Sarah Geronimo on neverending rivalry issue with Angeline Quinto: "I’m really hoping na sana matapos na yung pang-iintriga sa amin."

"Kumbaga, yung issues, neverending ’yan when you’re in show business. Tanggap ko na po yun. Wala na po talaga sa akin yung mga intriga," says Sarah Geronimo about her so-called rivalry with Angeline Quinto.


Unti-unting nakakapukaw ng atensiyon ng marami ang rising new singer ng ABS-CBN na si Angeline Quinto.

Sa kakatapos nga na concert ni Angeline sa Skydome, nagsalita ang Asia’s Songbird si Regine Velasquez na ito na raw ang magiging "next superstar."

Siyempre pa, hindi maaaring hindi kuhanan ng reaksiyon dito ang Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Pero aniya, "Wala naman po akong comment doon. Siyempre, yun po ay galing kay Ms. Regine Velasquez, di ba?

"Irespeto po natin yung opinion niya. Wala namang problema sa akin."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Sarah sa presscon nila ni Gerald Anderson para sa Globe Prepaid kaninang tanghali, August 11, sa 14th floor ng ELJ Bldg. ng ABS-CBN.

Mas marami ang naniniwalang kung may susunod man sa yapak ni Nora Aunor bilang Superstar, yun ay si Sarah dahil sa achievements nito sa pelikula, recording, at concerts.

Isa pa, masyado pa raw maagang bigyan ng gano’ng pagkilala si Angeline na nagsisimula pa lang gumawa ng pangalan sa industry.

Ayon naman kay Sarah, "Wala akong... hindi ko naman po iniisip na mas kailangan, mas deserved ko yung title na I’ll be the next superstar.

"Kasi nga, isa lang ang Superstar. Saka ang gauge ay yung achievements ni Ms. Nora Aunor.

"Wala talaga sa kalingkingan yung dami ng supporters niya, yung achievements niya, yung galing niya.

"So, hindi naman po kaso yun sa akin," saad niya.

Ibig sabihin, wala pang puwedeng pumalit sa trono ni Nora bilang Superstar?

"Sa opinion ko po... Wala naman po akong sinasabi or hindi ko naman po kinu-contradict kung anuman yung compliment sa kanya ni Ms. Regine Velasquez. Wala po akong comment doon.

"Siyempre, nirerespeto po natin yun," paglilinaw niya.

"RIVALRY" WITH ANGELINE. Ikinagulat naman ni Sarah ang bagong isyu na diumano’y marami ang nakakapunang mas nabibigyan ng maraming exposure ngayon si Angeline sa ASAP Rocks kumpara sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, bagong isyu na naman ’yan!" natatawang sabi ni Sarah bago nagbigay ng kanyang opinyon.

"Yun naman po talaga ang kailangan. The newest artist of ABS-CBN. Siya ang product ng Star Power.

"Saka, ang galing-galing no’ng taong yun! Ang galing-galing niyang kumanta, napaka-effortless.

"Beginner pa lang po siya, I mean, na-uumpisa pa lang siya sa business na ito, pero kung paano niya i-handle ang lahat ng mga projects na ibinigay sa kanya... nagagawa niya nang maayos with grace.

"I’m happy for her. Nakikita ko yung sarili ko sa kanya," nakangiti niyang pahayag.

Hindi ba siya affected na ang dami-daming ibinibigay na projects ng Kapamilya network kay Angeline? Gaya ng kay Angeline na ipinapakanta ang theme songs ng mga teleserye ng ABS-CBN?

"No, hindi po," sagot ni Sarah.

"Kasi po, ano naman po yun... Understood naman po yun na siya ay talent ng ABS-CBN.

"Kumbaga, dumaan naman po ako doon sa pagpu-push ng ABS-CBN.

"Nakikita naman po ninyo sa ASAP kung gaano sila magbigay ng importansiya sa akin, sa bawat isa sa amin.

"Wala pong kaso. Hindi ko po binibilang. ’O, bakit siya ang dami niyang ganito? Bakit nasa kanya yung ganito?’

"I’m really hoping na sana matapos na yung pang-iintriga sa amin.

"Napagdaanan na po namin ’yan nina Rachelle [Ann Go], nina Yeng [Constantino]... Sana huwag na nating anuhin.

"Pero hindi natin maku-kontrol ang mind ng mga tao."

Maaapektuhan ba siya kung sakaling painitin ang rivalry nila ni Angeline?

"Kumbaga, yung issues, neverending ’yan when you’re in show business. Tanggap ko na po yun.

"Wala na po talaga sa akin yung mga intriga," pahayag ni Sarah.

Napi-feel ba niyang nagagamit siya ng kampo ni Angeline para makilala ito?

"Hindi... hindi. Kasi bahagi ’yan ng showbiz world," sagot ni Sarah.

"Kami lang ni Gerald, kung i-push ninyo kami, di ba? Alam ko na ’yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumasama ba ang loob niya kapag makakarinig siya ng comments na mas magaling kumanta kaysa sa kanya si Angeline?

"Siguro kung noon... mas magiging affected ako kasi bago ako sa business kumbaga.

"Yung mga intriga talaga, mao-overwhelm ako at darating ako sa point na, ’Hay! Tama na po!’

"Pero may realization din tayo na hindi kailangang ipilit ang isang bagay.

"Kasi noon kami ni Ate Rachelle, lagi kaming pinagsu-showdown. Kung birit siya, kailangang birit din ako.

"Ngayon, masasabi ko nang ako po ay hindi para dito, eto lang po ang kaya ko.

"May kanya-kanya po tayong galing.

"So, wala naman dahilan para i-compare ang bawat isa."

Puwede bang sabihin na wala na siyang dapat patunayan dahil sa achievements niya?

"Gusto ko pong patunayan na deserve ko po yung tiwala sa akin ng tao," maikling tugon niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN