Agot pagkatapos ng presscon ay nagpahababol pa ng tanong ang PEP kung ano ang susunod niyang TV project na mapapanood sa ABS-CBN.

Simple, pero makahulugan naman ang pabirong sagot ng aktres.

"Pag mahanap na si Elisa," natatawang sabi ni Agot. At tuluyan na siyang nagpaalam dahil may lakad pa raw siya.

Ang tinutukoy ni Agot ay ang teleseryeng Nasaan Ka Elisa? na pinagbibidahan ni Melissa Ricks, kung saan kasama nga sa cast ang magaling na aktres. Marami na nga ang naghihintay kung kailan ito maipapalabas.

Kung tutuusin kasi, nauna pang ipinakita noon ang teasers nito kaysa sa ilang teleserye na napapanood ngayon gaya ng Reputasyon at malapit nang ipalabas na soap gaya ng Maria la del Barrio.

Umaasa naman si Agot na magkaroon na ito ng playdate para mapanood na rin ng mga tao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN