Bianca Manalo more vocal than John Prats about status of their relationship

Bianca Manalo says she’s happy being "friends" with her Happy Yipee Yehey! co-host, John Prats. "Siguro ngayon ganito ako kasi masaya kami, magkaibigan kami," says Bianca.


Ilang buwan na din maugong ang mga balita tungkol sa beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo, at actor-host na si John Prats.

Noong June kasi, napabalita ang paghihiwalay ni John at singer na si Rachelle Ann Go.

Dito’y nadawit ang pangalan ni Bianca, na siyang tinuturong dahilan nang nasabing breakup.

Magkasama sina John at Bianca sa noontime variety show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey!.

Gayunpaman, ito’y mariing itinanggi ni Bianca, at sinabing labas siya sa problema ng dating magkasintahan. (CLICK HERE for related article)

"FRIENDSHIP" WITH JOHN. Sa kanyang panayam sa Showbiz News Ngayon kagabi, August 9, muling itinanggi ni Bianca na siya ang dahilan ng paghihiwalay nina John at Rachelle Ann.

Aniya, "Wala naman po kasi ako talagang ginawang masama,

"Alam ni Lord, alam ni John kung ano talaga ang totoo.

"Wala akong inapakang tao. Bilang babae nirerespeto ko ang lahat."

Pero pag-amin niya, "Siguro ngayon ganito ako kasi masaya kami, magkaibigan kami."

Matapos ang nasabing breakup, naging bukas si John sa kanyang paghangga sa beauty queen.

Pero kumpara kay John, mas bukas si Bianca na pag-usapan ang "friendship" nilang dalawa.

Napuna kasi ng ilan na madalas umiiwas si John sa tuwing pag-uusapan ang tungkol sa kanila ni Bianca.

Pero hindi naman daw ito ikinatatampo ni Bianca.

Aniya, "Naniniwala ako na hindi naman kailangan magpa-interview ng isang tao kasi kung ano ang nakikita ko sa kanya live at nakikita sa buong mundo.

"Kung ano ang nararamdaman niya, kung ano ang sinasabi niya sa akin, dun ko mas naa-appreciate kasi hindi siya nagpapanggap."

Matatandaang noong nakaraan buwan lamang, may lumabas na artikulo kung saan sinabi ni Bianca na bukas siya sa posibilidad na magkarelasyon sila ni John. (CLICK HERE for related article.)

Kaya naman sa panayam niya sa SNN, sinabi nitong kahit papaano’y kinikilig siya sa pagpaparamdam ni John sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, bilang babae oo," pag-amin niya.

"Kasi iba on air.

"Ikaw ba sabihan ka na ’Crush na crush kita. Gusto kita. I miss you..."

Gayunman, alam ni Bianca na hindi lahat ay tanggap kung ano ang meron sila ni John ngayon.

"Siyempre hindi ko naman mamamanduhan kung ano ang nasa isip nila.

"Nagbibigay lang po kami ng saya at aliw.

"Nasa kanila na po iyon kung paano nila tatanggapin," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN