Geoff Eigenmann unsure if he’ll watch movie of girlfriend Carla Abellana because of her love scenes

"Well, I know about the movie. Alam ko kung gaano ka-intimate, kumbaga yung mga nangyayari sa mga scenes nila. But yes. So far, out of sight, out of mind. Hindi ko nakikita yung movie. So, it’s okay. I’m fine not talking about it. So, okay lang," says Geoff Eigenmann about Carla Abellana’s sexy scenes in My Neighbor’s Wife.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Geoff Eigenmann last Saturday, August 6, sa pictorial ng lahat ng artists ni Perry Lansigan sa kanyang PPL Entertainment sa Hacienda Isabella.

Dito ay kinumpirma ni Geoff na makakasama niya si Heart Evangelista sa kanyang next project sa Kapuso network.

Katatapos lang gawin ni Geoff ang Magic Palayok. Supposedly, may isang TV show sana siyang sasamahan, pero mukhang ang soap opera nila ni Heart ang magpu-push through.

Ayon kay Geoff, noong araw lang din niya nalaman na gagawa sila ni Heart ng soap sa Kapuso network.

"Yeah, I guess kami naman ni Perry, we haven’t talked about it. But yeah... Yeah, I heard about it."

Excited ba siya sa tila reunion team-up nila ni Heart, na leading lady niya sa kanyang first movie na Bcuz of U at nakatambal sa ilang serye sa ABS-CBN noon?

"Yes, it’s unexpected. Marami na rin [ang] nagtatanong about it. It has been so long.

"People have been asking. Ngayong pareho na kaming nasa GMA.

"I’ve been here two years, never na napag-usapan yun [team-up with Heart].

"Bilang last minute [decision], ang alam ko, I was doing something else, e. Biglang ito ang nangyari. Actually, today ko lang din nalaman.

"Excited kasi I don’t know what to expect. Matagal na [kami huling nagkasama]. It’s been a while.

"Nagkikita rin kami sa Party Pilipinas. We’re okay. Nag-uusap kami, ’hi, hello.’ Kamustahan.

"So, it’s really good to see kung ano ang mangyayari.

"Kung nandoon pa rin ang chemistry or whatever, we’ll see."

BYE CARLA? Pagkatapos ng Magic Palayok, magkakahiwalay na muna ng projects sila ng reel- and real-life loveteam niyang si Carla Abellana.

"Yes, yun ang for now. She’s doing two movies now. Baka maging tatlo pa.

"So, yeah, may gagawin siya. Yung TV [project] niya, I think, September pa siya mag-i-start."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya manibago ang mga fans nila ni Carla sa team-up nila ni Heart?

"Well, I’m sure may mga kokontra rin diyan. Kahit naman anong mangyari, ganoon talaga.

"Good or bad, it will come out na ganoon. But I don’t think na may magiging problema naman about it.

"Kasi, we’re open naman to working with other people. We talk about everything kung may ayaw kami.

"Sa katrabaho niya or katrabaho ko, napag-uusapan namin yun.

"Kung may problema man, as much as possible, we stay away from the problem."

Sa bagong movie ni Carla na My Neighbor’s Wife, may kissing scene at love scene daw ang kanyang girlfriend

"Well, I know about the movie," sabi ni Geoff.

"Alam ko kung gaano ka-intimate, kumbaga yung mga nangyayari sa mga scenes nila.

"But yes. So far, out of sight, out of mind. Hindi ko nakikita yung movie. So, it’s okay.

"I’m fine not talking about it. So, okay lang."

Papanoorin ba niya ang movie?

"I don’t know. We’ll see, we’ll see. I may not even be here [in the country]. So, yun.

"I might leave on September, so, ewan ko pa lang din. Some family thing actually [ang trip ko]."

MY COUSIN ANDI. Speaking of family, nagkaroon daw ng reunion ang Eigenmanns at nagkita-kita raw sila ro’n including his cousin Andi Eigenmann, na masasabing pinaka-controversial ngayon among them.

"Yes, we had our reunion and it’s our first time again na magkasama-sama after a long time.

"Si Andi, she’s very happy. She’s doing very well. Okay naman siya."

Nagulat ba siya when he first learned na buntis ang kanyang pinsan?

"Siyempre, news like that is always surprising. But yeah, things happen. Ganoon talaga."

Bilang isa sa mga lalaking pinsan ni Andi, ano ang masasabi niya sa lalaking responsible daw sa dinadala ng kanyang pinsan na hindi ina-acknowledge ang pagiging ama nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay lang. Like my uncle [Mark Gil] said. He [already] said everything perfectly.

"Lahat ng gustong sabihin ng pamilya came out of his mouth already. Yeah, people learn from their mistake. Hopefully, he does. Yun lang."

PRINCE GEOFF. On a lighter note, sinasabing siya na raw ang Prince of Primetime ng GMA-7. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Wow! I guess, that’s a big shoe to fill in. Primetime, e.

"Every time we talk about primetime, it’s really something people know about.

"To begin with, flattering na parang, ’Ano ba?’ I can’t find the right word. Sobrang nakakataba ng puso.

"Masarap mapakinggan to be in line like that. Siyempre, ang daming artistang lumalabas na artista sa primetime.

"And to be chosen to be one of the few na napili. And to be part of that [league composed of a] hundred lang. Ang sarap [ng feeling]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN