Carmina Villarroel says no one will protest if she marries Zoren Legaspi since she is a "widow"

"Wala na akong ibang hahangarin pa sa buhay niya kung hindi happiness. Basta ganito lang, kahit anong gawin niya, basta maligaya siya nang bonggang-bongga at wala naman siyang sinasagasaang tao, go!" says Carmina Villarroel about BB Gandanghari (inset).


Hindi malaman ni Carmina Villarroel kung matatawa siya nang tanungin na kaya hindi pa raw sila makapagpakasal ni Zoren Legaspi ay dahil hindi pa raw annulled ang kasal noon ng actress-TV host kay Rustom Padilla.

Si Rustom ay kilala na ngayon bilang si BB Gandanghari.

"Wait lang ha, meron pa bang magpo-protesta?" natatawang sabi naman ni Carmina.

Paliwanag pa niya, "Parang ’eto na lang ha, whether totoo ’yan or hindi, meron pa bang magpo-protesta, e, namatay na.

"Wala na, di ba?

"Di ba, ganoon sa mag-asawa, kapag namatay na ang isa, biyuda na?"

Ang tinutukoy ni Carmina ay ang deklarasyon noon ni BB na "Rustom is dead!" upang magbigay-daan sa bago nitong katauhan. (CLICK HERE to read related story.)

Pero nilinaw naman ni Carmina na matagal nang legally annulled ang kasal nila ni Rustom, na isang dating matinee idol.

"Yun lang ang sinasabi ko, whether matagal na o hindi ang isyu, biyuda na ako!

"Hindi naman yun, busy lang ako. Busy!" natatawa niyang sabi.

Last year pa napag-uusapan na magpapakasal na sila ni Zoren, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natutuloy. Ano nga ba ang latest dito?

"Alam n’yo, subukan kaya natin na huwag nating pag-usapan masyado.

"Baka sakaling kapag tinanong n’yo na ako, ’Ay, finish na, tapos na.’

"Ngayon kasi, lalong hindi puwede, busy ako.

"Hindi, busy ako, totoo."

Ano naman ang masasabi ni Carmina na "model-modelan" na raw ngayon si BB?

"E, di good for her... Her!" bulalas niya.

"Basta ano, kung anuman ang ginagawa niya, basta masaya siya. Basta happy siya.

"Kasi ako, happy naman na ako sa buhay ko.

"Wala na akong ibang hahangarin pa sa buhay niya kung hindi happiness.

"Basta ganito lang, kahit anong gawin niya, basta maligaya siya nang bonggang-bongga at wala naman siyang sinasagasaang tao, go!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN