Aga Muhlach becomes an explorer for his first TV5 show

"I don’t know what to expect also sa mga pupuntahan naming lugar. It’s different kasi wala akong kasama. Wala akong co-stars. It’s just me, the staff, my crew. So, yun lang yun," Aga Muhlach excitedly said about his first TV5 show Pinoy Explorer.


Kakaibang Aga Muhlach ang dumating sa send-off party cum press conference ng TV5 kagabi, August 10, sa Borough sa loob ng The Podium, Mandaluyong City.

May stubble o bahagyang bigote’t balbas at naka-heavy rimmed glasses na hinarap ng magpu-42-year-old na aktor (sa August 12) ang mga bisita’t media people na dumalo sa Pinoy Explorer presscon na iyon.

Taliwas sa kadalasang hitsura na nakikita ng publiko kay Aga na laging clean cut.

"Wala lang. Gusto ko lang. First time yatang makita akong ganitong hitsura ko, ’no?" sagot ni Aga sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang tanungin kung may pinaglalaanan ba siyang bagong proyekto sa hitsura niyang iyon.

At katulad ng bago niyang show, kakaiba rin daw ang makikitang Aga sa Pinoy Explorer.

Biniro pa ng PEP na "Aga The Explorer" na officially ang bagong bansag sa kanya dahil sa bago niyang show.

Niregaluhan din kasi ng TV5 Corporate PR group si Aga ng isang cake na may maliit na estatwa niya bilang isang explorer.

Pero diin nga ng aktor, iba raw talaga ang Aga na makikita sa sisimulan niyang show sa Kapatid network.

"Ang feeling ko lang kung ano ang ini-expect n’yo na gagawin ko, hindi ganun iyon.

"Basta iba yung gagawin namin. It’s not just, you know, ayaw namin siyang maging basta traveler na... basta, marami. Maraming mangyayari sa show," pahapyaw na paliwanag pa ni Aga.

Dagdag niya, "It’s nothing like seryosung-seryoso iyong show. Our target audience are not just kids but para sa buong pamilya rin.

"Basta, ang mangyayari, parang kung hindi ko alam yung pupuntahan kong lugar, kasama ko sila na idi-discover yung lugar na iyon."

Gagamitan din daw ng computer graphics at kung anu-anong effects ang show para hindi lang visual ang presentation, kundi kakaibang experience daw para sa viewers ang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta, iba yung show. Kakaiba siya," panigurado pa ni Aga.

"NASAAN SI AGA?" Ang isa pang kakaiba sa show ay ang partisipasyon ng mga manonood dito. Bukod sa educational value ay may tsansa pang manalo ng espesyal na papremyo ang viewers.

Huhulaan lang ng viewers kung nasaan si Aga at maaaring manalo ng brand new Apple iPad2 o isang Asian adventure for two ang mga masuwerteng viewers na mapipili sa "Nasaan si Aga" promo ng show.

Tatakbo mula August 10 hanggang September 1, 2011 ang promo na ito. (CLICK HERE for the details of the promo).

Sabi pa ni Aga, may tsansa rin na makasama niya sa paglakbay abroad para sa mga susunod na episodes ang mga mananalo.

"But hindi sila kasama sa tape o sa mga eksena. Behind the scenes, yes, makakasama ko sila."

GOING SOLO. Sa Lunes na sa susunod na linggo ang alis ni Aga patungo sa hindi-pa-puwedeng i-announce na destinasyon sa labas ng bansa.

Pahayag ng aktor, excited na siyang simulan ang pilot episodes ng Pinoy Explorer dahil bukod sa pagdiskubre sa mga tao at kultura ng lugar na pupuntahan niya, solo niyang gagawin ang show.

"I don’t know what to expect also sa mga pupuntahan naming lugar. It’s different kasi wala akong kasama. Wala akong co-stars. It’s just me, the staff, my crew. So, yun lang yun," sabi pa ni Aga.

Isa pang ikinae-excite ni Aga ay dahil first time nga niyang gagawin ang tipo ng TV show na ganito.

"All my life [in TV], I’ve been doing sitcoms. When I moved to TV5, ang unang sinabi ko, e, ayokong gumawa ng sitcom talaga.

"But then Atty. Ray Espinosa [TV5 president and CEO], si Boss Ray had this idea for this show, and I said, ’Wow, oo nga, ang ganda, ’no?’ Sabi ko, why not? Let’s do it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam kong mahirap... well, not that mahirap. I mean, marami na rin naman akong nagawang mahirap sa movies ko, sa TV shows ko, but this is going to take me out of my comfort zone."

Kaya nga raw para sa proyektong ito ay pinili niyang maging direktor ang kaibigan niyang si Rowell Santiago.

"He’s been a good friend of mine. Sabi ko dapat ang direktor ko dito, parang artista rin na puwede kong kabatuhan. Na eventually, some of the episodes, puwedeng ako ang humawak ng camera, siya ang kunan ko."

Bukod kasi sa pagiging direktor sa marami nang concerts, corporate shows, at TV ads, dati ring aktor si Direk Rowell nung 1980s, na naging ka-loveteam pa noon ng tinaguriang concert queen na si Pops Fernandez.

Tinanong si Aga tungkol sa reaksiyon ng misis niyang si Charlene Gonzalez sa bago niyang show. Bukod kasi sa trabaho agad ang gagawin ni Aga pagkatapos na pagkatapos ng birthday celebration niya ay solo pa siyang lalabas ng bansa.

"Okey naman siya," nakangiting sagot muna ni Aga.

"Besides, we travel a lot naman. Kaya lang ang sabi niya nga sa ’kin, parang, sayang, marami akong pupuntahan na hindi ko siya kasama.

"Eventually, if time, or schedule permits, makakasama na siya sa akin. It’s work, you know.

"But I wouldn’t be gone for isang buwan naman. Like for this episode, 10 days lang ako mawawala. Baka nga sa susunod, five days... depends."

Hindi rin daw siya mami-miss ng kambal niyang sina Atasha at Andres dahil mas malala nga raw ang schedule niya kapag gumagawa ng pelikula kumpara sa paggawa niya ng TV shows.

"Nung ginawa ko yung In The Name of Love, I was gone like, a year. I mean, we begin shooting at 8 a.m. and then finish by 6 a.m. So, talagang hindi ko sila nakikita noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For this show, I’ll be gone for just 10 days maximum. Then, I’ll be with them for a month. A month!" bulalas ni Aga sabay pakita ng excited na ngiti dahil nga sa mas mahabang panahon na makakasama niya ang kanyang mga anak.

"Tapos yung susunod na alis ko, five days lang akong mawawala. So, parang nagpunta lang ako sa lugar namin sa Batangas nun."

Isang makahulugang ngiti naman ang naging reaksyon ni Aga nang biruin ng PEP na baka nga—who knows—sa mga susunod na episodes ng Pinoy Explorer ay kasama na niya ang kanyang kambal, at baka pati na rin ang misis niyang si Charlene.

"Si Misis... Paano yun?" napatawa pang balik ni Aga sa PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN