Angel Locsin disproves website news she’s "missing" in France

"Hi guys! Kumusta kayo? Nag log on lang po to let everyone know that I’m safe and not missing in Paris :) Not true," according to Angel Locsin herself from her Twitter account na 143redangel.


First it was Vice Ganda na napabalitang namatay raw sa isang car crash while vacationing in Hong Kong.

Galing ang naturang balita supposedly sa account ni Tado Jimenez sa Twitter. Kung matatandaan, nagkaroon ng alitan sina Vice at Tado nang ang huli ang maging "hurado" sa Showtime.

For a while, wala tayong narinig from Vice kaya siguro inakalang totoo ang balita.

Hanggang sa mapanood na lang sa TV si Vice telling everyone that he’s safe and sound.

"Paano ako mamamatay sa car accident, e, di naman ako sumakay sa kotse sa Hong Kong? Sa [subway] train kami sumasakay," ayon kay Vice.

His Hong Kong trip was reportedly with Kris Aquino and some friends.

Hindi rin naniwala si Vice Ganda that the news about him na namatay daw ay kagagawan ni Tado.

Ayon din kay Vice, na-hack ang kanyang Twitter account kung saan ay ilan ang na-unfriend sa kanyang list.

ANGEL LOCSIN. Ngayon naman, isang breaking news sa site na Global Associated News ang lumabas claiming Angel Locsin is missing.

Ito mismo ang headline; "Luxury yacht sinks off coast of St. Tropez France, Actress Angel Locsin reported missing."

Isa nga si Angel sa kasama sa grupo nina Robin Padilla, Bea Alonzo, Zanjoe Marudo, at Diether Ocampo para sa Kapamilya caravan show sa Europe.

Hanggang sa mapanood na rin si Mariel Rodriguez sa Happy, Yipee, Yehey! na nakabalik from the Europe trip para samahan ang asawang si Robin.

Sa gitna ng balitang sumunod pa raw si Phil Younghusband kay Angel sa Paris ay maaaring sakay nga ang dalawa sa luxury ship na nabanggit na lumubog.

Nawawala nga ba si Angel? Baka nga kasama ng lumubog na barko ang actress.

Pero bago pa man mataranta ang mga fans ng dalaga, sinagot na mismo nito ang allegation na nawawala siya sa Paris.

"Hi guys! Kumusta kayo? Nag log on lang po to let everyone know that I’m safe and not missing in Paris :) Not true," tweet pa ni Angel sa kanyang account mismo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Buhay si Angel at safe and malamang masaya sa piling ni Phil habang namamasyal sa romantic Paris.

And while her fans appreciate na niliwanag agad ni Angel ang balita para di na sila mag-worry, medyo iritado ang ilang nakabasa ng balita.

Bakit parang nauuso ang balitang ganito pag nagbabakasyon ang ilang celebs sa ibang bansa?

Di daw kaya ito gimmick para mapag-usapan pa rin sila habang wala sila sa sirkulasyon at nagpapakasaya?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN