Bagets star AJ Muhlach hopes to work with half-brother Aga Muhlach in a project

"Gustung-gusto ko po talagang makatrabaho ang kuya ko kahit isang project lang. Kahit isang scene lang nga, e," says AJ Muhlach about his wish to work with Aga someday.


Nasa ikalawang season na ngayon ang teen-oriented show ng TV5 na Bagets, Just Got Lucky.

Obvious ang kasiyahan at pagiging inspirado ng cast na bumubuo sa Bagets sa ginanap na press conference sa Viva office noong Lunes, August 8.

Sa presscon kasi in-announce ang bagong season ng show na mapapanood pa rin tuwing Linggo, 4:30 ng hapon, sa Kapatid network.

Bukod pa rito ang pagkakaroon na rin nila ng mga mall tour para i-launch ang Official Bagets Nation Fan Club.

Isa sa masasabing nakikilala among the Bagets cast ay si AJ Muhlach.

Ano ang feeling na nabigyan silang muli ng panibagong season?

"Masaya po. Kasi, ibig sabihin lang no’n, maganda ang rating namin. Tapos, more bonding time pa sa mga kasama ko.

"Siyempre, kung hindi umabot ng Season 2, parang mami-miss namin [ang isa’t isa] dahil ang tagal na rin naming magkasama.

"So, binigyan pa kami ng chance na mas mapaganda pa ang show. Magkakasama-sama pa po kami.

"Actually po, overwhelming na nga po na nabigyan kami ng project na Bagets, tapos nagkaroon pa po ng Season 2. Kaya ang saya po," sabi ni AJ.

May mga pagbabago naman daw na mapapanood sa kanila at sa itatakbo ng kuwento ng show nila ngayong Season 2.

"Makikita po nila rito yung mga hindi pa masagot sa Season 1, makikita na sa Season 2.

"Tapos katulad no’ng sino po ba talaga ang tatay ko. Marami na ang mababago ang lifestyle sa amin."

Nilinaw naman ni AJ na hindi raw sila magiging bading or walang mari-reveal na bading among the cast katulad ng ipinakita sa trailer ng Season 2.

"Pustahan lang po yun. Parang natalo po kami sa pustahan kaya po nagdamit kaming bading," sabi niya.

May bagong character din na mapapanood sa Season 2—si Imee Hart na unang napanood sa Shout Out ng ABS-CBN at sa Willing Willie ng TV5, at ngayon ay isa na rin Viva artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Papasok daw ang character nito sa kuwento nila ni Nadine Ilustre.

RIGHT DECISION? Si AJ ay katulad ni Aki Torio na member ng all-male group na XLR8.

Pero dahil sa pagiging Bagets stars nila, hindi na raw sila nakakasama sa Party Pilipinas kung saan mainstay ang XLR8 at lumalabas sa ibang GMA-7 shows.

"Part po rin po kami ng group. Tulad po, kapag may mall shows, concerts, birthday na raket, magkakasama pa rin po kami.

"Nakaka-miss lang po. Kasi dati, halos four days a week, magkakasama po kami. Ngayon po, minsan na lang.

"Pero masaya pa rin naman po kami kasi may bago kaming project. At may dalawa ring bago na nabigyan ng chance na maging part ng XLR8," saad niya.

Worth it ba na hindi sila nakakasama sa mga show na nilalabasan ng grupo nila sa GMA-7 sa pagkakaroon nila ng Bagets?

"Opo naman," sagot niya.

"Kasi ang Bagets po, iconic na po. Bago rin naman po kasi like ngayon, instead na AJ ang tawag sa akin, Ace na minsan ang tawag sa akin.

"Nalilito na sila minsan. Parang ganoon po."

MY BROTHER AGA. Halatang na-excite naman si AJ during the presscon proper nang may magtanong sa ilang taga-production kung kailan daw kaya magge-guest si Aga Muhlach sa Bagets.

Isa kasi si Aga sa kilalang original cast ng Bagets and, at the same time, isa na rin itong Kapatid.

"Gustung-gusto ko po talagang makatrabaho ang kuya ko kahit isang project lang. Kahit isang scene lang nga, e," sabi niya.

Noong malaman niyang nag-sign up si Aga sa Kapatid network, nabuhayan ba siya ng loob na baka magkasama sila sa isang show?

"Opo! Pero siyempre, kakabahan po ako kapag kaharap ko na. Like magtu-throw lines po kami.

"Siyempre, kakabahan ka po. Siyempre, sobrang galing ng kuya ko."

Ayon kay AJ, masasabi raw niyang close naman siya sa half-brother, although hindi raw niya masasabing regular silang nagkakausap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi man po kami regular na nagkakausap, pero kapag nagsama-sama po kami, talagang bonding po.

"At saka, kapag nagkasama-sama po kaming lahat, like New Year, Christmas, talagang todo-bonding po kami.

"One time nga po, two weeks yata kaming nasa farm niya sa Batangas."

May pressure ba sa part niya kapag nalalamang kapatid pala siya ni Aga at tipong mas may expectation ang tao sa kanya?

"Hindi ko naman po iniisip na pressure yun kasi wala naman po akong magagawa.

"Kasi, talagang sikat naman po ang kuya ko at talagang sobrang galing na actor.

"So, ginagawa ko na lang po ang best ko na sa tingin ko, magiging proud din po ang kuya ko.

"Para kung okay na ko nitong take nito, dapat next take, mas okay pa."

Sa palagay ba niya ay maaabot niya ang na-achieve ng kanyang Kuya Aga career-wise?

"Sana po. Kasi, talagang iniidolo ko po ang kuya ko. Sobrang proud ng dad ko sa kanya.

"Kahit nga po kalahati lang nun, masaya na ako," sabi ni AJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN