Janno Gibbs gets Perry Lansigan as his new manager; clarifies "depression" issue

"Marami pa akong dapat i-improve. Unang-una, hindi ko naman ikinakaila that I need to lose weight, konti. Kailangan ko pa dahil siyempre, iba sa screen, e. Things like that," says Janno Gibbs.


Si Janno Gibbs ang pinakabagong artist ng PPL Entertainment, Inc., ang talent management na pinamamahalaan ni Perry Lansigan.

Si Perry rin ang humahawak sa career nina Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Geoff Eigenmann, Angelika dela Cruz, at iba pa.

Nagkaroon ng bonding si Janno sa ibang talents ng PPL Entertainment sa ginanap na pictorial para sa kanilang mga alaga ni Perry last Saturday, August 6, sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite.

CHANGING MANAGERS. Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Janno sa naturang pictorial ay hindi naman niya ipinagkaila na matagal siyang nasa pangangalaga ni Malou Choa Fagar bago siya lumipat kay Perry.

Si Malou ay may malaking katungkulan sa TAPE na siyang nagpo-produce ng nangungunang noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga!.

Ayon kay Janno, "I was with Tita Malou and okay naman. Si Tita Malou kasi, para ko na rin talaga siyang mommy.

"Pero siyempre, si Tita naman, alam naman natin na busy rin siya sa Eat Bulaga!.

"So, when I decided na sige, i-try ko naman yung bagong manager, I thought of Perry.

"Kasi, SOP pa lang, actually, That’s Entertainment pa lang, magkakilala na kami.

"And I don’t deny naman na minsan talaga, mahirap akong i-handle.

"So, I guess, with Perry, okay naman, alam na nila!

"Ako naman, itina-try ko naman na hindi maging sakit ng ulo."

WHAT HAPPENED TO JANNO. For a while, samu’t saring isyu ang naglabasan dahil sa hindi pagiging masyadong visible ni Janno kahit noong SOP pa lang.

Pero gaano nga ba katagal siyang nag-"lie low" sa kanyang career noon?

"Siguro more than a year din," sagot ng singer-comedian.

Sa kasalukuyan ay regular napapanood si Janno sa Party Pilipinas at isa siya sa mentors ng upcoming reality show ng GMA-7 na Protégé.

Tinanong ng PEP si Janno kung hindi ba siya naaapektuhan o nao-offend kapag nakukumpara siya sa kaibigan niyang si Ogie Alcasid, at naungusan na raw siya nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Janno, "Hindi. Although siyempre, dinadamdam ko rin yun.

"Masakit din siyempre sa akin na, ’O, ano na ang nangyari kay Janno?’

"Pero ang positive side nun, may karugtong kasi na, ’Sayang naman si Janno, magaling naman siya.’

"May ganoon... may hope pa rin, di ba? Na kung aayusin niya lang ang sarili niya, okay na okay siya.

"Ako kasi," patuloy niya, "hindi ko masyadong iniinda yung kapag halimbawa, may nagsasabi na walang nangyari...

"Kasi kahit naman noon pa, kesa quantity, quality ako, e.

"Kahit ito lang ang ginagawa ko, basta maganda at pinagbubuti ko at pinapahalagahan din ako ng show, okay na sa akin yun.

"Sa tingin ko, I’m more of an artist than a celebrity. Mas gusto ko yung pinipili ko."

DEPRESSION ISSUE. Ang isa pang isang isyu na naibato kay Janno sa panahong hindi siya masyadong visible ay dumaan daw kasi siya sa matinding depression.

Pero nilinaw ni Janno sa PEP ang bagay na ito.

"No, alam mo ’yan nga ang malaking isyu. Na kesyo dumaan daw ako sa depression.

"Normal na ano lang... Oo, na-depress din ako ng konti.

"Pero normal lang. Hindi naman sa nawala na ako sa sarili ko. Hindi naman," saad niya.

Dumating ba siya sa puntong nag-seek din siya ng professional help?

"Well, oo... humingi ako ng professional help sa sleep habit ko. Yun ang cause ng lahat, e.

"Yung weight ko, yung hindi ko pagpasok on time.

"Yun talaga ang may kasalanan—sa pagtulog ko."

May isyu rin noon na hindi raw siya lumalabas ng kuwarto at nagkukulong lang.

Ano nga ba ang katotohanan dito?

"Yun nga, narinig ko rin na sa set daw, hindi raw ako nakikipag-usap sa mga katrabaho ko. Nasa dressing room lang daw ako.

"Totoo namang ganoon talaga ako. Kahit itanong n’yo kala Ogie [Alcasid], kala Regine [Velasquez], ako yung pinakatahimik sa kanila, sa kuwarto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tahimik lang ako. Paminsan-minsan magdyo-joke ako.

"Ganoon din ako, sabi nila, hindi raw ako lumalabas ng bahay.

"Ganoon talaga ako. Gusto ko lang nasa bahay lang ako with the kids.

"Naglalaro lang kami, nanonood ng TV.

"Ganoon lang talaga ako. Medyo tahimik lang, loner.

"Sa TV kasi, parang comedian, maingay. Pero ang totoo, tahimik lang ako."

Naniniwala si Janno na marami pa siyang dapat gawin sa "pagbabalik" niya.

"Marami pa akong dapat i-improve," sabi niya.

"Unang-una, hindi ko naman ikinakaila that I need to lose weight, konti.

"Kailangan ko pa dahil siyempre, iba sa screen, e. Things like that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN