Mario O’Hara set to direct Nora Aunor in mini-series

Mario O’Hara (left) with Doy del Mundo Jr. in this photo taken July 24 at the Cinemalaya 2011 awards night at the CCP.

Mario is set to direct Nora Aunor in a drama mini-series for Studio 5. "Iba na [naman] ang title," sabi pa ng direktor, na unang nagbalita sa PEP ng tentative title [na Donya Negra], na naging Madre de Familia [mula mismo sa TV5 PR office]. Finally, ang titulo na raw



Muling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono kanina, August 6, at around 11:30 a.m, ang premyadong manunulat, aktor at direktor na si Mario O’Hara.


Nagbanggit si Direk Mario ng ilang detalye tungkol sa mini-series na kanyang ididirehe, para sa superstar at aktres na si Nora Aunor.


Ito’y bahagi ng mga napag-usapan sa meeting nila, kahapon, August 5, sa upisina ng TV5.


Matapos ang mahigit dalawampung taon, o 23 years, nagkitang muli sina Nora Aunor at Mario O’Hara, na nagka-trabaho sa maraming memorable films mula noong kalagitnaan ng dekada ’70 hanggang latter part ng ’80s.


Kabilang sa mga pinagsamahan nilang pelikula, as actress (Nora) and director (O’Hara), ang mga sumusunod: Tatlong Taong Walang Diyos (1976), Kastilyong Buhangin (1980), Bakit Bughaw Ang Langit (1981), Condemned (1984), Bulaklak Sa City Jail (1984), Tatlong Ina, Isang Anak (1987); Takot Ako, Eh (1988); at bilang producer (Nora) at actor-director (O’Hara), ang horror-dramang Halimaw (Banga episode, 1986), na naging top-grossing entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF), noong 1986.


Sa Takot Ako... ay ang mga anak ni Nora, na sina Lotlot, Matet, Kiko, at Ian de Leon ang nagbida; may cameo appearance dito sina Nora Aunor at Vilma Santos, among other star-guests.


POSITIVE. Positibo ang mga pananalita ni Direk Mario, sa muli nilang pagkikita ng paborito niyang aktres.


"Ok naman si Guy," simulang banggit ni Direk Mario sa PEP.

"Mukhang hindi siya harassed; kumpleto ang tulog. Mukhang maayos talaga ang buhay niya ngayon."

Hindi nga lang daw sila masyadong nakapag-usap nang personal at masinsinan, hinggil sa iba pang mga plano, dahil maraming tao sa TV 5 network office, at hindi rin nagtagal ang kanilang meeting.

Agad tinanong ng PEP si Direk Mario ang tungkol sa drama mini-series na pagsasamahan nila ni Nora Aunor para sa Studio 5.


"Iba na [naman] ang title," sabi pa ng direktor, na unang nagbalita sa PEP ng tentative title [na Donya Negra], na naging Madre de Familia [mula mismo sa TV5 PR office].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Finally, ang titulo na raw ng mini-series ay Sa Ngalan ng Ina.


"In The Name of the Mother," pag-translate ni Direk Mario. "Yun pa rin naman ang kuwento, tungkol sa mayamang donya, at ang kanyang struggle [amidst the political turmoil in her hometown], matapos ma-assasinate ang kanyang unang asawa. Bale second wife siya rito, e."


May mga ibang detalye pa ng kuwento na binanggit si Mario O’Hara, pero hindi pa final; isinusulat pa lamang ang teleplay, ng TV5 pool of writers.


CO-ACTORS. As for Nora Aunor’s co-actors, binanggit ni Direk Mario sa PEP ang ilan sa mga pangalang narinig niyang nag-crop up sa meeting.


"Sa mga... [veterans], kasama si Rosanna Roces."


Hindi leading man, kundi magiging katunggali ng female lead character si Christopher de Leon, na nasa kalabang partido-pulitikal.


"Magka-clash sila," sabi pa ni Direk Mario.


Nasa plano rin daw ang paglabas sa mini-series nina Suzette Ranillo [Guy’s close friend] at Eugene Domingo.


"Support niya si Eugene," ani Direk Mario.


Sa mga kabataang aktor at aktres, ang natatandaan niyang nabanggit sa meeting ay sina Nadine Samonte at Edgar Allan Guzman. Kasalukuyang gumaganap ang dalawa sa teleseryeng, The Sisters, sa Channel 5.


OTHER PROJECTS. Malamang din daw ay sa late August, ngayong taon, ang simula ng trabaho nila ni Guy para sa mini-series.


"Buong September, magte-taping kami... limited din kasi ang time niya [Nora]. Ang alam ko, gagawin din niya ang movie sa Regal, kay Mother [Lily Monteverde]; yung kay Joel [Lamangan]. Okey naman ’yon, comedy. Direktor din naman niya si Joel..."


As of this writing, may nabalitaan na rin ang PEP tungkol sa gagawin ni Norang pelikula, para sa Regal Films, pero wala pang kumpirmasyon.

Ang pelikula [titled Hototay], na originally intended for Kris Aquino, ay reportedly entry ng Regal Entertainment sa Metro Manila Filmfest (MMFF) this December, 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


So far, ang talagang kumpirmadong paglabas ni Nora sa pelikula, na isa rin sa mga dahilan ng kanyang pagbabalik sa bansa, ay ang El Presidente ni Direk Tikoy Aguiluz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN