Maxene Magalona says it’s her "destiny" to be a dramatic actress

Having spent almost 11 years in showbiz, Maxene Magalona is glad that she was able to impart to the younger generation what she had learned through the years.


Matapos ang kanyang afternoon drama series na My Lover My Wife, balik "Dramarama sa Hapon" ang young actress na si Maxene Magalona.

Kasama si Maxene sa cast ng upcoming drama series na Pahiram ng Isang Ina. Gaganap siya rito bilang si Andrea, ang pinsan ni Emily (Carmina Villaroel) at kasintahan ni Ryan (Marco Alcaraz).

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxene sa presscon ng Pahiram ng Isang Ina noong Lunes, August 8, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Dito’y ibinahagi niya ang kawilihan niya sa mga young stars na kasama niya sa serye—sina Bea Binene, Jhake Vargas, at Martin delos Santos.

Aniya, "Sila yung simple at natural na tao na talagang pag break time, hindi kami nagkakanya-kanya."

"Talagang pupunta si Bea sa amin, tapos ’Ay, ate Max, kayo po yung...’ Yung magtatanong-tanong talaga sila.

"Alam mo yun, parang natutuwa ako na it doesn’t make me sad, na parang, ’Ay, ang tanda ko na.’ It doesn’t make me sad at all.

"Natutuwa pa nga ako na there are new kids that I can impart [lessons] with them, too.

"I have wisdom that I can share experiences with, I can tell stories too, and I can actually tell them na, ’Ay, dati ganito...’"

DOING DRAMA. Mula nang magsimula si Maxene na gumawa ng mga drama series, naging sunud-sunod na ito ang genre ng projects niya.

Kailan nga ba nagsimula ito?

"Well, I did one genre for six years, and that was comedy," saad ni Maxene, na ang tinutukoy ay ang defunct GMA-7 sitcom na Daddy DiDoDu na pinagbidahan ni Vic Sotto.

"And then, when I did drama, ang pinakauna ko was Una Kang Naging Akin (2008), with Direk Joel [Lamangan], and siya pa yung pinakauna kong direktor.

"Actually, nagkaroon na ako dati, yung Hanggang Kailan (2004), with Ms. Lorna Tolentino, Christopher de Leon. Primetime yun, and then si Direk Mark and Joey Reyes ang direktor namin doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, drama na din yun, then sumunod na din sa Dramarama, afternoon, Direk Joel na kaaagad."

Kaya naman sa pananaw ni Maxene, sa ngayon ay maaaring ito ang tinatahak ng kanyang career.

"I think it was just, I think it was destiny," nakangiting sabi ng aktres.

"I think it was meant to be na ito yung napunta sa akin, because ang daming nag-iisip na I have a glamorous life, and that I’m very, very parang spoiled, I’m maarte, ganyan.

"But not everyone knows yung mga pinagdaanan ko sa buhay ko. Like, ang dami kong pinagdaanan na hindi alam ng mga tao.

"So, knowing that, nakakatulong na din sa mga acting ko, sa mga roles ko.

"So, I think it was really meant to be, because especially since my dad is a rapper, ito, ibang iba talaga yung ginagawa ko."

Ang ama ni Maxene ay ang yumaong rapper-TV host-actor na si Francis Magalona.

FEET ON THE GROUND. Pero kahit ano pa man ang tagumpay ngayon ni Maxene, hindi niya raw kinakalimutang maging mapagkumbaba.

Gayunman, hindi raw naging madali ang pinagdaanan niya bago siya nakarating sa kinalulugaran niya sa ngayon.

Aniya, "There comes a time when ala mo yun, parang naiisip mo na nakakapagod, ang hirap talaga, it’s not an easy job to do.

"But, after you go through that, parang ang hirap. After that, makita mo yung end results, masaya, masarap sa feeling.

"So, yun na nga, no pain, no gain."

Kaya naman ang maibabahagi lang ni Maxene sa mga young stars na nagsisimula pa lamang: "I always just think of the pressure, I think of the hardship, but above all of that, think about, ano yung mafe-feel ko after all of those things, and that’s what keeps me on my toes.

"Yung thinking na, after lahat ng paghihirap na ito, maganda yung kalalabasan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN