Marco Alcaraz plans to open a coffee shop with fiancée Lara Quigaman

"Plano namin, bagong branch na hopefully, sa amin naman. Sa ngayon kasi, nagtitingin-tingin din kami ng location na sa amin na," says Marco Alcaraz about plan to open a coffee shop with Lara Quigaman.


Kinailangang patayin ang character ni Marco Alcaraz sa kuwento para mawala na siya sa afternoon series na Sisid.

This is to give way sa bago niyang teleserye na mapapanood tuwing hapon sa GMA-7, Pahiram ng Isang Ina.


WITH MAXENE AGAIN. Minsan na silang naging magkapareha ni Maxene Magalona sa My Lover My Wife noon, pero sandali lang daw si Marco sa serye.

This time, buong series na silang mapapanood bilang magkapareha.

"Maganda po ang feedback sa amin ni Max [Maxene] sa My Lover My Wife. So, ibinalik po ang tambalan namin dito sa Pahiram ng Isang Ina.

"Hopefully, kung ano ang suporta nila sa amin ni Max [maulit]. Medyo sandali nga lang ako do’n. One to two weeks lang po ako.

"Hopefully rin ngayon, mas deeper na ang friendship, mas deeper na yung samahan namin [ni Maxene]," sabi ni Marco nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ngayon naman daw, mabait ang character na ginagampanan niya bilang boyfriend ni Maxene.

Mas may challenge ba pag "mabait" ang role niya?

"Sanay kasi ako sa kontrabida roles. Ngayon naman, more on habol nang habol sa babae [ang role ko]."

Kumusta ba ang working relationship nila ni Maxene?

"So far kasi, hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari sa mga characters namin. Kasi ilang weeks pa lang yung nababasa ko sa script.

"Pero yun nga, I’m hoping na mas maging deeper yung friendship namin. Magkaibigan naman kami. Lumalabas minsan.

"We have common friends. Friend ko rin yung boyfriend niya."

Bakit do’n sa My Lover My Wife ba, nagkailangan sila?

"Hindi naman ilangan. Pero siyempre, may mga eksena kayong sweet-sweet noon, pero hindi pa kayo nagkaka-bonding masyado.

"So, more or less ngayon, mas ine-expect ng mga tao na mas deeper na ang onscreen relationship namin."

NOT A VILLAIN. Very thankful daw si Marco na isa pa rin siya sa nabibigyan ng roles na pang-leading man kahit isinasabak nga rin siya sa supporting at kontrabida roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, thankful din ako sa GMA. At the same time, [okay lang] kung anuman ang ibigay na trabaho sa akin, whether leading man man siya, or kontrabida.

"Sa Endless Love, kaibigan ako ng bida. Ginagawa ko lang po lahat ng makakaya ko para mabuhay ang role na ibinibigay sa akin.

"Siyempre at the same time, professional din tayo sa trabaho natin," sabi niya.

Pero saan siya mas kumportable?

"Hindi naman po tayo choosy sa role. Pero, kung magiging leading man, mas mabuti po.

"Pero siyempre, kung anuman ang ibigay sa atin [kakayanin natin].

"As much as possible talaga, gagawin ko ang best ko para mabuhay po ang character na ginagampanan ko po.

"Kasi, alam naman natin na ang mga viewers natin, matatalino."

WORK WITH LARA. On the other hand, sila ng kanyang girlfriend and his soon to-be-bride na si Lara Quigaman ay hindi pa raw nagkakasama sa isang project.

Ayon kay Marco, dream din daw nila na maging magkaparehasa isang project.

"Dream. Dream po namin yun!" natatawa niyang sabi.

Last January siya nag-propose ng kasal kay Lara, pero sa ngayon ay wala pa raw silang nasisimulang anumang preparation for their wedding.

"To be honest, wala pa po talaga. Kasi inuuna rin namin ang sa sister niya. Ikakasal ngayong October 1 sa U.K.

"So, pupunta po kami ro’n. Hopefully ako, kahit maka-absent ng two taping days."

Plano naman daw talaga nila ay late part of 2012 pa ang kasal nila.

"Hopefully, by January, magpi-prepare na po kami. Matagal pa rin naman po siya.

"Although, may mga idea na rin naman po kami. Like ang gusto namin, out-of-town na wedding.

"Para yung pupunta po talaga, mag-e-effort din po talagang pumunta.

"Yung gusto po talagang pumunta. Yung people close to our heart na may kinalaman sa relationship namin."

Habang tumatagal, paano niya ide-describe ang relationship nila ni Lara ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, normal naman po sa isang relationship yung mero’ng tampuhan.

"Pero kami ni Lara, nagtatampuhan man, yun lang ’yung gusto niya lambingin siya.

"Nabibigay [ko] naman po. Pero yung babae po talaga, mero’n talagang mga parang maliit na bagay lang.

"Parang pa-cute lang na away!" natatawa niyang sabi.

"May mga ganoon kami, but it makes the relationship happier, stronger, healthier."

Feeling ba niya niya mas strong ang relationship nila ngayon?

"Hindi ko po feeling, sigurado pong talaga."

Two years na raw silang magkarelasyon. Ano pa ang masasabi niyang mga nadi-discover niya sa girlfriend?

"Di ba po, nag-aral kami ng culinary? Short course po.

"Ngayon, nagpupunta ng bahay yun, nagdadala ng foods. Kasi, medyo healthy living po ako.

"So, natututo siyang mag-experiment ng healthy foods. Kunwari, hindi lang basic chicken na steamed.

"Ngayon, may konting halu-halo. Pasta na may shrimp.

"Happy po ako kasi kapag hindi siya ganoon ka-busy, may time siya na gumawa.

"Dati kasi, wala siyang alam. Siyempre, fried, pancit canton.

"Sabi nga niya, ngayon, mas ready na siya na marami siyang natutunan."

Since tulad ni Lara, nag-aral din siya ng culinary, naipagluto na rin ba niya ito?

"Siyempre, napagluto rin. May isang beses nga sa bahay niya, ini-invite namin ang mga close friends namin.

"Siguro mga 15 friends. Nagluto kami for them. May konting videoke. Parang to celebrate rin yung pagiging [graduate sa] basic [culinary] course namin."

BUSINESS PARTNERS. Matagal na raw na may coffee shop si Lara sa may Bicutan, ang Eton’s.

Kung sakali, parang gusto raw nilang mag-put up pa ng ibang branch para naman sa kanilang dalawa as their business

"It’s just a small restaurant lang, pero maraming good feedback.

"Kay Lara talaga ’yun, pero yung uncle niya, yun ang parang nagma-manage.

"So, plano namin, bagong branch na hopefully, sa amin naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa ngayon kasi, nagtitingin-tingin din kami ng location na sa amin na."

May kasabihan na kapag nagsama raw sa business ang magkarelasyon na hindi pa kasal, sometimes, nagiging malas ito sa relasyon or hindi nagkakatuluyan.

"Siguro, good thing about us, hindi kami naniniwala sa mga pamahiin," sabi naman ni Marco.

"Good thing about Lara rin, napalapit kami, lalo na ko, napalapit ako kay Lord.

"Christian na rin po ako. Mas deeper na. Hindi po kami naniniwala sa mga pamahiin na ganoon.

"And siyempre, dasal and tiwala lang kay Lord."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN