Lexi Fernandez admits she has a crush on Dennis Trillo; says Maritoni is no stage mom

"Nakasama ko na rin po siya sa Bubble Gang po. Nakasabay ko po siyang mag-guest. Naguwapuhan lang po ako sa kanya. Yun po," Lexi Fernandez shares her encounters with her crush, Dennis Trillo.


Masuwerte si Lexi Fernandez dahil kahit maituturing pa rin naman na isang baguhan sa showbiz, hindi siya halos nawawalan ng project. Nakikilala na rin siya bilang isa sa mga batang kontrabida ng Kapuso network.

Sa pelikulang Tween Academy Class of 2012 na ipapalabas na sa August 24, kapareha ni Lexi si Derrick Monasterio. Pero ayon kay Lexi, part pa rin daw siya ng kontrabida group.

"Yes, sa movie po, part ako ng kontrabida group. Pero, hindi ako yung mismong mataray. Si Yassi Pressman po. Siya po yung pinakamataray rito.

"Ako naman ang best friend ni Derrick dito na eventually [mapapalapit] nga po, yun."

One year na daw ni Lexi showbiz noong July. Pero sa loob ng one year, nagawa na niya ang Ilumina, Tween Hearts, Nita Negrita, at kasama rin siya sa susunod na primetime series ng GMA-7 na Iglot.

Sa movies naman ay nagawa na niya ang Tween Academy Class of 2012 at The Road, at isa pang movie na pang-MMFF daw.

WORKAHOLIC? Compared daw sa mommy niya na si Maritoni Fernandez na hindi pabor sa sunud-sunod na trabaho, with Lexi, okay lang kahit wala siyang bakanteng araw.

"Si Mommy kasi, may business din siya outside show business. Yung mga organics po. Kasi, cancer survivor po siya.

"Parang ginagawa niya ito para tulungan din ang ibang tao.

"Gumawa siya ng products na tumutulong magpagaling sa kanya [at ibinabahagi sa iba]."

NO STAGE MOM. Hindi raw stage mother ang mommy niya. Dahil minsan daw, siya pa ang nakikiusap dito na samahan or dalawin siya kapag may taping.

"Minsan may photo shoot kami para sa isang bagong show. Ako [ang nagsasabi] ’Mama, sama ka.’

"Minsan sumasama siya, pero hindi siya mag-i-stay the whole time. Minsan isang oras lang, dalawa, tapos aalis na.

"Kapag niyaya ko naman siya sa taping, ayaw niya. Ayaw lang niya talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ewan ko kung bakit. Pero siyempre, kapag malapit siya, sinasabi ko, Sige na Mama, bisitahin mo naman ako rito.’

Kasi noong bago ako mag-showbiz, yun ang ginagawa ko. Sa bawat taping ni Mama, sumasama ko.

"Tumutulong ako sa makeup nila. Ako ang tagadala ng makeup niya.

"Kapag magpapalit siya ng costume, ako ang tatakbo. So, parang lumaki talaga ako nang ganoon.

"Ngayon naman, sabi ko, ’Sige na, samahan mo ako sa set.’"

MONEY MATTERS. When it comes to her income, sabi niya, her money goes straight to her savings account. Pero, tumutulong din daw siya sa ilang gastusin nila sa bahay.

"Single mommy po kasi si Mama. Tumutulong po ako sa mga bills sometimes.

"Kaya tulungan po kami. Kasi, tatlo na lang kami. Ako, kapatid ko, si Mama.

"Kaming tatlo lang ang magkasama. Kaya yun. Si Mama ko pa rin po ang nagha-handle ng TF [talent fee] ko.

"Pero ngayon po, nagsi-save talaga ko para sa kotse ko. Gusto ko po kasi Starex Gold na puti para sa taping.

"Sana po this year, makabili na ko. Kasi, nahihirapan din kami. Kapag taping, hinahatid lang ako.

"Hindi ako puwedeng samahan ng driver kasi, kailangan ni Mama ng kotse."

BOYS, BOYS! On the other hand, 16 years old na si Lexi. Kumpara kasi sa ibang tweens, mas mature na siya nang kaunti. Barbie Forteza just turned 14 years old and Bea Binene is 13 years old pa lang. Ready na ba si Lexi for a relationship?

"Ayoko muna po. Kasi, gusto ko po talaga career muna. At saka, kailangan ko rin i-balance ang studies ko.

"Yun din ang mahirap. Kapag sunud-sunod ang taping, walang oras na gumawa ng mga phases [school work].

"Kasi, home schooling po ako. Kailangan po talagang tapusin kasi in one year, 72 books po yun. So, kailangan ko talagang tapusin lahat."

Never pa raw siyang nagkaroon ng boyfriend. Wala naman din daw siyang manliligaw sa ngayon. Pero, sa roles nila ay kadalasang dramang kilig-kilig at young romance. Hindi ba siya nae-encourage in real-life na magkaroon ng boyfriend?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po. At saka, dito po kasi, barkada. So, kahit hindi kami nagri-regular school, parang school ang barkada namin.

"Matagal na rin kaming nagkakasama. At saka, matagal pa rin kaming magsasama. At yung bonding namin, matagal talaga. So, yun po."

Masaya raw siya ngayon at masasabi raw niyang walang intrigahan sa grupo nila.

"Sobrang masaya lang po kami. Walang sapawan. Tulungan lang kami. Ngayon po, masasabi kong smooth na smooth po."

HER CRUSH. Among the actors, tila kinikilig pa ito nang sabihin na si Dennis Trillo raw ang crush niya.

"Nakasama ko na rin po siya sa Bubble Gang po. Nakasabay ko po siyang mag-guest. Naguwapuhan lang po ako sa kanya. Yun po," natatawang sabi niya.

"Pero hindi ko pa rin naman po siya kilala talaga," nangingiti niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN