Maricar de Mesa says in vitro fertilization is her last resort to get pregnant

"Hindi pa. Medyo last resort namin ang in vitro. Siyempre, ine-enjoy pa namin [na kaming dalawa lang ng asawa ko]," says Maricar de Mesa about putting off the fertilization method until she finally decides to conceive.


Masasabing nagsimula bilang isang Kapuso talaga si Maricar de Mesa. Pero mula raw noong 2006, halos nagkasunud-sunod na ang shows at teleseryeng ginawa niya sa Kapamilya network naman.

Natatandaan pa ni Maricar na ang Sana Ay Ikaw Na Nga ang huling teleserye na ginawa niya sa GMA-7 bago siya muling nagbalik ngayon via Sisid.

Maricar believes na wala naman daw siyang anumang bridge na nabe-burn sa ginagawa niyang pagtanggap ng trabaho sa iba’t ibang networks.

"Actually, may gagawin nga sana ako sa ABS [CBN]. Tapos si Tita June [Rufino, her manager], kasi, I’m with Tita June.

"Sabi niya, ’Anak, baka gusto mong bumalik ng [Channel] 7? Kina-casting ka nila.’

"Di ba, originally kay Direk Maryo J. de los Reyes ’to [Sisid]? Sabi ko, ’Sige, na-miss ko na.’

"Tagal ko nang hindi nag-GMA. E, doon din naman ako nag-start."

Masaya naman daw siya sa resulta ng naging desisyon niya. Natutuwa siya sa naging role niya sa Sisid bilang partners in crime sila ni Rich Asuncion against Jackie Rice.

"At ang nakakatuwa sa kanya [role niya], hindi siya nawawala since day one.

"Nandoon lang siya palagi at parang siya ang palaging nagku-cause ng gulo."

Matagal din siyang nawala as Kapuso network, hindi ba siya nagkaroon ng pagkailang nang una siyang tumuntong muli rito?

"Noong una, medyo, siyempre. Kinabahan ako ulit. Nag-aalangan ako. Pero noong nag-Party Pilipinas kami, nag-promo, nakita ko yung [mga kakilala] from long time ago pa. ’A, okay, I’m back home.’"

"JACKIE NICE." Ano naman ang naging impression niya sa bida nilang si Jackie Rice, lalo’t first time niyang makasama?

"Nakita ko ang improvement kay Jackie from day one. Ang laki ng in-improve niya from day one, acting-wise.

"Attitude naman, ganoon pa rin siya, e. Hindi kasi si Jackie ang tipo na, ’Uy, ate.’ Normal lang siya.

"Kung ano ang normal niya, somehow gusto ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit puyat na, ganoon pa rin siya. Kasi, maraming bata na, A’te. Opo ate,’ pero mga maldita. May sungay at may buntot pang ka-partner.

"Dito naman sa show namin, nakakatuwa. Close kaming lahat."

BABY PROJECT. Maricar got married with B-Meg Ace Derbys player Don Allado. Five years na rin silang kasal.

At dahil kilalang lapitin ng mga chicks ang isang basketball player, wala ba siyang nae-encounter na problema sa mga ganoong bagay?

"Hindi naman, trust lang naman [ang kailangan], e. Marami kasi, hindi naman alam ng lahat ng tao na mag-asawa kami.

"Lalo na kapag nagba-bar kami, hindi naman alam ng lahat ng tao.

"Lalo na yung B-Meg, yung iba mga binata, lumalabas sila.

"Pero, may tiwala naman ako sa kanya, e."

Supportive din naman daw ang asawa sa kanyang career. Although, nagwi-wish na rin daw itong talaga na magkaroon sila ng anak.

"Magpa-five years na, e. Pero wala po akong work noong December, January, February, so we tried.

"Tapos parang nababato na ako. Wala naman akong ginagawa. So, sabi ko, tanggapin ko na?

"Isang project lang naman. Thrice a week maximum na taping. Sabi ko, kung makakabuo, makakabuo. Okay naman.

"Alaga naman kami the past six months, sa mga check-up namin."

What about in vitro fertilization?

"Hindi pa. Medyo last resort namin ang in vitro," sabi ni Maricar.

"Siyempre, ine-enjoy pa namin [na kaming dalawa lang ng asawa ko].

"Nagkataon din naman na sabay nitong GMA, naggi-guest pa ako sa ABS[CBN], at sa TV5. So, more work.

"Siyempre, sobrang nai-stress lang na, paano tayo makakabuo niyan?’"

Hindi naman nagiging isyu sa kanilang mag-asawa na patuloy siyang nagwu-work?

"E, minsan nagtatampo na. Sinasabi ko lang na pumirma na ako ng kontrata, so tapusin ko lang ’to."

Posible raw na stress-related kaya hindi rin sila makabuo ng baby.

"E, hindi ba ang role ko pa, palaging masungit? So minsan, nakaka-drain."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa pagiging aktres, nag-aral din daw siya ng fashion styling abroad at naia-apply rin daw niya lalo na sa ilang corporate clients.

"Tinatanong nga ako ng asawa ko, ’O, ano na ang pinag-aralan mo, hindi mo naman na ginagamit?’

"E, sabi ko, ’Nag-e-enjoy talaga ako sa pag-arte.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN