Marian Rivera on Dingdong Dantes’s birthday gift: "Basta alam kong love niya ako, tulad ng sinasabi niya at palagi niyang pinaparamdam, okay na ako do’n."

"Masarap lang din ang pakiramdam na sa bawat pagkakataon na sine-celebrate namin ang birthday namin, nagiging vocal talaga siya. At sobrang nararamdaman ko kung gaano niya ako ka-love kaya thankful ako do’n. Huwag lang siyang magbago sa akin at yun lang din talaga. Kasi minahal ko siya bilang ganoon," says Marian Rivera about boyfriend Dingdong Dantes.


Nagkaroon ng grand fans day si Marian Rivera sa Mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City kahapon, August 7.

Punong-puno ang venue ng fans ni Marian at nag-worry pa nga ang aktres nang malaman na merong hindi na-accommodate sa loob.

Mismong si Marian, kasama ang kanyang manager na si Popoy Caritativo, ang nanguna sa pagpapalaro. Panay rin ang hirit nito ng biro sa fans kaya panay ang tawanan.

Feel na feel din ni Marian ang kumanta noong mga oras na yun dahil naka-ilang jamming ito with the band.

Instead na siya ang bigyan ng birthday party, naisip nga ni Marian na siya ang magpa-party sa mga fans niya. Bilang pasasalamat na rin na anumang intriga at bagyong dumating sa kanya ay nandiyan pa rin ang matinding suporta ng mga tagahanga niya.

Ipagdiriwang ni Marian ang kanyang 27th birthday sa August 12.

Kuwento ni Marian sa PEP, "Kinuha ko nga ang araw na ito para sa kanila. Pinili ko talagang makipag-celebrate sa kanila.

"Kasi, napakarami ko nang beses na napatunayan na nandiyan sila sa likod ko kahit na anong mangyari.

"At bilang pasasalamat at bilang birthday ko rin, sila ang gusto kong makasama."

Natawa naman si Marian nang hiritan na singer na pala siya dahil sa mood niya nung araw na yun, na nasimulan yata sa birthday celebration niya sa Party Pilipinas kunsaan kumanta rin siya.

"Today lang! Siyempre, para sa kanila.

"Sabi ko nga, pinili ko ang araw na ito para makasama ko man lang sila bilang pasasalamat din.

"Kasi, napatunayan ko ng maraming beses kung gaano nila ako ka-love.

"So, siguro deserve nila ’to na pagtuunan ko sila ng pansin. Bigyan ng time at magpasalamat nang personal sa kanila.

"Alam naman nila ’yan. Totoong tao ako sa kanila. At kung ano ang ipinapakita ko, yun talaga ako.

"Feeling ko, minahal nila ako bilang ganoon ako," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DINGDONG’S GIFT. Dahil sa August 12 pa ang actual birthday ni Marian, wala pa raw binibigay na regalo sa kanya ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

"Wala pa siyang regalo. Pero sabi ko nga sa kanya, hindi naman importante sa akin ang materyal na bagay.

"Basta alam kong love niya ako, tulad ng sinasabi niya at palagi niyang pinaparamdam, okay na ako do’n," sabi ng aktres.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Dingdong ay sinabi nito na pinag-iisipan pa niya nang maige ang ibibigay niya kay Marian dahil gusto niyang maaalala ito ng kasintahan habambuhay. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Aray ko! Huwag nang gano’n, huwag nang gano’n.

"Basta maging masaya na lang kaming dalawa, okay na ako do’n."

Pero natatawa niyang dagdag, "Talaga? Kinabahan naman ako do’n!"

MARIAN’S GIFT. At first, ayaw pang i-reveal ni Marian kung ano naman ang naging bonggang gift niya kay Dindong, na nag-birthday noong August 2.

Pero nang malaman na si Dingdong na rin mismo ang nagsabi sa amin kung ano ito, masaya nang nagkuwento si Marian about her gift—isang relo na gustung-gusto at inaabangan ni Dingdong.

"Actually, may kuwento ’yan. Meron talaga siyang isang gusto na bagay na ’yan na ang tagal niyang pinangarap na bilhin.

"E, hindi niya inaakala na mas naunahan ko pa siya. Nabili ko yun para sa birthday niya."

Nagbilin na nga raw si Dingdong sa shop na huwag ibibigay sa iba ang naturang relo.

Pero natatawang sabi ni Marian, "Sorry siya, kinarir ko ang pinakamataas do’n kaya ko nalaman!"

Ano naman ang naging reaction ni Dingdong nang iabot na niya ang gift niya?

"Mangiyak-ngiyak siya. Hindi niya akalain na magagawa ko.

"Napagtuunan ko pa raw ng pansin to think na sobrang busy ko, ha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga, walang busy kapag gusto mo talaga."

Paano niya ibinigay ang gift?

"Nakabalot siya, tapos may card. Sabi ko, ’O, gift ko sa ’yo.’

"Sabi niya, ’Ano ’to?’ Sabi ko, ’Gusto ko, kapag binuksan mo ’yan, nakapikit ka.’

"Tapos nagulat siya nang makita niya.

"Nakita ko naman na na-touch naman siya," kuwento ni Marian.

MARIAN’S BIRTHDAY. Ano naman ang wish ni Marian sa kanyang darating na kaarawan?

"Ang dami!" bulalas niya.

"Pero gusto ko lang siguro sa birthday ko, mas maging happy pa ako.

"Wala namang kapalit kapag masaya ka."

Paano naman niya planong ipagdiwang ang kanyang nalalapit na kaarawan?

"Hindi ko alam, e," sambit ng Primetime Queen ng GMA-7.

"Basta isa lang ang hiniling niya [Dingdong] sa akin. Sa araw raw mismo ng kaarawan ko, gusto raw niya sa kanya lang ang araw na yun.

"Pagbigyan na natin."

Ayon pa kay Marian, "Masarap lang din ang pakiramdam na sa bawat pagkakataon na sine-celebrate namin ang birthday namin, nagiging vocal talaga siya.

"At sobrang nararamdaman ko kung gaano niya ako ka-love kaya thankful ako do’n.

"Huwag lang siyang magbago sa akin at yun lang din talaga. Kasi minahal ko siya bilang ganoon.

"Okay ako do’n, masaya ako sa ganoon."

Kinilig naman ang fans na nasa tabi ni Marian habang ini-interview ng PEP nang sabihin ng kanilang idolo na hindi lang every day kung sabihan siya ni Dingdong ng pagmamahal nito.

"Hindi lang every day. Ikaw na si Amaya!" natatawang sabi ni Marian, na ang tinutukoy ay ang pangalan ng pinagbibidahan niyang primetime series sa Kapuso network.

May humirit naman ng tanong kung naibigay na raw ba niya ang "everything"?

"Everything? As in, everything?" balik-tanong naman ni Marian.

"Siyempre, may mga bagay na ayoko namang lahat ibinibigay.

"Sa akin kasi, gusto ko rin naman na meron siyang itinitira para sa sarili niya, which is ako rin, ganoon. Para balance lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huwag namang todo, sakto lang."

WEDDING BELLS. Sa punto ng relasyon ngayon nina Marian at Dingdong, tila wedding na nga lang talaga ang kulang sa kanila.

"Yun na lang ba? Okay!" natatawang biro naman ni Marian.

Naudlot nga ba this year?

"Hindi naman," sagot ni Marian.

"May mga bagay talaga na pinaplano talaga at hindi basta-basta.

"Ang salitang wedding ay napakalaki at napakahalaga niyan sa akin. Hindi dapat pinag-uusapan nang basta-basta lang.

"Siguro time will come. Darating naman ’yan at hindi dapat pilitin.

"Pangit kapag pilit, e. Kusa na lang ’yan.

"Sa ngayon, marami pang dapat na gawin."

Pero si Dingdong na talaga ang nakikita niyang makakatuluyan niya?

"Ang pangit naman kung sabihin kong hindi. Oo naman!" sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN