Sam Pinto to do a movie with Cesar Montano; says Cesar’s wife Sunshine Cruz has no reason to worry

Sam Pinto on the possibility of being linked with Cesar Montano: "Ang ganda-ganda ni Sunshine, bakit pa siya magseselos?"


Masaya si Sam Pinto sa kasalukuyang takbo ng kanyang career. Kaliwa’t kanan ang kanyang projects kaya naman subsob siya sa trabaho.

Malaking bagay raw para sa kanya ang pagkakahirang sa kanya bilang FHM Sexiest Woman of 2011.

"Sobrang busy po," aniya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Tween Academy: Class of 2012.

"As in, I have work every day. Grabe!

"May new show po ako. It’s a sitcom. Hindi pa kami nag-i-story conference, e. Pero may taping days na siya."

Sino ang mga makakasama niya sa nasabing sitcom?

"Alam ko si Fabio [Ide]. ’Yong iba sa cast, hindi pa sinasabi sa akin," banggit niya.

OH SAM P.! Aware ba siya na ngayong siya ang hinirang na bagong sexiest woman, mas naging desirable ang tingin sa kanya ng mga lalake? How does she feel na a lot of guys fantasize about her?

"Medyo aware naman po!" tawa niya.

Paninindigan na ba niya ang pagiging sexiest woman ng bansa lalo na sa roles na kanyang gagampanan?

"Actually, for me naman po, I’ll just gonna maintain whatever I’m doing now.

"Kasi nga, like for example, si Angel Locsin won last year, di ba? Did she do anything like sexy?

"Did she do anything daring? Parang wala naman, di ba?

"So siguro, like her, I’ll just maintain whatever I’m doing now."

Pero in the future, will she entertain the idea of portraying really sexy or daring roles?

"Maybe not," mabilis niyang sagot.

Bakit naman kaya?

"Because, para iba naman. A, [para] hindi naman ma-stereotype na always na lang sexy. Always naka-two piece [ako].

"Para iba naman. Para may versatility ’yong pagka-artista ko!" natawang muli si Sam.

Patapos ba niyang sinasabi na, no way to sexy roles talaga siya? Kahit maganda talaga halimbawa ’yong project, o ’yong role?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"A, depende siguro rin sa role. And kung maa-adjust naman ’yong level of sexiness, siguro puwede naman."

Pero just in case, up to what extent siya pupuwedeng magpa-sexy onscreen?

"Hanggang two-piece lang po."

What about doing passionate or torrid kissing scenes, o kaya ay love scenes?

"Ay, hindi po siguro papayag ang nanay ko! Ha-ha-ha!"

Marami ang naniniwalang she could be GMA-7’s next important Kapuso female star, next to Marian Rivera.

"I hope so. I really hope so. I’ll be super excited kapag nangyari ’yon. Grabe!" saad niya.

NO KIDS ALLOWED? Pinag-uusapan nga pala sa ngayon ang naging date nila ni Alden Richards last Saturday, August 6, na nai-cover pa at lumabas dito sa PEP at Showbiz Central. Ang sweet pa nila habang sakay ng isang yate na nagku-cruise sa Manila Bay.

"Hindi naman siya nanliligaw, e. ’Yong date namin na ’yon, kasi in-ask niya ako for a date on national TV.

"Sa Showbiz Central din. Nangyari ’yon a few weeks ago.

"So, parang naintriga lahat ng tao and they wanna know what’s happening.

"So, may mga media na sumama no’ng nag-date kami," saad niya.

Ano ba ang naging feeling niya that time when Alden asked her for a date on national TV nga?

"Nagulat nga ako, e. Kailangan ba talagang on national TV?" tawa ni Sam.

E, baka naman daw kasi kapag personal siyang inalok ni Alden for a date, e, tumanggi siya?

"Pero, it’s very cute and flattering kapag may mga bagets na nagkaka-crush sa akin!"

How does she find Alden ba?

"He’s okay. A, for me, parang ang tanda ko para sa kanya. Ha-ha-ha!

"Actually, in reality raw, parang three years younger lang siya. Pero, ’yong image kasi niya, parang ang bata-bata compared to me."

Is Alden her type of guy? Puwede bang masabing gano’n?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Physically? Puwede naman."

So, kung manliligaw sa kanya ang young actor, may pag-asa?

"We’ll see. We’ll see. We’ll never know."

But right now, sino nga ba ’yong guy na pinaka-close sa kanya?

"Tatay ko!" napahalakhak na biro ni Sam.

Aside from kaanak niyang lalake, mero’n bang isang particular guy na malapit sa puso niya ngayon?

"Sa ngayon po, wala. Kasi po, I have work nga every single day."

Pero marami siyang manliligaw, for sure?

"Mero’n, pero parang I don’t have time," napabungisngis niyang sagot.

From showbiz or non-showbiz guy?

"Both."

Wala pa siyang masi-single out sa mga ito na parang pupuwede na?

"Wala pa. For me personally, parang ayoko pa rin now, e.

"Before nagka-boyfriend na ako. I had four already. Ha-ha-ha! Pero, before [pumasok ako sa] showbiz pa lahat ’yon."

So ngayon, ang nakakapigil lang talaga na magkaroon ulit siya ng lovelife is work?

"Yeah! Happy naman ako kahit walang lovelife. Ang tawag ko nga sa work ko ngayon, boyfriend ko, e. Kasi sa work ako in love ngayon."

MOVIE WITH CESAR. After Tween Academy: Class of 2011 movie, meron pa ba siyang ibang pelikula?

"A, yeah! I’m doing a movie with Cesar Montano. It’s called Hitman. Nag-workshop na kami.

"Ang ganda ng istorya. Grabe. It’s very different from the normal Filipino movies that you see.

"Kasi [ang kuwento] may action, may love story. Pero mostly, action. Ang ganda!"

Ano ang role niya rito?

"I play the role of a very rich girl na dad ko ang mayaman.

"Pero his money, [is] dirty money. Blood money.

"So parang, I stayed away from him. And then I met Cesar."

Hindi kaya ma-link sila ni Cesar at pagselosan siya ng asawa nitong si Sunshine Cruz?

"Ang ganda-ganda ni Sunshine, bakit pa siya magseselos?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

E, maganda rin kasi siya, FHM’s sexiest woman nga, di ba?

"Hindi. At least siya [Sunshine], asawa siya," sagot naman ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN