Direk Tikoy Aguiluz says directing Nora Aunor is a dream

"Siyempre, superstar ’yan. Di pa ako nag-umpisang gumawa ng pelikula, Nora Aunor na ’yan. Parang panaginip nga, e. Siyempre, pinaghahandaan natin ’yan," says Direk Tikoy Aguiluz (right) about directing Nora Aunor (middle). The Superstar returns to the big screen via El Presidente: The True Story of Emilio Aguinaldo, which is topbilled by Gov. Jorge "ER" Ejercito (left).


Ang first shooting day ng biopic na El Presidente: The True Story of Emilio Aguinaldo na pinangungunahan nina Gov. Jorge "ER" Ejercito at ng Superstar Nora Aunor ay noong Lunes, August 8. Ginanap ito sa lumang simbahan ng St. Mary sMagdalene Parish, Kawit, Cavite.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Tikoy Aguiluz pagkatapos ng shooting, after midnight break. Natapos ang shoot nila at past 2 AM.

Earlier, we were exchanging text messages with Direk Tikoy at nasabi nga niya na "super hectic ang shoot" nila that first day.

Kinumusta namin kay Direk Tikoy si Ate Guy sa unang araw ng shooting nila, at positibo naman ang naging tugon ng direktor.

"On time siya. Smooth naman [ang shooting]," sabi ni Direk Tikoy.

Tapos, nag-message si Direk ng personal niyang saloobin hinggil sa superstar.

"Okay. Iba talaga si Nora. Ibang klase talaga!" bulalas ni Direk Tikoy.

Ito kasi ang unang pagkakataon na idinidirek niya si Nora Aunor. Ginagampanan ni Ate Guy ang papel ni Maria Agoncillo, ang pangalawang asawa ni Hen. Emilio Aguinaldo.

DEVELOPING RAPPORT WITH NORA. Muli naming nakausap si Direk Tikoy sa second day of shoot naman kahapon, Martes, August 9.

Sa aming interview, aminado si Direk Tikoy na ninenerbiyos siya habang papalapit ang takdang araw ng pagtatrabaho nila ni Nora Aunor.

"Siyempre, Superstar ’yan," sabi rin ni Direk Tikoy. "Di pa ako nag-umpisang gumawa ng pelikula, Nora Aunor na ’yan.

"Parang panaginip nga, e. Siyempre, pinaghahandaan natin ’yan. Unang-una, kailangan, magkaroon kami ng rapport.

"I think, madali namang mag-develop ’yan. At the same time, tanggalin siguro yung nerbiyos, sa isa’t isa."

NORA’S EYES. Tuwang-tuwa pang nagkuwento si Direk Tikoy tungkol sa mga bagay na naka-inspire at nakapagpa-impress sa kanya kay Nora Aunor.

"Siyempre, excited ako. No way [na ma-disappoint]. Nawala na ’yung nerbiyos ko," wika pa ng direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What made him more inspired to go on working with the Superstar?

"Lahat... yung presence niya, yung mata niya," sabi ni Direk Tikoy. "Ibang-iba. Lalo na pag nag-close up ka ng mata niya.

"Yung isang actor-talent nga, who played the priest, everytime na nakaharap si Nora, pag nakikita niya ang mata, natataranta siya. Nakakalimutan ang lines. Grabe!

"Nung rehearsals, okey na okey. Pag kaharap na si Nora, sabi ko, ’huwag kang titingin sa mata. Sa noo ka na lang tumingin’.

"Nung tumingin sa noo, dun lang niya nakuha ’yung dialogue," natatawang kuwento ni Direk Tikoy.

"Grabe! Tinitingnan ko yung close-up [ni Nora], e. Mero’n talagang, there’s something. I don’t know what it is."

Ang pagka-overwhelm ni Direk Tikoy, at karanasan din ng aktor, as mentioned by the director, ay di iba sa nabanggit din noon ni Tita Midz (Armida Siguion-Reyna) sa isang interview, while she was doing a movie with Nora Aunor in the mid-1980s.

Sabi noon ni Tita Midz, "Kapag kaeksena mo si Nora, you have to be ’on guard’. Kung hindi, mawawala ka sa eksena."

"Oo, yeah. Alam ni Armida. Alam niya," pag-agree ni Direk Tikoy sa tinutukoy na pagiging expressive ng mga mata ni Ate Guy.

Sa naunang presscon ng El Presidente ay sandali rin naming nakausap si Direk Tikoy at kinumpirma namin ang tungkol sa extent ng magiging participation ni Nora. Sadya nga bang "special participation" lamang ito na limitado ang haba, gaya ng unang napabalita?

"Hahaba [ang role]. Panigurado, hahaba. Nora Aunor ’yan. Nakakapanghinayang naman [kung hindi hahabaan]," sabi pa ni Direk Tikoy.

On the day of the shooting itself, muling tinanong si Direk Tikoy about Nora’s participation in the film.

"We’re not rushing it. Manganganak [ng dagdag eksena] yun," said the director, referring to Guy’s role and participation in the film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-e-evolve naman yung screenplay. Warm-up lang ito, [para] magkaroon kami ng rapport," ani Direk Tikoy.

Aprubado rin kay Direk Tikoy ang idea na ituloy ang shooting later, kapag hindi matapos ni Nora ang mga eksena niya. This can happen once mag-start ang aktres sa pagte-taping nito ng mini-series sa TV5, ang Sa Ngalan Ng Ina.

Nakatakda ring bumalik ng States si Ate Guy, sometime in late October, upang mag-renew ng kanyang green card.

"Oo, hihintayin ko uli, next year, para dito [sa pelikula]," assured Direk Tikoy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN