Vilma Santos cites conflict of schedules as reason why her movie with Sharon Cuneta did not push through

"May commitment talaga ako sa Star Cinema. In fact, modesty aside, may ibang offer. Hindi ko nga matanggap kasi hindi ako puwedeng gumawa ng marami, e. The one with Star Cinema is commitment iyon. Three movies iyon, e," says Batangas governor Vilma Santos about her latest film project.


Halos buwan-buwan ay regular na bumibisita ang writer na ito sa governor’s mansion ni Governor Vilma Santos-Recto sa Batangas.

Pero kahapon, August 10, ay nagulat ang actress-politician dahil may kasama kaming crew ng halos lahat ng TV networks.

Kaya naman agad nilinaw ni Governor Vi sa lahat ng bumisita sa kanyang reporters at TV crew na hindi iyon press conference, at huwag sanang intrigahin ang pagharap niya sa amin.

"Ang ayoko lang, e, baka maintriga na naman tayo. Mapagbintangan na nagpapa-prescon ako. Alam n’yo ’yan.

"Ang original plan naman talaga, e, yung grupo ng press na tumatawag sa akin. Pumapasyal sila sa akin madalas.

"Hindi po ito presscon, ha," paulit-ulit na paalala ni Ate Vi nang harapin niyang sabay-sabay ang lahat ng dumalaw sa kanyang reporters and TV crew.

Ipinaliwanag din ni Ate Vi na kaya hindi agad kami naharap ay nagtatrabaho siya at nagkataong may meeting siya with "COA officials."

MOVIE WITH KIM CHIU. Samantala, sinabi ni Ate Vi na malamang sa first week of September daw ay haharapin na niya ang shooting ng pelikulang The Healing ng Star Cinema.

Kinumpirma rin ng Star for All Seasons na si Kim Chiu ang makakasama niya sa pelikula.

Sa August 22 nga raw ay may story conference na sila para sa The Healing.

"Sana maumpisahan agad namin this September at tuluy-tuloy ito para maipalabas this year, o kung hindi naman early next year.

"Maganda ang movie. Horror and suspense movie ito na parang tungkol sa aftermath ng pagpapagamot sa probinsiya," saad ni Ate Vi.

Ipinaliwanag din ni Ate Vi kung bakit mas nabigyan niya ng panahon ang pagsasama nilang dalawa ni Kim sa pelikula kaysa planong pagsasama nilang dalawa ng Megastar na si Sharon Cuneta.

"Hindi nagkakasundo ang schedule namin," sabi niya.

"Kasi nag-a-adjust din sila sa schedule ko. Hindi naman kasi ako puwedeng gumawa anytime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro yun lang ang kaibahan ngayon. So, nakita n’yo naman nung ginawa ko ang In My Life, the gap was seven years!

"Ngayon, magtu-two years na, wala pang kasunod.

"Kasi, pinipilit kong tapusin lahat ang dapat kong gawin para hindi ako mabalikan ng ’O, mag-artista ka na lang!’

"Wala akong choice. Governor ako ngayon," saad niya.

OTHER FILM OFFERS. Bukod sa Star Cinema, may offer pa rin sa premayadong aktres ang Regal Entertainment, Viva Films, TV5, at pati na indie films.

"May commitment talaga ako sa Star Cinema," sabi ni Ate Vi.

"In fact, modesty aside, may ibang offer. Hindi ko nga matanggap kasi hindi ako puwedeng gumawa ng marami, e.

"The one with Star Cinema is commitment iyon. Three movies iyon, e.

"Una yung Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?. Tapos yung In My Life, at ito ngang kay Kim na dapat kay Sharon.

"Hindi nga nagtutugma ang schedule namin, naging Kim."

Hindi raw naman masasabi ni Ate Vi na personal choice niya na makasama sa pelikula si Kim

"It came from Star Cinema," sabi niya.

"Ako, gusto ko rin in a way. Kasi at least may kasama akong bagets.

"Tama ba?" balik-tanong pa ng grandslam actress.

Kinumpirma rin ni Ate Vi ang pelikulang offer sa kanya ni Direk Wenn Deramas na gustung-gusto rin daw niyang gawin. Kung saka-sakali, makakasama niya rito ang comedienne na si Eugene Domingo.

Aniya, "Nasa akin na ang synopsis, pero sinabi kong hindi ko na magagawa this year.

"Intended naman daw iyon next year at cute ng story kung matutuloy," natutuwang kuwento pa ni Gov. Vi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN