Solenn Heussaff: "I’m dating, I’m dating, finally!"

Solenn Heussaff is having a blast with her career, as she continues to explore her capabilities as an artist. And, unlike before, her lovelife is starting to blossom, too. She admits that she’s now dating.


Maganda ang takbo ng career ng model turned actress na si Solenn Heussaff.

Pagkatapos ang kanyang successful TV show (Captain Barbell) at movie (Temptation Island), ngayon ay pinapasok naman niya ang mundo ng musika.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press si Solenn kanina, August 10, sa Redbox Eastwood Mall, sa Libis Quezon City.

Dito’y tinanong namin siya kung ano mas gusto niya, umarte o kumanta?

"Kumanta!" mabilis na sagot ni Solenn.

"Kasi sa acting, kasi parang I’m so nervous na, kailangan kumportable ako sa Tagalog.

"So, mahirap umarte kapag parang if I’m thinking, ’Oh, no! Ano yung next line, ano yung ganito sa Tagalog...’ I need to learn more in language.

"Pero I like it, I enjoy it naman."

Ngayon daw kasi ay talagang hirap pa siya sa pagta-Tagalog, kaya naman ang goal niya sa susunod na album niya’y may mga tagalong songs na.

"Ito puro English, dalawang original lang, the rest cover songs.

"Pero, yung next album, original songs, tapos at least I want to do Tagalog."

ON HER LOVELIFE. Full blast ang career ngayon ni Solenn, pero walang naririnig ang mga tao tungkol sa lovelife niya.

Kumusta nga ba ang lovelife niya ngayon?

"I’m dating, I’m dating. Finally!" bulalas niya.

Gayunman, ayaw niyang pangalanan ang gentleman.

Pero ibinahagi niya na ito raw ay isang "foreigner, non-showbiz, at businessman.

Maaalalang kailan lang, inamin niyang may naka-date siya noon na isang Singapore-based businessman bago siya sumali sa Survivor Philippines Celebrity Edition (2010).

Ngunit matapos ang nasabing palabas, hininto na raw niya ang pakikipag-date dito dahil tila nagbago na ang papanaw niya sa mga bagay-bagay. (CLICK HERE to read related article.)

Pero ano nga ba ang hanap niya sa isang lalaki?

"Ako, siyempre naman, someone who is giving me my freedom, not jealous, and may ambition, smart," sagot ng singer-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi lagi, ang date sa akin parang mga bobo, kasi yun ang type ko."

Bakit niya nasabing "bobo" ang type niyang dine-date?

"So I can be in power!" natatawang sagot niya.

"Pero ngayon I changed, I want someone who will teach me something more."

Ngunit may isa pang revelation si Solenn. Ang gustong-gusto niya daw sa lalaki ay kalbo.

Bakit kalbo ang type niyang lalaki?

"I like yung hitsura na parang bad boy.

"Tapos parang pag long yung buhok, parang girl na.

"Like, parang I’m dating a girl."

Biro pa niya sa dine-date niya ngayon, "Oo, marami siyang hair. Baka in one week wala nang buhok ’yan!"

Kahit one week pa lang niyang nakaka-date ang lalaking tinutukoy niya, halatang masaya si Solenn habang nagkukwento tungkol dito

Ano nga ba ang nagustuhan niya sa bagong guy na ito?

"Yun lang, I just need my freedom," nakangiting sagot ni Solenn.

"Don’t ask me where I am, don’t ask me what I’m doing, just be happy when you see me, yun lang.

"Pero that goes with him din, siyempre it has to go both ways."

Gayunman, alangan pa rin daw siyang ipakilala ang nasabing lalaki. Hindi pa kasi sigurado ang patutunguhan ng relasyon nila sa ngayon.

Aniya, "Kasi I’m waiting, baka phase lang ’to,

"Baka kasi it doesn’t work, e.

"Pero, I might get to share him someday."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN