Mikael Daez denies rumor about past romance with Isabelle Daza

"Pinsan ko yun! Alam ko related kami nun. Parang third or second cousins kami. Distant relative ko siya sa dad’s side,"explains Mikael Daez on rumor linking him to Isabelle Daza.


With GMA-7’s Spooky Nights Presents Bampirella and Amaya, at movie na Temptation Island—kunsaan parehong si Marian Rivera ang kasama niya—may mga nagsasabing nalampasan na ni Mikael Daez ang kapwa niya Mercator talents na sina Daniel Matsunaga, Akihiro Sato, at Fabio Ide.

"Oh, my God, I love the Brazilians! And nagtutulungan talaga kami. Like, specially when we were modelling pa lang.

"Close na kami ni Aki. Si Fabio hindi ko nakasama masyado, e. Kasi, when I was modelling wala siya dito," reaksiyon ni Mikael nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

FAST-RISING STAR. Mabilis umangat ang career ni Mikael.

"Pero, hindi namin pinapansin masyado yun, e. We just help each other out talaga, e.

"Like usually, I think every month. Once a month, since busy kaming lahat, may dinner kami or may lunch kami. Tawanan lang, [and] a few drinks.

"So, in terms of competitiveness, wala naman akong nararamdaman masyado.

"So, I think we’re all friends and we all support each other.

"Actually, that’s why I like Mercator. One of the reasons na tinanggap ko yung offer ng GMA, na pinasok ko ’to [pag-aartista].

"Sinubukan ko ang Amaya auditions because of Mercator.

"Parang family kasi kami. Family-oriented business siya."

PINOYS RULE. Bongga ang career nila ni JC Tiuseco na another Mercator talent na nasa top-rating Sisid naman.

"Well, I’m very proud, Sisid is doing very well din, di ba?" sabi ni Mikael.

So, nilampasan na nga nila ang Brazilians?

"Well, I don’t look at it naman that way. I’m just proud na nakikita naman yung Pinoy talents ng Mercator ngayon.

"Kasi, of course, before there was a time na very hot yung Brazilians. Kasi, of course, until now they’re still hot, but I’m happy now.

"You know, may mga Pinoys na rin na mix. Yung mga pure Pinoys, kami ni JC, pure Pinoys kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TEAMING UP WITH SARAH. Gusto ng mga fans na maging loveteam daw sila ni Sarah Lahbati.

"Talaga?"

Bagay raw sila. Okey lang ba kay Mikael na ipareha sila ng StarStruck V Ultimate Female Survivor?

"Oo naman!" sambit niya.

"Actually si Sarah is one of the first na nakilala ko sa GMA.

"Bago pa lang ako [when I met her], nung nagmo-model pa lang ako.

"So ’yon, pag nagkikita kami, ’Hi, how are you?’

"So, okay kami, especially nung nagkatrabaho na kami. Yun yung flashback scenes namin sa Amaya [when Sarah guested on the show].

"So, hopefully, I mean if ever maano [maisip] ng mga writers na gumawa ng more flashbacks na kami ni Sarah, that would be great!"

Type ba niya na may ka-loveteam siya?

"Well, kung iyon yung para sa akin, e, di go lang. Okay lang sa akin, okay lang naman sa akin."

ACTING OR MODELING? Iiwanan na ba niya ang modeling ngayong maganda ang takbo ng career niya bilang artista?

"Well, actually, sinasabi ko lagi sa manager ko [Jonas Gaffud of Mercator] na sana hindi naman sobrang maiwan yung modelling.

"Kung may opportunities pa rin, or jobs, huwag naman nating i-close or isarado yung pintuan natin sa modelling.

"Pero first, yung focus is of course showbiz. Acting, TV, and if ever may movies ulit.

"If ever may free time naman, or opportunity, or job sa modeling [gagawin ko pa rin].

"I love modeling and dun ako nag-umpisa.

"So, parang bigay-balik kung saan ako nanggaling, being the roots kumbaga."

EARLY BEGINNINGS. Sa commercials nagsimula ang career ni Mikael.

"Jollibee Champ [commercial] June of last year. Kasi, last year lang ako nag-start.

"That was my very first commercial, ever. Super proud of that commercial."

Paano siya nadiskubre ni Jonas?

"Sa Fashion Week. Yung story dun, yung nangyari, graduate [na] ako sa Ateneo [ng Business Management].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And siyempre, pag-graduate ko, wala nang allowance.

"E, gusto kong magbakasyon kasama ng mga kaibigan ko. E, walang pera.

"So, sinabi sa akin ng isa kong kaibigan, ’Mag-Fashion Week ka, may pera dun. May bayad.’

"’Talaga, meron? Ayoko nga! Fashion, kaya ko ba yun?’

"Tapos, naisip ko, ’Sige na nga, gusto kong mag-beach!’ E, magbo- Boracay ’ata sila [friends], e.

"So, Fashion Week, nakuha naman ako. So, sabi ko, ’Wow, okay!’"

Nakaanim, o pitong shows daw siya during the Fashion Week.

"At hindi ko pa alam na okay pala yun, kaya sabi ko, ’Sige, game!’

"Naive pa ako. Wala naman akong alam dun, e.

"E, sa totoo lang naman, gusto kong magbakasyon. Ang sarap magbakasyon [kaya ako nag-model para magkapera]."

Nakapag-beach naman daw siya.

"After that [Fashion Week], nakilala ko yung fashion handler ng Mercator.

"So, ’yon and then throughout the week, pinakilala ako kay Jonas, ’Hi-hello.’

"And over the course of the summer, kinukulit ako, ’Hoy, mag-VTR ka na.’

"Sabi ko, ’Ayoko ngang mag-VTR, hindi ako marunong mag-acting.’

"Paano ako magbi-VTR, iyon pa naisip ko [kung di ako marunong umarte].

"E, naisip ko rin, ’Sige na nga.’ Wala naman akong ginagawa sa buhay ko, subukan natin.

"Sakto, Jollibee, sinuwerte!"

Before daw ay walang nag-approach sa kanya na mag-model, noong nag-aaral pa siya.

"A, parang wala naman, e. I don’t know.

"I play basketball. High school and college din naglaro din ako, pero more sa high school.

"First love ko yung basketball, nag-break kami nang maaga!" natatawang sabi ni Mikael.

THE "A’ TEAM. May basketball team na raw ang Amaya composed mostly of the male stars ng show.

"Madami kami, sampu yata kami. Halos lahat ng boys sa Amaya."

Naglalaro raw sila sa kung saan-sang lugar kapag walang taping.

JANINE GUTIERREZ. Parehong graduate ng Ateneo si Mikael at ang baguhang female star ng GMA-7 na si Janine Gutierrez, na anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkakilala sila ni Janine, ayon kay Mikael.

"Yes! Medyo awkward, kasi last time I saw her [sa] school pa yun. Pero, we don’t know each other that well.

"Familiar faces lang. Tapos nagkita kami sa GMA. Sabi ko, ’GMA [talents] na tayo pareho!’"


ISABELLE DIAZ. Ayon naman kay Mikael, hindi raw totoong naging girlfriend niya si Isabelle Daza, another GMA-7 newcomer na anak naman ni Gloria Diaz.

"Pinsan ko yun! Alam ko related kami nun. Parang third or second cousins kami.

"Distant relative ko siya sa dad’s side," paglilinaw ng hunky male star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN