Jason Abalos squashes rumors he’s going back to ex-girlfriend Bela Padilla; says he would like to marry someone like Jewel Mische

Jason Abalos expresses his admiration for Jewel Mische.

"Inaamin ko na ang pagkatao ni Jewel, gustong-gusto ko. Kung sakali mangyari in the future na maging kami, ipagpapasalamat ko," he says. "Kahit ngayon, ipagdarasal ko kung saka-sakaling siya na ang babaeng mapapangasawa ko habangbuhay. Kung di si Jewel yun, yung taong kagaya niya."



After his breakup with Bela Padillla, nali-link naman ngayon si Jason Abalos kay Jewel Mische.

Balita ang sweetness at closeness na nakikita kay Jewel at Jason. Inamin naman ng aktor na si Jewel ang isa sa nagpatibay sa kaniyang faith in God.

In a phone interview with Jason last Tuesday sa taping ng Reputasyon, hindi itinago ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang malalim na paghanga niya kay Jewel.

Klinaro din ni Jason na hindi pa niya ito nililigawan gaya ng mga lumalabas na balita.

"Magkaibigan talaga kami, wala namang nangyayaring ligawan. Puwede naman na kahit nagkikita kayo, magkaibigan lang kayo di ba? Hindi naman porkeā€™t nagkikita, nagliligawan na o mayroon ng romance," ani Jason.

"Kasi, nakakahiya kay Jewel. Sobra siyang deboto, ayokong isipin ng pamilya niya na ganito lang pala ang ginagawa niya sa showbiz.

"Para sa akin ang mission niya sa showbiz ay ipakita na mayroong pang mga artista na matino. Kasi pag sinabi mong showbiz, iisipin ng iba, magulo.

"Naniniwala ako na kaya kami nagkakilala ay kasi mayroon siyang mission. Pangit mang sa akin nanggaling, pero parang ang misyon niya ay mas mapalapit ako sa Diyos; anghel siya para sa akin," aniya.

"Inaamin ko na ang pagkatao ni Jewel, gustong-gusto ko. Kung sakali mangyari in the future na maging kami, ipagpapasalamat ko.

"Kahit ngayon, ipagdarasal ko kung saka-sakaling siya na ang babaeng mapapangasawa ko habangbuhay. Kung di si Jewel yun, yung taong kagaya niya.

"Oo, sobrang taas ang tingin ko sa kanya. Madi-discover mo talaga ang tao pag nakilala mo siya ng personal," ang sabi ni Jason.

NOT GOING BACK TO EX. Klinaro din ni Jason ang usap-usapan na babalikan niya raw ang ex niyang si Bela Padilla.

"Wala na talaga kaming communication. Matagal na kaming huling nag-usap at never na kaming nagkita. Kung magkita man kami, sa mga events na lang. Hi, hello na lang yun. At kung mag-usap man kami, di ganun katagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mayroon na kaming kanya-kanyang buhay ngayon. Masaya ako para sa kanya. Kung anuman ang nangyayari sa buhay niya, natutuwa ako."

Sa TV drama na Repustayon, magka love triangle si Jason, Cristine Reyes, at Rayver Cruz.

Ayon kay Jason, siya ay naiinggit sa sobrang sweetness ni Cristine at Rayver sa set.

"Minsan nagho-holding hands, sobrang sweet [nila]. Isang beses, si Rayver may dalang bulaklak for AA. Gusto ko ng ganun pag nagka-lovelife ako. Ang sarap na naipapakita nila ang pagmamahal nila kahit madaming nakakakita."

Marami din ang nakakapansin na magkahawig si Rayver at Jason.

"Nung isang araw, galing ako sa Davao at na-late ako sa taping. Ginamit siya na pang-double sa akin. Wala namang problema sa akin, sobrang dami ng tao sa mundo, di maiiwasan na magkaroon ka ng kamukha," ang sabi ni Jason.

"Pag kasama ko siya sa trabaho, nakikita naman ng tao kung ano ang pagkakaiba namin."

Ang Reputasyon ang panimula ng Kapamilya Gold sa ABS-CBN, bagay na nagbibigay ng pressure kay Jason dahil kailangan ay malakas ang show nila bilang pambungad sa panghapong programa.

"Masaya kami kasi mataas ang ratings namin, kaya nilagay [ang show] sa hapon para umangat."

ANYTHING GOES. Isa si Jason sa mga artista na bukas gumanap sa anumang role, mapabida man ito o second lead. Para sa kanya, ang mahalaga ay di siya nababakante at patuloy ang pagdating ng mga proyekto.

"Maganda yung bonggang project, pero mas OK ang tuloy-tuloy ang pagpasok ng trabaho. At the same time, yung craft mo, napag-aaralan mong mabuti.

"Mas mamahalin mo siya kasi ang dami mong nadi-discover sa bawat project na ginagawa mo. Ang hirap naman kung ngayon may trabaho ka, tapos bukas mapapraning ka sa kaiisip kung ano ang susunod mong project, o kung ano na ang mangyayari sa iyo.

"Sa akin OK na ang nangyayayari sa career ko kasi ang plano ko ay tumagal talaga sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bukas din akong gumawa ng indie films. Yun ang nagbukas sa akin ng reyalidad ng showbiz. Dun ko nakita ang totoong trabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN