Ara Mina says sister Cristine Reyes can’t get married ahead of her

"Alam naman ni Cristine yun, e. Basta, hindi naman namin exactly napag-usapan na, ’Oy, mauna ako sa ’yo, ha.’ Hindi. Kumbaga, parang alam na niya ’yon na, ’Oo, ako si Ate. Dapat mauna muna si Ate,’" says Ara Mina about settling down ahead of sister Cristine Reyes (inset).


Sa lovelife ay masaya naman si Ara Mina sa piling ng boyfriend na si Raymond Illusorio-Yap.

Natanong si Ara kung may plano na ba silang pakasal in the near future?

"Wala pa nga, kaya career muna tayo!" tawa niya.

In the next how many years?

"Hindi, e. Ayoko naman maging ala-Sandra Bullock sa The Proposal. Pero yung relationship namin, sobrang okey.

"Ayokong i-ruin yun na tanungin ko, ’Ano bang plano mo sa kin?’

"At saka, parang hindi pa rin ako gano’n ka-ready. Kasi yun nga, may mga gusto pa kong gawin.

"Gusto ko, lumago muna yung business ko before ako mag-settle down. At least, me sarili akong business. Yung gano’n."

Hindi kaya maunahan pa daw siya ng kapatid niyang si Cristine Reyes?

"A, hindi. Kasi me usapan na kami. Ayaw ni VR na mauna pa si Aa [palayaw ni Cristine]."

Sa previous interviews ni Ara, may nabanggit siya na gusto na niyang ikasal sa loob ng four years.

"Ako? Oo, so three years na lang. So, consistent, di ba," hagikhik niya.

"Pero, ano naman siya, e. If ever na mag-settle down ako, hindi naman siya [boyfriend] yung, ’wag ka na mag-artista.’

"Hindi siya gano’n, e. Hindi nga yun nagseselos, e.

"Siguro, masyado ko napa-feel na secured siya. Kasi minsan sa trabaho ko, sasabihin ko sa kanya, ’O, may kissing scene ako dito.’

"Ang sagot niya, ’O? Good luck!’ Ganoon lang."

Seryoso ba yung usapan nila ni Cristine na di dapat ito maunang ikasal bago siya?

"Alam naman ni Cristine yun, e. Basta, hindi naman namin exactly napag-usapan na, ’Oy, mauna ako sa ’yo, ha.’ Hindi.

"Kumbaga, parang alam na niya ’yon na, ’Oo, ako si Ate. Dapat mauna muna si Ate.’

"Dahil naunahan na nga ako ng mga younger sisters and brothers ko [sa Mathay side].

"So, hindi na ako makakasal pag nauna pa siya! Di ba? ’Tsaka, she’s too young.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, di naman ako naghahangad ng anything. Basta maging faithful at loving [ang mapangasawa ko], okey na yun.

"Kasi bihira na tayong makakita ng perfect relationship, di ba," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN