Rocco Nacino won’t meddle with rumored girlfriend Sheena Halili’s decision to go topless in Amaya

"No. Masaya po kami pareho na sinusuportahan po namin ang isa’t isa," says Rocco Nacino when asked if he’d forbid Sheena Halili from going topless in Amaya.


Dahil danserye ang Time Of My Life, in our recent interview with Rocco Nacino, tinanong namin siya kung lalaban ba siya nang hatawan sa sayawan kay Mark Herras na male lead din ng show.

"I’ll do my best. We have choreographers po dito and magpapatulong ako [sa kanila].

"I can’t say I’m the best dancer. Si Mark magaling na magaling po," saad ni Rocco.

Alam ni Rocco na mahusay si Mark na tinaguriang "Bad Boy of the Dance Floor."

"Ita-try ko po and dun sa show po. I’ll try everything para mapa-impress si Kris," referring to Kris Bernal na female lead nila.

EXCLUSIVELY DATING. Nag-iba kami ng tanong kay Rocco at ito ay kung sila na ba ni Sheena Halili, na balitang espesyal sa buhay niya ngayon.

"Still the same. Still dating," sagot ng young actor.

Walang development?

"May development, of course, habang tumatagal naman po."

Hindi pa ba sila umamin tungkol sa estado ng kanilang relasyon?

"Wala po kaming inaamin. Wala pa po kaming inaamin," sabi niya.

Bakit ayaw nilang umamin?

"Dahil wala pa naman pong kailangang aminin. Kung mero’n naman po, aaminin namin."

Mero’n na ba silang mutual understanding?

"We’re dating."

Exclusively dating?

"Yeah!"

Gaano katagal na silang exclusively dating?

"Siguro for a few months na. And like what I always say, we don’t wanna rush things.

"Kasi [Sheena is] with Amaya at lagi siyang nasa location na malayo.

"Ako, meron akong Time Of My Life at araw-araw din po yung taping namin kaya naging bihira din ang pagkikita namin.

"And minsan kapag may oras nagkikita kami, nag-uusap.

"Ang importante naman po masaya kami at nag-uusap kami lagi."

Once or twice a week daw silang mag-usap. At kapag may panahon ay lumalabas sila.

"Yes. We watch a movie."

Silang dalawa lang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, minsan po. There’s nothing wrong with that naman, e. Kumakain lang po.

"Minsan galing siya sa work, ako galing din sa work, kakain kami, around Morato lang," sabi niya.

Pag exclusively dating or mag-MU, hindi ba para na ring magkarelasyon iyon?

"Well, wala pa po kasing confirmation at hindi nga po kami nagmamadali."

Sinabihan na ba niya ng "I love you" si Sheena?

"Wala pa pong ganun!" ang natatawang sagot ni Rocco.

Ano na ang material thing na naibigay na niya kay Sheena na medyo mamahalin?

"Valentine’s Day, I gave her flowers. Hindi naman po kailangan mamahalin ang laging binibigay.

"What’s important is the thought, hindi yung bagay na ibibigay mo.

"Siguro po yung mga binibigay ko sa kanya private na po yun," dagdag pang sinabi ni Rocco.

Gaano niya kamahal si Sheena?

"She’s an inspiration to me. She’s very, very special."

GOING TOPLESS. Hindi raw niya pinagbawalan si Sheena sa pagta-topless nito sa epicseryeng Amaya.

"No, she’s doing it now. Hindi ako nakikialam sa trabaho niya."

Hindi rin nakikialam si Sheena kapag si Rocco ang may sexy pictorial.

"No. Masaya po kami pareho na sinusuportahan po namin ang isa’t isa."

Kailan siya ulit magpapa-pictorial ng sexy?

"I did for Cosmo [Cosmopolitan Magazine], and matagal pa po bago ulitin yun."

Bakit?

"Siguro po, para ano, don’t give away too much."

What if magkakaroon siya ng underwear endorsement?

"Hindi pa po ino-offer sa akin. Ang gusto ni Ben Chan [of Bench], mga apparel pa lang po ako."

If ever?

"If ever, if the time is right, sige."

Kakayanin niya?

"Ewan ko, hindi ko alam. Para sa akin, hindi pa ako ready."

Gaano siya kadalas mag-workout?

"Ngayon nagpapataba po ako kasi pumayat po ako dahil sa Men’s Health na [magazine] shoot, ’tsaka sa taping sa Time Of My Life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nagpapataba naman po ako. Kain ako nang kain.

"Pag nagkalaman po ako, paghahandaan ko po yung Cosmo Bash sa September. May prod number daw po ako."

LOYAL KAPUSO. May balitang interesado kay Rocco ang ibang network. May chance ba na lumipat siya at iwan ang GMA-7?

"Hindi po mangyayari yun kasi five years po ang kontrata ko dito sa GMA.

"’Tsaka mahal ko ang GMA, dito po ako nagsimula, e."

Ano ang feeling na interesado umano sa kanya ang ibang network?

"Flattering. Flattering at nagpapasalamat po ako sa kanila.

"Sa Twitter pa lang po, e, sinasabi po nila kaya nagpapasalamat po ako sa kanila.

"I appreciate it na nakikita nila yung talent ko," sabi niya.

Ayon nga sa obserbasyon ng iba, mas nalampasan na niya ang batchmates niya sa StarStruck V na sina Steven Silva (Ultimate Male Survivor) at Enzo Pineda (First Prince).

"Well, I have my breaks and they have theirs, so I’m just happy na binibigyan ako ng magagandang projects.

"Wala naman pong kumpetisyon sa amin, e.

"So, it’s up to us kung paano namin didiskartehan ang career namin. Para magkaroon ng magandang breaks sa career namin," saad ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN