Rayver Cruz happy that the public has finally accepted his reel, and real-life relationship with Cristine Reyes

Ngayong open book ang mag-i-isang taon na ring relasyon ni Rayver Cruz (left) at Cristine Reyes (right), tumigil na rin ang mga intrigang pinupukol sa kanila. Kitang-kita naman daw kung gaano kainspirado at kasaya sa isa’t-isa ang dalawa.


Ang relasyong Rayver Cruz at Cristine Reyes ay masasabing matatag na rin kung ang pagbabasehan ay kung paano nila nalagpasan ang kabi-kabilang kontrobersiya mula nang makumpirma na sila ng dalawa.

Ngayon na open book ang kanilang mag-i-isang taon na ring relasyon, tumigil na rin ang mga intrigang pinupukol sa kanila kung saan kitang-kita naman daw kung gaano kainspirado at kasaya sa isa’t-isa sila Rayver at Cristine.



Balita nga na nung birthday ng aktor last July ay isang mamahaling relo daw ang niregalo sa kanya ni Cristine. At ngayong nalalapit na ang kanilang first year anniversary, tiyak na mas bongga raw ang magiging celebration ng dalawa.


Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rayver last Tuesday sa set ng Reputasyon sa San Miguel, Bulacan, agad naming tinanong ang aktor kung may plano na ba sila ng girlfriend niya for their anniversary.



"Wala pa e, pero pinaghahandaan ko. Actually mas maganda pa nga kung biglaan. Gusto mo yung may naisip ka agad, mas nakaka-suprise yun kaysa dun sa pinaghahandaan mo nang matagal. It will be our first-year anniversary this coming September 14."



Pinakuwento namin kay Rayver ang relo na niregalo daw sa kanya ni Cristine nung birthday niya. Ayon naman sa aktor, sobra niyang na-appreciate ang gift sa kanya ng kanyang girlfriend.

"Isang magandang shirt, plain na... basta maganda siya. Tapos relo. Nung isang araw kasi wala akong dalang relo sa taping. E, kailangan ko para sa eksena.

"Ako kasi hindi ako ma-relo na tao pero may mga relo naman ako. Totoong nanghiram ako sa driver ko kasi nung araw na yun wala akong dala. Ginamit ko yung watch na [gift ni Cristine] sa taping, isang beses pa lang kasi baka malaspag."

NEVER BORING. Magkapareha sa Reputasyon, kung ang ibang magkarelasyon ay maaring magkasawaan pag halos araw-araw na magkasama, higit namang lumalalim ang relasyon nila Rayver at Cristine dahil dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Mas gusto ko pa ngang pumunta sa taping agad kasi makikita ko siya and di naman siguro aabot sa magkakasawaan kami, kasi dito ko lang siya nakikita.

"Kapag may free time naman, hindi ko na pinipilit kung minsan na magkita kami para may time din siya sa family niya. Kung may gusto siyang gawing mag-isa, magkikita uli kami sa taping.

"Dito na kami nagkikita, minsan nakakasundot kami ng dinner. Kanya-kanya naman kasi yun, basta sa amin happy kami ni Cristine na magkatrabaho kami."


Sa nakaraang Star Magic Sportsfest, dumating si Cristine kasama ang ina ni Rayver na si Mrs. Cruz.



Patunay lamang daw ito na mukhang close talaga ang aktres sa ina ng aktor. Marami tuloy ang nagsasabi na dahil maayos naman ang tinatakbo ng lahat at mukhang walang problema sa pamilya ng bawat isa, baka mauwi na raw talaga sa kasalan ang lahat.



"Masayang tingan na yung mga ladies sa buhay ko, close sila, nakasuporta talaga sa akin. Ang sarap na pakiramdam nun.



"Kasal? Wala pa, ang bilis naman. Pero siyempre di ba kaya tayo pumapasok sa relasyon kagaya namin, gaya rin ng sinasabi namin ni AA, mahirap naman ang papalit-palit kung magtatagal naman kami.

"Kung kami talaga ang para sa isa’t-isa, bakit naman hindi? Sa ngayon mahirap talagang magsalita kasi mga bata pa naman kami. Hindi pa namin naiiisp ’yan sa ngayon."



"Basta kami, masaya kami sa relasyon namin. Nagkakasundo kami sa maraming bagay."

NOT THE JEALOUS TYPE. Sa ngayon ay simpleng tampuhan lang ang madalas na pinag-aawayan ng dalawa. Wala rin daw lugar ang selos sa kanila taliwas sa lumabas na mga balita na pinagselosan daw ni Rayver ang ginawang pagyakap ng girlfriend kay Derek Ramsay sa nakaraaang concert ni Vice Ganda.



"Mga simpleng tampuhan lang, maliliit na bagay na naayos naman agad. Yung kay Derek, hindi ako nagselos. Ang sabi ko nga, kung ganun nga yung katawan, yayakapin ko rin. Yung mga lalaking nakaka-partner niya, yun ang mga huli kong pagseselosan. Mga kaibigan ko talaga sila like Zanjoe, Derek."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Di naman tinago ni Rayver na sobra ang presure niya noong sinimulan ang Reputasyon pero ngayon ay medyo nakahinga na siya ng maluwag dahil patunay lang daw ito na tanggap ng tao ang relasyon nila ni Cristine.



"Masaya kami, naka-ilang weeks na rin kami and mas kumportbale na kami sa bawat isa. Lalo na si Ms. Aiko kasi laging siya ang ka-eksena ko, kahit napupuyat kami, di na namin namamalayan kasi masaya ang staff and crew.



"Less na yung presure kasi yung mga feedback sa amin ang ganda, ang daming nanood, ang daming nagti-text na maganda nga raw yung story, okay ang cast. Saka na-prove ko na mas tanggap na kami ng tao.



"Nakakatuwa kasi alam naman namin, eventually matatanggap kami ng tao, magiging masaya na sila para sa aming dalawa. Hindi lang sa personal kundi pati sa Reputasyon, tanggap na nila and marami nga raw ang kinikilig sa amin bilang Henry and Agnes."



Katulad ng maraming young actors sa ngayon, ang mga yapak pala ni John Lloyd Cruz ang gustong sundan ni Rayver.



"Yun naman talaga yun, kaya nga pinasok mo kasi mahal mo ang trabaho mo, ang craft mo, kasi may gusto kang ma-acheive.



"Gusto kong maging John Lloyd Cruz. Magaling si Lloydie, mahirap di ba? Pero malay natin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN