Yeng Constantino holds second major concert after four years

"Ang saya, saya ko!" the singer-songwriter Yeng Constantino told the crowd who cheered wildly for her.


"Ang saya, saya ko!"

Ito ang unang sinabi ng singer-songwriter na si Yeng Constantino sa kanyang second major concert.

Tinawag ang concert na RakenRol Jamming with Yeng Constantino, na naganap kagabi, August 5, sa Aliw Theater, Pasay City.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na masaksihan ang naturang concert.

AWAITED DREAM. Matapos ang halos na apat na taong paghihintay, muling natupad ni Yeng ang kanyang pangarap ma magka-concert.

Muntik nang hindi matuloy ang concert dahil sa medical condition ni Yeng ilang linggo bago ang show date. Tuwang-tuwa siya nang gumaling siya at maayos ang kanyang boses.

Mas excited ang kanyang fans dahil hindi pa man siya lumalabas, nagtitilian na ang mga ito.

At nang sa wakas ay lumabas na si Yeng, hindi mapigilan ng mga taong sumigaw nang "I love you, Yeng!"

Opening number ang kantang, "We Will Rock You" at "Yugyugan Na!" Matapos umawit, paulit-ulit na pasasalamat ang nadinig sa kanya.

Aniya, "Dahil sa tiwalang binigay ninyo sa akin, thank you, sa inyo!"

Tsaka naman niya inawit ang kanyang mga hit singles, na aniya’y "nag-number one" sa ilang mga music countdown.

Bago tumuloy sa susunod na kanta, biniro ni Yeng ang kanyang mga fans.

"Wala akong nagiging love life, kayo lang ang love life ko!"

JAMMING PARTNERS. Isa-isa namang dumating sa stage ang mga taong gustong-gustong ka-jamming ni Yeng.

Una ay ang lead vocalist ng bandang 6Cyclemind, si Tutti Caringal.

Inawit ng dalawa ang kantang, "Kung Wala Na Nga," at sa kalagitnaan ng kanilang performance ay sinabi ni Tutti kay Yeng, "Ikaw, hindi ka pa nagbabago! Maganda ka pa din!" na ikinakilig ng mga manonood.

Sumunod ay ang Pinoy rapper na si Gloc 9. "Wala Nang Natira" ang inawit ng dalawa, na sinabayan ng mga tao.

Mataas na ang energy ng mga tao nang pumasok sa entablado si Raimund Marasigan. Dito’y inawit nila ang "Sugod," habang ang mga tao’y walang tigil ng pagtitilian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At habang naghahanda si Yeng sa kanyang next performance, nandoon naman si Gloc 9 para aliwin ang mga tao sa kanta niyang "Upuan."

Nang makabalik na si Yeng sa stage, pinasalamatan niya ang ilang mga kaibigan at kamag-anak niyang naroon sa venue.

Pero nang tawagin na niya ang pangalang Ryan Bang, agad na sumigaw ang mga tao ng "Sample! Sample!" na siyang dahilan upang umakyat si Ryan sa stage at batiin ang mga manonood.

Nang gabing iyon ay tinupad ni Yeng ang ilan sa mga childhood dreams niya na kumanta bilang rapper, tenor singer, at cabaret singer.

Tatlong version ng kantang "Time In" ang nagawa ni Yeng ng gabing iyon.

SONGS FROM HER CHILDHOOD. Next, she performed songs na "kinalakihan ko."

They included "Total Eclipse of the Heart" ni Bonnie Tyler, "I’ll Be There For You" ni Bon Jovi, at "I Don’t Want to Miss a Thing" ni Aerosmith.

Nang ipakilala ni Yeng ang sumunod na performer, sinabi niyang natutuwa siya sa batang ito, dahil sa tuwing may guesting daw siya’y ang ilan sa mga kanta niya ang inaawit nito.

Ang batang tinutukoy ni Yeng ay ang YouTube sensation na si Maria Aragon, na siyang na-discover ng pop singer na si Lady Gaga.

Dalawang kanta ang inawit ni Maria, isa dito’y ang kanta kung saan siya sumikat, ang "Born This Way."

Pagbalik ni Yeng sa stage, nag-duet sila ni Maria sa kantang "Price Tag."

Sa sumonod na production number, sinabi ni Yeng, "Yung sunod kong makakasama, e, isa sa mga nagpapakilig sa akin." At ito’y walang iba kung hindi ang PBB Teen Edition finalist na si Ivan Dorschner.

Nagkasama ang dalawa sa bagong music video, "Jeepney Love Story," na kinanta nila sa concert.

SPECIAL GUESTS. Nang matapos na ang kanta ay biglang lumabas ng entablado si Sam Milby, ng hindi namamalayan ni Yeng. At nang makita niya ito’y napaiyak na lang siya sa aktor na kung tawagin niya’y "bro."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-duet sila sa kantang "Ironic" ni Alanis Morissette. Nang iwan ni Yeng si Sam sa stage, doon ay nag-solo performance ang aktor ng kantang "I’m Yours" ni Jason Mraz.

Nang sisimulan na sana ni Yeng ang kanyang solo performance, biglang lumabas si Mr. Pure Energy, Gary Valenciano. Ang aawitin kasi ni Yeng ay ang original na kanta ni Gary V, ang "’Di Bale Na Lang Kaya."

Dito’y nag-duet ang dalawa, at sumandaling umalis uli si Yeng sa stagr habang umawit si Gary V ng ilang kanta sa mga sikat na primetime shows ng Kapamilya network.

The songs include "In The Name of Love," "Tayong Dalawa," "Kung Tayo’y Magkakalayo," at "Minsan Lang Kita Iibigin." They can also be found in his latest album.

Matapos ang performance ni Gary V, sinurpresa siya ni Yeng ng isang birthday cake, dahil ilang oras na lang daw ay kaarawan nito. This year ay 27th anniversary rin nila ng kanyang asawang si Angeli Pangilinan.

Inawit din ni Yeng ang mga pinaka-unang niyang hits na talagang minahal ng mga tao.

Ito ang "Hawak Kamay" at "Salamat" habang kinakamayan at kinakawayan niya ang mga fans.

Bago tuluyang lumisan sa stage si Yeng, sabay-sabay na sumigaw ang kanyang fans ng "Mahal ka namin, Yeng!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN