(Part 2) Nora Aunor opens up about her relationship with John Rendez

"Ang gusto ko lang malaman ninyo, yung taong talagang dumamay sa akin doon [sa Amerika], walang iba kundi si John. At yun, ipagtatanggol ako kahit anong mangyari," says Nora Aunor about John Rendez.


Naging malaya rin ang pagpapahayag ni Nora Aunor tungkol sa controversial rapper-actor, at itinuturing na "special friend" ng Superstar na si John Rendez.

Ang punto ng pahayag ni Nora, through all these years, and through her ups and downs, nandiyan lagi si John.

"Oo naman," ani Guy.

"Ang gusto ko lang malaman ninyo, yung taong talagang dumamay sa akin doon [sa Amerika], walang iba kundi si John.

"At yun, ipagtatanggol ako kahit anong mangyari.

"Sapagkat napunta ako sa Japan na hindi ako pinasamahan ng kahit na sinong tao.

"May pangyayari na hindi pinasasama si John, sumunod talaga si John.

"Ang ginamit niya, yung kinita niya doon sa concert namin, sa Canada, para lang makita ako.

"Dahil kinabahan siya na baka may mangyari sa akin. Dahil talagang hindi ako nasamahan.

"Napakabuting tao [ni John], na hanggang ngayon, dumadamay sa akin kung ano yung hirap na dinaranas ko.

"Siya talaga yung maaasahan ko dun. Pag wala yun, pilay ako talaga," saad niya.

Uuwi nga ba si John, bagama’t taliwas sa napabalitang matapos ang tatlong araw mula nang dumating si Ate Guy?

"Hindi ko alam kung talagang uuwi siya, pero nagbabago pa lang ng isip, e," sagot ng Superstar.

"Pero yun lang ang pakiusap ko talaga, para kay John... hindi ko boyfriend, hindi.

"Ayan, malinis [na statement] ’yan, ha!"

At binalikan ni Nora ang naging pagsisimula ng friendship nila ni John way back in 1991.

"Si John... Nung nag-produce ako ng Pacita M, na nangailangan ako ng partner ni Lotlot, siya [John] yung nakita namin ni Elwood [Perez], so kinuha namin si John para maging kapareha ni Lotlot.

"Yun ang nangyari. Meron siyang manager.

"Nung siguro inakala ng tao na matutulungan ko [si John], dahil Nora Aunor, siyempre umalis siya dun sa manager niya, na sumama ang loob sa kanya.

"Pumirma siya ng kontrata sa amin. Pinapirma namin ng kontrata. Yun ang nangyari," lahad ni Nora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN