(UPDATED) TV5 executives surprised by Nora Aunor’s instant involvement in promo of Tween Academy: Class of 2012

Kuya Germs was said to be responsible for Nora Aunor’s presence in the GMA-7 premises this afternoon, August 5.

(Inset) The Superstar was asked by her friend, GMA Films executive Joey Abacan, to wear the Tween Academy Class of 2011 jacket and fansign showing the film’s playdate.


Nabigla raw ang TV5 sa pagbisita ni Nora Aunor kaninang hapon, August 5, sa bakuran ng GMA-7?

Ito ang unang balitang nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Subalit sa paglilinaw ng isang TV5 executive, ang pagkagulat ay bunsod ng instant involvement ng Superstar sa promotion ng upcoming movie ng GMA Films.


Napag-alamang inanyayahan ni German "Kuya Germs" Moreno ang Superstar na mag-guest sa kanyang radio program sa dzBB at sa taping ng Walang Tulugan With The Master Showman.

Bago ang guesting na yun, dinala raw ni Kuya Germs si Nora sa tanggapan ng GMA Films, kung saan nandun ang executives na sina Atty. Annette Gozon-Abrogar at Mr. Joey Abacan.

Nagkagulo ang lahat na staff ng GMA Films para magpa-picture sa Superstar.

Naisip naman ni Joey na ipasuot kay Nora ang jacket ng Tween Academy: Class of 2012 at pinahawak ang fansign, kung saan nakasulat ang title ng pelikula at showing nito ng August 24, saka sila nagpalitrato.

Kaagad na ipinost ni Joey sa kanyang Twitter at Facebook account ang naturang picture.

Mabilis na nakarating ang pangyayaring ito sa ilang executives ng TV5.

May mga ilan umano na nagbitaw ng agresibong reaksiyon, pero ayaw naman nilang magbigay ng opisyal na pahayag sa PEP.

Pinag-usapan din ito sa radio program ni Cristy Fermin sa Aksyon Radyo, pero hindi binanggit kung sinong involved sa kuwento dahil ginawa itong blind item.

Reaksiyon ng ilang nakausap namin sa TV5, "Hindi naman namin ipinagkait sa kanila si Nora kahit exclusive ito sa amin.

"Kahit nga mga taga-ABS CBN, pinayagan naming mag-interview dahil nagpapaalam sila nang maayos.

"Si Boy Abunda na malapit din kay Ate Guy, pinayagang interbyuhin ito pero para sa column lang niya sa Philippine Star, hindi niya dala ang crew ng The Buzz at SNN."

Kaya ang dating sa kanila, parang nagagamit ang Superstar para sa promo ng Tween Academy: Class of 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiningan ng PEP ng sagot ang mga taga-GMA Films at nakausap namin ang isa sa may hawak ng promo nito na si Tracy Garcia.

Ayon kay Tracy, malapit si Nora kay Joey Abacan kaya dinala nga siya roon ni Kuya Germs.

"Sa Amerika pa lang si Nora, nag-uusap sila. Magkaibigan ang dalawa," pahayag nito.

Wala raw silang intensiyong gamitin ang Supertar para i-promote lang ang kanilang pelikula kundi ginawan lang daw nila ng fansign na pinapagawa naman nila sa iba pang celebrities.

Hindi naman daw nila nakita si Nora na naalangan sa ginawa sa kanya at bukod pa diyan, wala raw pagtutol mula kay Kuya Germs na napaka-supportive daw nito sa lahat na mga project ng GMA Films.

Ang isa pang ipinupunto ni Tracy, wala naman daw exclusive contract si Nora sa films ng TV5.

Kaya tingin daw nila, wala siyang inagrabyadong tao at ginawa lang daw nila ’yon dahil magkaibigan sina Nora at Joey.

Ayaw nang mag-react ng nakausap namin sa TV5 nang ipinarating namin sa kanila ang sagot ng taga-GMA Films.

Ang tanging nasabi lang nito, "Sana makatulong nga si Nora sa pelikula nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN