Wendell Ramos wishes to work with the Superstar Nora Aunor

"Ako kukunin ko na lahat ng opportunity. Ta-timing lang ako sa kanya kung puwedeng magtanong. Ano ba yung mga pupuwedeng ibigay niya sa aking advice when it comes to our craft, sa acting niya. Kasi magaling talaga siya," says Wendell Ramos about his wish to work with the returning Superstar Nora Aunor.


Mula pa nung Pebrero ay PPL Entertainment artist na si Wendell Ramos.

Ang PPL ay ang management team na pag-aari ng talent manager na si Perry Lansigan. Kabilang sa mga artista ng PPL ay sina Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Angelika dela Cruz, Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap, Carl Guevarra, at ang magpinsang Geoff at Gabby Eigenmann.

Sa itinatakbo nga ng career ng 32-year-old na aktor, mukhang masaya naman siya sa pangangalaga ni Perry at sa pagiging Kapatid artist niya.

Nagkuwento pa si Wendell, kung paanong kasalukuyang ini-enjoy niya ang pareho niyang shows sa TV5 na The Sisters, at lalo na, ang comedy na Sugo Mga Kapatid.

"So far, nagdye-gel kami nina Kuya Joey [Marquez] at ni Long [Mejia] which is yun naman ang pinaka-formula ng isang comedy.

"Yung kailangan meron kayong chemistry. Magkakilala kayo. Para mag-work ang isang scenario, yung isang situation," pahayag ni Wendell sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kabilang ang PEP sa inimbitahang media groups na mag-cover sa pictorial ng labing-apat na PPL talents sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite, kahapon, August 6.

May nakasalang pang ibang artista ng PPL sa pictorial, kaya’t nagkaroon ng tsansa ang PEP na makausap ang naghihintay namang si Wendell.

Patuloy pa ni Wendell, malaking bagay rin daw na dati na silang magkasama ni Joey sa Palibhasa Lalake sa ABS-CBN nung 1990s at sa kanyang pagkaka-involved ng maraming taon sa GMA-7 gag show na Bubble Gang.

"Oo, nagko-contribute. Nandun pa rin yung Lalake show, yung medyo naughty. Ang difference lang dito [sa Sugo Mga Kapatid], meron kaming towards the end, may mapupulot na aral. Hindi naman yung parang, ’O, nood kayo, may mapupulot kayong aral.’ Hindi naman ganun.

"Comedy pa rin ito na nagkataon, anghel yung main character kaya laging sa ending may values pa rin na mapupulot."

At dahil galing nga rin siya sa gag show, natutuwa raw siya na nirerespeto rin nina Joey at Long ang contributions niya sa mga nakakatawang situwasyon ng show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malaki rin naman yung nako-contribute ko sa show. Hindi naman talagang malaking-malaki, pero nagugulat lang din ako minsan kina Kuya Joey, kay Long na gagawin nga yung mga sinabi ko. Kasi sila mismo mga magagaling na komedyante rin, tapos, nirerespeto rin nila yung contributions ko sa show.

"Malaking bagay lang talaga na nanggaling ako sa sa gag show, sa Bubble Gang, nakatrabaho ko sina Michael V, sina Ogie [Alcasid], si Antonio [Aquitania]. Lumawak yung pananaw ko sa comedy," pagbibigay-puri pa ni Wendell sa pinanggalingang show sa Siyete at sa mga dating katrabaho.

WISHES TO WORK WITH THE SUPERSTAR. Sa kontrata ni Wendell sa TV5, nakasaad doon na dalawang soap opera ang dapat niyang gawin. Natupad naman yun dahil pagkatapos ng Babaeng Hampaslupa ay ginawa naman niya agad ang The Sisters na pinagbibidahan ng kalilipat lang din kamakailan mula sa Siyete na si Nadine Samonte.

Sa Setyembre raw ay matatapos na ang The Sisters. At dahil natupad na ang nakasaad sa kanyang kontrata, gusto sana ni Wendell na makatrabaho naman ang bagong dating na Kapatid na si Nora Aunor.

"Sabi ko nga dun sa road manager ko, si Lisa," sabay ngiti at tingin ni Wendell sa isang babaeng nakamasid sa amin habang nagaganap ang interview, "Sabi ko sa kanya, yung kay Nora Aunor... Yung mini-series ba yun?

"Kasi gusto kong makasama si Ms. Nora Aunor."

Nakisakay naman ang PEP sa pagpaparinig na birong-totoo ni Wendell sa road manager niya at gumatong pa na dapat maobliga itong maihanap ng proyekto si Wendell with the Superstar.

"Oo naman!" natatawang sambit pa ni Wendell. "Kasi alam naman niya na minsan lang nandito si Ate Guy, alam naman natin na magiging busy siya sa mga susunod na araw. Kaya sabi ko, kung kaya na makakasingit, habang wala pang soap...

"Kasi after nung The Sisters, baka gumawa siya ng mini-series, e, at least makasama man lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun talaga, in-insist ko na sumama. And I’m proud naman na ipagsabi ko yun, dahil Superstar yun. Nag-iisang Superstar," patuloy pa ni Wendell.

Banggit pa ng aktor, kahit na may mga nakasama na rin siyang mahuhusay na aktor, iba pa rin daw kung makaka-eksena niya mismo si Ate Guy.

"Although may mga nakatrabaho na tayong magagaling na artista, iba pa rin yung icon ka na, yung Superstar. Kasi iba yung tinawag ka ng mga tao na Superstar."

Kung ibibigay nga raw ng pagkakataon na magkakatrabaho sila ni Nora, hindi raw siya mahihiyang humingi rito ng ilang acting tips.

"Ako, kukunin ko na lahat ng opportunity. Ta-timing lang ako sa kanya kung puwedeng magtanong.

"Ano ba yung mga pupuwedeng ibigay niya sa aking advice when it comes to our craft, sa acting niya.

"Kasi magaling talaga siya," animo fan na banggit pa ni Wendell.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN