Vilma Santos is now ready to become a grandmom: "Basta tawagin lang ako ng Momsie, okey na. Huwag lang Lola!"

"Hindi ko kinaiingitan ang Presidente natin! Ang hirap po ng trabaho. Nakikita n’yo naman, ang Presidente nating si PNoy, naku, sa problema, baka maubos ang buhok! Sorry, Mr. President! But I understand the responsibility na meron sa shoulder niya," says Batangas governor Vilma Santos-Recto.


May mga nagsasabi na kaya raw pinagbubuti nang husto ni Batangas governor Vilma Santos ang kanyang pagiging public servant ngayon ay dahil may posibilidad na tahakin din niya ang landas patungong Malacañang Palace.

Pero aniya, "’Yong sa politics, hindi ko ito plinano. Maybe it was meant.

"Pero para sabihing ako ay may political ambition na next time ay ganito, wala, e.

"Puwedeng tumakbo, puwedeng hindi. It won’t matter actually.

"Hindi ko kinaiingitan ang Presidente natin!" natawang sabi pa ni Vilma tungkol kay President Noynoy Aquino.

"Ang hirap po ng trabaho. Nakikita n’yo naman, ang Presidente nating si PNoy, naku, sa problema, baka maubos ang buhok!

"Sorry, Mr. President!" tawa niya ulit.

"Magkasama lang kami recently. Sorry po.

"But I understand the responsibility na meron sa shoulder niya.

"Governor lang, ang hirap na ng responsibilidad, e. How much more ang President?

"So, para ambisyunin ko ’yon, teka muna... Parang gusto ko muna yatang mag-travel na kasama ’yong pamilya ko."

Patuloy niya, "Nine years old, nagtatrabaho na ako. So, hindi para pahirapan ko pa ’yong sarili ko, di ba?

"But again, at the end of the day, hindi ako puwedeng magsalita nang patapos because, again, if it’s meant, it’s meant."

BEAUTY SECRET. Bagamat masasabing stressful ang pagiging isang public servant, napapanatili pa rin ng 57-year-old actress-politician ang kanyang kagandahan.

Ano kaya ang sikreto ni Ate Vi na hindi nangangarag ang hitsura niya after all these years?

"Oy, in fairness, kahit isang tusok, wala ’yan, ha!" natawang reaksiyon ni Vilma.

"Sikreto? Wala. Ano lang... In a way, dahil hindi ko siguro inaabuso ang sarili ko.

"Hanggang ngayon, I do exercise.

"Kinakain ko lahat, but with moderation. Kasi lahat ng sobra, masama.

"What else? I am comfortable with my life.

"A... happy ako sa pamilya ko. Andiyan ang asawa at mga anak ko na nagbibigay sa akin ng energy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Itong pagod ko na ito, kung wala sila, papaano ko kakayanin ang lahat ng ito?

"Pero pag-uwi ko, sasabihin lang ng mga anak ko, ng asawa ko, ’We’re so proud of you.’ E, di may energy!

"Parang ginasolinahan na naman ako. So, ’yon.

"And then as a public servant, so far so good.

"And I thank my constituents dahil magpu-fourteen years na ako."

Dagdag pa ni Ate Vi, "Alam mo kasi, ’yong posisyon ko ngayon, hindi ko ito puwedeng ipagpalit, e.

"Kasi para pagkatiwalaan ka, iyon ang hindi nabibili.

"And for fourteen years, pinagkakatiwalaan ako.

"Kaya sa abot ng makakaya ko, kahit na anong hirap, ibinabalik ko lang ’yon. ’Yon na ang pinakabayad ko.

"Kasi konti ang bayad ko rito compared sa show business. Tapos dito kinakaltasan pa! Ha-ha-ha!

"So, hindi biro talaga.

"And then, show business... third priority.

"Kahit papa’no, heto pa rin ako. After so many years.

"So, when you’re comfortable... I’m living comfortably, at least kahit papa’no siguro it will show.

"Kahit kasi anong ganda mo, kapag problemado ka, kahit papa’no lalabas sa mukha mo na problemado ka.

"Kaya ’yon lang ang panalangin ko. Okey na ako rito, Lord. Happy na ako living comfortably."

DEATH THREATS. May death threats pa rin ba siyang natatanggap?

"Huwag na naman. Awa ng Diyos... Huwag naman po.

"Maganda po ang intensiyon ko. Wala akong inaapakan.

"Pero you know, at the end of the day, wala ka namang assurance, e.

"Ang kapit ko na lang, basta every time na aalis ka ng bahay, nagdarasal ako, ’Lord, ikaw na, take over.’

"’Yon na lang, e. Sino ba ang kakapitan mo?

"Sa news, di ba? Mismong sa munisipyo, nagkakaputukan.

"And ito lang..." sabay labas ng isang golden rosary na nasa kanyang bulsa.

"Dala ko ito always. Ito, kung ilang taon ang bunso kong si Ryan, gano’n na rin katagal ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Because anniversary namin ni Ralph nang ibigay niya sa akin ito. And I was pregnant with Ryan."

ANNIVERSARY. Speaking of anniversary, kumusta naman sila ng husband niyang si Senator Ralph Recto?

"Ay, we’re doing very fine," sambit ni Ate Vi.

"Alam mo, magkasama na pala kami nang... bilangin n’yo nga, nakalimutan ko na! Ha-ha-ha!

"We were together for seven years bago kami ikinasal noong 1992...

"Twenty-six years na kami. Oh, my God!"

Do they still celebrate their wedding anniversary?

"We celebrate each other... always!" nangiti niyang sabi.

"Basta hanggang ngayon, hindi natatapos ang araw na wala kaming ’I love you’ sa isa’t isa.

"Hanggang ngayon, kahit magkagalit kami, kailangang humalik kami sa isa’t isa kapag dumating sa bahay, at umalis.

"Kapag hindi kami magkagalit, paghalik niya, talagang ganito...." Sa lips ang ibig niyang tukuyin.

"Pag magkagalit, talagang paghalik niya, ulo ko ang ibinibigay ko!" natatawa niyang kuwento.

Paano naman ang nagiging bonding nila gayong pareho silang busy?

"Kung napapansin ninyo, talagang yearly nagta-travel kami.

"Talagang we see to it na walang taon na hindi kami magta-travel.

"So, iyon ang talagang pinaka-oras namin para sa aming mga sarili.

"In fact, kapag nagta-travel kami, hindi kami kumukonsulta sa mga consul. Kasi, di ba, mga opisyales kami ng gobyerno?

"Kasi gusto naming maging ordinaryo. Na walang hahawak ng oras mo.

"Kami ang magdadala ng maleta namin. Kung anong oras namin gustong gumising. O kung saan namin gustong pumunta.

"Because that’s the only time na normal kami.

"Kasi dito [sa Pilipinas], hindi kami normal, e. Abnormal talaga ang mga buhay namin dito.

"Na bukod sa artista na, nasa politika pa. Hindi ba?

"Anak ko [Luis Manzano], artista pa."

LUIS MANZANO. Speaking of Luis, wala ba siyang problema sa panganay niyang anak?

"Ay, wala," sambit ni Ate Vi.

"Masaya ’yong anak kong ’yon. Wise ’yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Intelihente ’yon. Marunong humawak ng sarili niyang income."

Naipakilala na ba sa kanya ni Luis si Jennylyn Mercado na nali-link ngayon dito?

"Nakilala ko na si Jennylyn.

"Pero pagdating sa lovelife, huwag na nating pakialaman.

"Iintrigahin na naman ako niya, e!" tawa ni Ate Vi.

Dagdag niya, "Pagdating sa lovelife, siya [Luis] ang masusunod. Hindi ako.

"Ang anak ko, basta’t nakita ko lang happy, happy na rin ako.

"Ano na... mature na ang anak ko. Trenta na ’yon, ’no?

"So, may sarili na ’yong isip.

"Para namang nakakahiya kung ako pa ang magdidikta sa kanya, di ba?"

Ano ang impression niya kay Jennylyn?

"She’s very nice, e. Parang ano siya... masayahin. Palabiro din.

"Kaya siguro sila kahit papa’no medyo nagkakasundo ni Lucky.

"Masayahin, din. Palabiro. And she’s very pretty."

Si Luis, sa palagay niya ba ay nagbabalak nang mag-asawa?

"Ako, sa pagkakakilala ko sa anak ko, kapag nagdesisyon ’yon, ako ang unang makakaalam. Palagay ko lang, ha!

"Ako ang unang makakaalam kapag nagdesisyong gusto nang mag-asawa ng anak ko."

RYAN CHRISTIAN. How about Ryan Christian? Papasukin din ba nito ang pulitika o showbiz balang-araw?

"Si Ryan, he is a very warm person. Palagay ko interesado rin siya sa pagka-artista," sabi ni Ate Vi.

May girlfriend na ba si Ryan?

"Ewan ko kung girlfriend. Pero meron na siyang dinadala sa bahay!" tawa niya.

"E, alangan namang, ’Sino ’yan?’

"Basta, ’Sige, anak, entertain her. O, you want anything to eat?’ Gano’n lang."

Handa na ba siyang magka-manugang?

"O, e, kung talagang do’n na pupunta, bakit naman hindi?

"She [sino mang magiging manugang niya] will definitely be a part of our family."

Magka-apo?

"Oo naman. Basta tawagin lang ako ng Momsie, okey na.

"Huwag lang Lola!" tawa ng Batangas Governor at Star for All Seasons.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN