Bea Binene dreams of becoming a broadcaster; thankful for being part of YES! 100 Most Beautiful Stars

Though busy with her showbiz career, Bea Binene makes sure that she doesn’t leave her studies behind. She also stresses that at her age, entering a relationship is not in her mind.


Hindi itinanggi ng tween actress na si Bea Binene na nalungkot siya nang hindi siya nakarating sa presscon para sa YES! 100 Most Beautiful Stars, kunsaan kabilang siya sa listahan.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea kagabi, August 8, sa presscon ng Pahiram ng Isang Ina sa 17th floor ng GMA Network Center.

Ipinaliwanag niyang may nauna siyang commitment noong araw ng nasabing presscon.

Aniya, "Meron po ako yatang taping o basta schedule kaya hindi ako nakapunta ng YES! [presscon].

"Pero next time pag nakasama po ulit, pupunta po ako."

Hindi man nakarating, sinabi niyang masayang-masaya siya, at isang karangalan daw ang mapasama sa 100 Most Beautiful Stars ng YES! Magazine.

"Siyempre po mixed emotions," sambit ng dalagita.

"I’m very happy, I’m super proud, and very thankful kasi YES! Magazine ’yan, e.

"One of the top magazines sa Philippines, and maraming nakakakilala hindi lang dito sa Philippines, around the world pa.

"So, super happy, kasi sa dinarami-rami ng artista, nakasama ka sa 100.

"Yung artista naman dito sa Philippines, marami pa sa 100, e, hindi lang 100.

"So, super happy and thankful na napili ako ng YES! Magazine na makasali dito."

ON HER STUDIES. Thirteen years old pa lang si Bea, at bagamat busy sa kanyang career, hindi niya raw pinababayaan ang kanyang pag-aaral.

Ngayon daw ay nasa Level 8 na siya ng pagho-home school. Mas kumportable raw siya sa ganitong paraan ng pag-aaral, kaysa sa pumasok sa regular school.

Paliwanag niya, "Kasi mas masarap po talaga pag home school, e, at least dito, nama-manage ko nang maige yung time ko.

"Kasi dati nagre-regular school ako, kahit walang pasok, bumabagyo, basta yung teacher nasa school, pumapasok talaga ako para humabol."

Bukod sa gusto niya din makapagtapos ng pag-aaral, deal din daw nila ito ng kanyang mommy.

"Hindi po puwedeng hindi [mag-aral]. Ang ano [deal] namin, pag hindi ako nag-aral, stop ako ng showbiz," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero pag-amin ni Bea, pangarap daw talaga niya ang maging isang broadcaster.

Kaya naman sa kolehiyo, Mass Communication ang balak niyang kunin na kurso.

"Gusto ko po talaga kunin is Mass Communication, may side na Photography ’tsaka Culinary [Arts].

"Kasi gusto ko po talaga sa field na ito, e.

"Gusto ko talaga maging reporter, actually, pero gusto ko talaga sa field na ito."

ON COURTSHIP. Kamakailan lamang, may lumabas na artikulo kung saan sinabi ni Bea na inamin daw ng ka-loveteam niyang si Jhake Vargas na may gusto ito sa kanya.

Gayunman, sinabi ni Bea na dapat muna raw patunayan ni Jhake ang sarili niya, at maghintay ng tamang panahon. (CLICK HERE for related article)

Sa paanong paraan ba dapat patunayan ni Jhake ang sarili niya?

"Prove niya na deserving siya!" natatawang sagot ni Bea.

"Pero we’ll see pa naman. Pero, hindi pa po ngayon, kasi ngayon we know our priority is our career.

"Tapos, si Jhake yung mom niya, nandiyan pa, so I can understand naman.

"And hindi naman po talaga, wala pa po sa isip ko yun."

Giit pa ni Bea, wala pa siyang planong pumasok sa kahit anong relasyon sa ngayon.

"Hindi po, not now," nakangiting sagot ng tween star.

"Kung maghihintay siya [Jhake Vargas], at kung ipu-prove niya sarili niya, yun.

"At kung maghihintay siya sa tamang panahon, tamang oras, sa tamang situation, titignan natin."

Kaya ang masasabi ni Bea sa mga balak manligaw sa kanya, "Pag ganyan naman po, ang love hindi naman po hindi naman siya hinihintay, e, kusa na lang siya dumadating, di ba?

"So, we’ll see, ’tsaka ngayon career talaga muna.

"I know my priorities."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN