Vilma Santos on Nora Aunor’s return: "I’m sure the movie industry is very, very happy sa pagbalik niya."

"Kung makakatulong kami ng kumare ko na lalong pasiglahin ang industriyang pareho naming kinalakihan, e, why not di ba? Ang sa akin lang, huwag naman yung sobrang pang-iintriga. Huwag naman nating palakihin," says Vilma Santos about renewed rivalry with Nora Aunor.


Nilinaw ni Batangas governor Vilma Santos ang napabalitang siya ang first choice upang gumanap bilang Maria Agoncillo, ang second wife ni Emilio Aguinaldo, sa biopic na El Presidente.

Kasisimula lang ng shooting ng pelikula, at ito ang magisisilbing pagbabalik sa pag-arte ng karibal ng Star for All Seasons. Si Nora Aunor ang siyang pumalit diumano kay Vilma.

Si Laguna governor ER Ejercito naman ang gaganap sa papel ng unang pangulo ng Pilipinas,

Paliwanag ni Ate Vi, "Maliit na usapan lang ’yon na... ako ang pinili niya [Gov. ER] sana na gumanap doon.

"In fact, may tumawag sa akin na ako raw ang napag-uusapan do’n sa presscon, na ako nga raw ang gaganap na second wife.

"Sabi ko nga, ’Kailan ’yan?’ Siyempre iyon ang aking unang tanong.

"Tapos sabi ko, ’Malabo.’ Kasi, naka-commit nga ako sa Star Cinema.

"Sabi ko, ’Kung gagawin natin ’yan this year, definitely hindi ko na magagawa kasi nga, commitment ko is Star Cinema.’

"And I cannot do many films because of my job as the governor of Batangas.

"Kasi, at the end of the day, nakita n’yo naman noon, di ba? Tinitira rin ako?

"This is my second priority now, e, being a public servant.

"Medyo third nga ang show business.

"Maligayang-maligaya nga ako na kinu-consider pa rin ako ng show business. And I’m very thankful.

"So, malaking bagay sa akin ’yon.

"Kaya lang, kung sasabihin mong talagang full time, hindi e.

"Kung gugustuhin ko, gusto ko. ’Yan ang buhay ko, e. Di ba?

"Pero wala akong choice. I’m a public servant now.

"And may mga priorities akong dapat na unahin dito.

"Halimbawa, may intriga dito sa show business, e, merong problema ritong fish kill. Anong uunahin ko?

"Unahin ko muna ’yong problema ng fish kill sa Batangas. Di ba?

"So, gano’n ’yong sitwasyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Governor Vi sa kanyang tirahan sa Batangas kahapon, August 10.

ENOUGH OF INTRIGUE. Ano nga ba ang feeling niya na nandito na ulit at nakabalik na sa bansa ang nag-iisang archrival niyang si Nora Aunor?

"Masaya ako, oo naman," sambit ni Ate Vi.

"Pero huwag na natin itong palakihin, ha! Kasi ang hirap ng posisyon ko. I hope you understand.

"Kasi ang posisyon ko... damn if you do, damn if you don’t.

"Meron akong magandang sabihin para sa kumare ko, sasabihin ’ang plastik’ ko.

"Meron akong hindi magandang sasabihin, ’ang sama ng ugali ko’.

"Basta ang alam ko, magkausap kami when I was in L.A. Dahil manonood sana siya ng premiere night doon [ng In My Life].

"Unfortunately, hindi siya natuloy but I met all her friends. So, hindi na kami nagkaroon ng communication since then.

"Eight years din naman siyang na-miss. And alam din naman natin kung gaano siya na-miss ng industriya.

"At malaking parte ng industriya si Nora Aunor.

"So, definitely, I’m sure the movie industry is very, very happy sa pagbabalik niya.

"Pero para mang-intriga pa sa akin, excuse me naman!

"Parang... 37 na po ako!" natatawang biro ng 57-year-old actress-politician.

"Palagay ko, mature enough para sumakay pa. Alam mo ang ibig kong sabihin?

"Kesa isipin ko itong mga nang-iintrigang ito, e, iisipin ko muna kung ano ’yong problema dito sa Batangas.

"Kasi totoong buhay ito, e. Wala itong camera.

"And eight years nawala si kumareng Guy... but I’ve been a public servant for fourteen years now.

"I’m just reminding them... hindi na nandidito para isali o mang-intriga pa.

"Ibinabalik nga ’yong rivalry, e. And definitely, if it will make the industry healthy again or happy, why not? Di ba?

"Kaya lang, para ikumpara pa na... gagawa ng ganitong film, tinanggihan ni ganito... e, wala po akong choice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam n’yo ang ibig kong sabihin? Hindi intensiyon na tumanggi ako.

"It’s just meron kasi akong other responsibilities. Para mabigyan iyon ng malaking isyu."

Dagdag pa niya, "Alam n’yo, modesty aside, talaga pong maraming offers.

"In fact, meron pang isang project na gagawin pa sana sa Italy, pero hindi ko nga matanggap. Kasi nga, may commitment ako sa Star Cinema.

"Hindi nga puwedeng magdalawa ako nang sabay. Kasi nag-a-adjust din sila sa schedule ko.

"Usually, weekend lang ang availability ko."

Talagang hanggang ngayon, may anghang pa rin ang tapatan nila ni Nora.

"Palagay ko, napakasuwerte namin," sabi ni Ate Vi.

"Imagine, imagine forty o fifty years na kami sa industriya and yet napag-uusapan pa.

"Dahil ’yong rivalry nga namin before ay hanggang ngayon ibinabalik nila.

"And that is healthy.

"Kaya lang, lagyan naman natin ng konting maturity. ’Yon lang naman ang pakiusap ko.

"Huwag naman ’yong bumabalik tayo sa ’70s na parang...

"Huwag naman, kasi meron na rin tayong iba-ibang prayoridad at responsibilities.

"Which I guess at this point in time, para entertain-in ko pa ang intriga, ipa-prioritize ko na lang muna ang meaningful life that I have now."

MOVIE WITH NORA? Posible bang magkasama sila ni Nora sa isang pelikula next year?

"Baka maintriga na naman ako niyan!" natatawang sabi ng Star for All Seasons.

"Ayoko na ngang sagutin ’yan. Babalik na naman tayo sa time and availability.

"Baka intrigahin. Huwag na lang. No comment.

"Kung sa willing, oo naman. Bakit naman hindi?

"Pero ’yong when? We don’t know. Talaga pong walang panahon sa ngayon."

Ang film producer na si Atty. Joji Alonso, may nasabi rin na nagkaroon din daw ng problema tungkol sa alok sana sa kanya na isang indie film.

"Meron nga," pagkumpirma ni Ate Vi.

"Kinu-conasider ko ’yon kasi gusto kong sumubok ng indie film. Excited ako talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Yong Isda was offered to me, too, by Direk Adolf Alix. And my friend Cherry Pie [Picache] ang nakagawa since hindi ko na nga kayang gawin.

"Kahit ngayon, itong gagawin ko with Kim Chiu, nagpapaalam ako sa constituents ko.

"Sa flag ceremony, kapag umiikot ako ng mga bayan, sinasabi ko, ’Eto po ang mga proyekto natin, puwede po ba akong makagawa ng isang pelikula, makaraket naman!’

"Sabi naman nila, ’Oo, sige!’

"At least, kahit papa’no, may kukunin kasing time sa akin ’yan, e. So, wala akong choice.

"But I miss showbiz. Because showbiz is my life."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN