Christian Bautista does not believe in long-distance romance: "That’s why I usually don’t start a relationship."

Christian Bautista was in the country for a couple of days to attend the premiere of his Indonesian-produced movie, Special Symphony, which opened on August 3. He’s now back in Singapore where he’s doing a TV musical titled Kitchen Musical.



Bitin ang pagbalik ni Christian Bautista sa Pilipinas. He was just here for a couple of days para sa premiere ng kanyang Indonesian-produced movie na Special Symphony which had its regular showing nitong August 3 (Wednesday). Pagkatapos ay balik agad siya sa Singapore kung saan he’s doing Kitchen Musical.


Pero bago siya umalis ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanyam siya.


"I’m happy that I’m back," aniya. It’s good to be here. And this is important to me... itong movie na ito. It’s really close to my heart.


"Itong movie na ito, we shot it last year pa... October, November pero ngayon lang na-release sa Philippines.


"Sa istorya nito, ang character ko ay si Jayden, a Filipino musician na nahirapan sa kanyang career. Ewan ko kung true-to-life iyon," natawa pa niyang biro.


"Then I go to Indonesia kasi hinahanap ko ang nanay ko na nagma-manage ng school. Kailangan nila ng isang special teacher. E, since I’m a teacher of music, naging teacher ako. ’Yon pala special children.


"So it’s a story about special children, their lives, and how we affect each other. It’s a heart-warming family movie."


DELICIOUS SERIES. Kumusta ang Singapore at ang Kitchen Musical?


"Ako po ay enjoy na enjoy sa Singapore. Ang sarap kasama ng cast. Ang sarap sumayaw pala. Gumagaling na ako!" natawang sinabi ni Christian.


"Ang sarap kumain. Kasi Kitchen Musical, kinakain namin ang mga pagkaing nando’n. And I’m learning so much. Sana after nito, mas magaling na akong performer. I’ll be back here sa Pilipinas ulit by October 1.


"They’re planning season 2 ng Kitchen Musical. So... tingnan natin. Kung mangyari iyon next year, I’ll be out of the country again."


May kasunod na movie na ba siyang gagawin after Special Symphony?


"Wala pa. So we’ll see kung ano ang turnout nito sa Philippines at saka sa Indonesia.


"What we’re after is not the commercial aspect... we wanna tell a story.


"Paano ba nabuo itong story na ’to? My producer, [nabasa] niya sa newspaper about an orchestra of special children sa China.


"Tapos no’ng nakita niya ’yong special children na orchestra, na-inspire siya. Gusto niyang gumawa ng movie about special children para makita nila ’yong story na kaya nilang gumawa ng mga kakaibang bagay kapag talagang tinuruan sila at minahal sila from the beginning.


"We wanna send a message. We wanna tell a story.


"And we’re supported by World Vision. We’re supported by the Autism Society of the Philippines. So I hope na... people will be inspired."


LOVELIFE. Kumusta naman ang lovelife niya ngayon?


"Lovelife ko..." nangiti si Christian bago nakapagbigay ng sagot. "I’m single. Ah... I don’t believe in long-distance relationships. That’s why I usually don’t start a relationship."


Pero pwede naman siyang magka-lovelife sa Singapore, di ba? Kung talagang gugustuhin niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Why not? Uhm... you know if you fall in love in one country and if your love is stronger than the distance, that’s it. So siguro... hindi ko pa nakikita ’yon.


"Pero I do have a new album," natawa niyang segue sa pagpu-promote ng kanyang bagong album sabay pakita ng isang kopya nito.

"This is called The OPM Love Songs. Ang single [theme song ng Special Symphony] is in this album. So napakagandang kanta. I hope you like it."


Si Gari Concepcion na anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna, ay nali-link sa kanya ngayon. What’s the real score?


"I’ve heard about that!" nangiting sabi ni Christian. "Nakita ko siya sa Twitter. Tapos in-interview raw siya ni Kris [Aquino]; sabi bagay kami.


"I haven’t really met her.


"I wanna meet her. I wanna meet her. I hope I do.


"Pero... what’s so funny is Kris — sini-set up niya ako palagi.


"But I adore her. I love Kris."


PAST LOVE. Kumusta sila ng ex-girlfriend niyang si Rachel Ann Go?


"We’re okay. We’re friends."


Nabalitaan ba niya ang breakup nina Rachel Ann at John Pratts?


"When I was in Singapore, nabalitaan ko nga nag-break na sila."


Ang reaction niya?


"I was sad. I was sad. Kasi... any break up is hard.


"Pero kami naman ni Rachel, lagi kaming magkaibigan. Whether meron siyang boyfriend o wala."


So nagkakausap pala sila?


"Yeah! Oo. Kuwentuhan lang. Kumustahan lang.


"Okey naman siya. Meron siyang Little Mermaid. So I’d like to watch that with Erik Santos."


Hanggang kailan siya loveless?


"We’ll never know. Sa ngayon, e... I don’t wanna rush into anything."


Anong na-miss niya sa Pilipinas?


"’Yong food! Like... lechon. Sa Lucky Plaza [a shopping center in Singapore] meron. Pero iba, e.


"So ’yong pagkaing Pinoy talaga ang nami-miss ko. Puro fresh food ang niluluto namin doon. Pero iba pa rin ’yong gaya ng adobo."


Labis na ikinatutuwa raw ni Christian na ang kanyang buong pamilya at iba pang kamag-anak ay laging full support sa kanya.


"Yes. Even my cousins, my Tita, pumunta rin sila ng Singapore . I love them. I love my family.


"Talagang full support. Lagi akong gina-ground... ibinabalik sa lupa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN