Kapuso tween star Barbie Forteza admits crush on Kapamilya star John Lloyd Cruz

"Gustung-gusto ko pong makatrabaho si Mr. John Lloyd Cruz kasi sobrang galing po niyang umarte at saka mabait at guwapo," says Barbie Forteza.


Inamin ni Barbie Forteza na crush niya ang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz.

Masaya nga si Barbie dahil for the first time ay nakita niya nang personal ang aktor sa press launch ng YES! magazine 100 Most Beautiful Stars noong July 28 sa Crowne Plaza Hotel.

Pareho silang kasama sa listahan, pero si John Lloyd ang nasa cover bilang "Most Beautiful" star this year.

Yun nga lang, hindi niya nakausap ang kanyang crush.

"Pero feeling ko, kinausap niya ako, e. Marami po kasi kami sa table.

"Tapos si Mr. John Lloyd, parang tumingin po sa akin, tapos parang may sinabi siya. Parang tumingin siya, tapos parang ayun, tumingin.

"Pero hindi ko po alam kung sa akin siya tumingin, kasi po nasa likod ko si Ms. Isabelle Daza, e, close po sila.

"Baka po siya yung kinausap, sa akin lang po napatingin," masayang kuwento ni Barbie sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Tween Academy: Class Of 2012 kahapon, August 4, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Hindi nga raw siya nagkaroon ng chance na lapitan si John Lloyd.

"Umalis po kasi ako agad kasi po may taping ako," sabi ng 14-year-old actress.

Hindi ba nagselos si Joshua Dinosio na ka-loveteam niya?

"Wala naman po siya dun, e!" ang tumatawang sagot ni Barbie.

Hindi ba alam ni Joshua na crush niya si John Lloyd?

"Alam naman po niya... Siya nga, ang dami niyang crush, e."

Kaya lang, mukhang malabong magkaroon ng chance na magkatrabaho sila ni John Lloyd dahil Kapuso si Barbie at Kapamilya ang aktor.

Pero hindi nawawalan ng pag-asa si Barbie.

Aniya, "Siguro po sa movie... pero basta hindi ko po sinasara, basta hindi po ako nagsasalita ng tapos.

"Gustung-gusto ko pong makatrabaho si Mr. John Lloyd Cruz kasi sobrang galing po niyang umarte at saka mabait at guwapo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw inaasahan ni Barbie na liligawan siya ni John Lloyd, dahil bukod sa girlfriend nito si Shaina Magdayao, medyo malayo ang agwat ang edad nila—27 na si John Lloyd at 14 lamang si Barbie.

"Crush ko lang naman po si Mr. John Lloyd, crush lang naman po," sabi niya.

Ang isa pang crush ni Barbie ay ang Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga.

Nakatrabaho na niya si Daniel?

"Sa Party Pilipinas lang po, nakikita ko lang po siya doon kasama ni Ate Heart [Evangelista]."

Sino ang mas crush niya sa dalawa?

"Si John Lloyd," sagot niya.

FOURTEEN. Kaarawan ni Barbie last July 31, pero hindi siya nakapag-celebrate dahil may trabaho siya.

"Sa Party Pilipinas po at saka may pinuntahan po kaming mall show sa Cabanatuan," sabi niya.

May changes na ba sa kanya ngayong 14 na siya?

"Ay, wala na pong birthday celebration pala pag 14!" ang natatawang sagot ni Barbie.

"Puro work po kasi, e, pero masaya po ako. Okay sa akin ’yon."

TWEEN ACADEMY. Showing sa August 24 ang Tween Academy: Class of 2012 ng GMA Films, marami silang tween stars dito.

Bukod kina Barbie at Joshua ay tampok sa movie ni Direk Mark Reyes sina Jhake Vargsas at Bea Binene, Derrick Monasterio at Lexi Fernandez, Kristoffer Martin at Joyce Ching, Elmo Magalona at Julie Anne San Jose, at Louise delos Reyes at Alden Richards.

Pero maituturing na pinakasikat ang tambalan nina Barbie at Joshua kaya may mga nagsasabing sa kanila nakasalalay ang tagumpay ng movie.

Pero itinanggi ito ni Barbie.

Aniya, "Ang dami-dami pong nagsasabi niyan, pero hindi naman po totoo ’yan.

"Lahat po kami, lahat naman po kami nag-contribute at nag-cooperate sa movie.

"Lahat kami may story sa movie, lahat naman kami maganda ang role sa movie, ang character.

"So, lahat naman po kami, hindi lang kami ni Joshua.

"’Tsaka sa movie naman po halos lahat may... parang okay naman po, pantay-pantay naman po kaming lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya hindi siya nape-pressure?

"Hindi nga po totoo yun, lahat po kami importante sa pelikula.

"Lahat kami nag-effort para mapaganda ang pelikula, at tulad ng sinabi ko, pantay-pantay po kami sa movie," sabi niya.

RIVALRY. May mga nagsasabi na baka mag-away ang fans ng tween stars ng GMA-7, lalo na ang fans nina Barbie at Bea sa premiere night ng movie nilang Tween Academy: Class Of 2012—kung sino ang mas sikat, kung sino ang mas malakas ang palakpakan.

Pero ani Barbie, "Wala naman pong ganun."

Magkakaibigan daw ang mga fans nila.

"Kasi po kapag Tween Hearts series, kapag may mall shows kami, pumupunta po yung fans naming lahat.

"Doon siguro nagba-bonding na sila after ng mall show or ng taping, kaya naging close naman sila."

Kahit nga may solo show na rin sina Bea at Jhake, ang upcoming afternoon series na Pahiram ng Isang Ina, happy si Barbie.

Wala raw dahilan para isipin ng iba na may sapawan or insecurities sa pagitan nila.

"Wala po. Tinanong po sa akin ’yan dati nung si Louise naman ang gagawa ng Alakdana.

"Basta lahat po ng tween stars, kung magkakaroon ng opportunity or break na para sa kanila, very supportive kaming lahat para sa bawat isa, katulad namin ni Joshua.

"Kasi siyempre, kaibigan namin sila, magkakaibigan kaming lahat kaya supportive kami sa bawat isa.

"Kung ano yung plans ng GMA para sa bawat isa, supportive kami dahil magkakaibigan kami," sabi ni Barbie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN