Elmo Magalona denies taking advantage during kissing scene with Sam Pinto

"Pero, hindi naman dahil sa kissing scene kaya naging take eight. Yung overall na nangyari, nagkamali. Nagkaroon lang ng timing, hindi naman yung kiss ang mali," Elmo explains why he had to do re-takes of the kissing scene with Sam Pinto.


Excited na raw si Elmo Magalona sa showing ng movie nila na Tween Academy: Class of 2012.

Ayon kay Elmo, naniniwala siya sa sinasabi ng fans na susuportahan nila ang movie na ipalalabas na sa August 24.

Para sa batang aktor, hindi lang ang pagkakaroon ng movie ang na-gain niya sa paggawa ng Tween Academy: Class of 2012 ng GMA Films, kundi nadagdagan din ang mga kaibigan niya sa industry.

"I’m just really happy that I got to work with them [Tween’s cast] and they are really fun to be with. And I hope that I’ll be able to work with them again," sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo sa presscon ng Tween Academy noong Huwebes, August 14, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

THANKS TO SAM. Hindi naman daw nagkaroon ng pagkailang si Elmo to work with the cast kahit hindi siya kasama sa youth-oriented series na Tween Hearts.

In fact, bonding nga raw sila halos at kulitan agad sa set.

Kuwento niya, "Sina Derrick Monasterio, Alden Richards... I got to work with them... parang it wasn’t really boring every time na nagsu-shooting kami."

Si Elmo ang may kissing scene sa movie with Sam Pinto. Hindi ba siya kinabahan?

"Well, yun nga, it’s the first time and I have to do it sa movie. Kasi, parang turning point din ng story ko.

"Parang it’s really hard, pero sana magustuhan ng mga manonood.

"There’s something in my head but when it happened na rin, hindi ko na rin inisip.

"Kumbaga, inisip ko na lang na hindi naman talaga si Elmo ang gumagawa noon.

"I was Enzo [the characer he was playing]. She [Sam] was my teacher and I really love her."

Supportive naman daw si Sam sa kissing scene scene nila. Kinausap siya ng sexy actress bago ang take.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang sabi niya, huwag lang daw akong mahiya to make it look nice.

"Basta may scene po na kailangang gawin, hindi ko muna sasabihin kung ano yun. Pero, sinabi niya na, yun nga po, gawin ko yun."

TAKE 8. Hindi itinanggi ni Elmo na umabot ng take eight ang naturang kissing scene.

"Well, may mga problems sa eksena. Pero after eight takes, okay naman. Natapos din.

"Pero hindi naman dahil sa kissing scene kaya naging take eight.

"Yung overall na nangyari, nagkamali. Nagkaroon lang ng timing, hindi naman yung kiss ang mali."

At dahil daw sa naturang kissing scene niya, kinainggitan siya ng ibang Tween boys, lalo na si Alden Richards na very vocal na may crush naman kay Sam.

"Well, sorry, next time," nakangiti niyang sabi.

"Sabi nga nila, sobrang suwerte ko nga raw that I have to do that for the movie. Parang lucky me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN