Sarah Geronimo says starring in a movie with Nora Aunor would be a "dream come true"

"Siguro po kung may darating na para sa akin na ganyang kalaking opportunity, magpapasalamat po ako. Kung may darating, darating po ’yan. Naniniwala naman ako kung ano ang para sa akin, darating po yun," says Sarah Geronimo about the possibility of co-starring with Superstar Nora Aunor in a film.


Maraming mga isyu ang sinagot ang Pop Princess na si Sarah Geronimo sa muli niyang pagharap sa press.

Naganap ito sa press launch nila ni Gerald Anderson bilang endorsers ng Globe Prepaid na ginanap kaninang tanghali, August 11, sa 14th floor ng ELJ Building sa loob ng ABS-CBN compound.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinalita ni Sarah na tuloy na tuloy na ang follow-up movie nila ni Gerald sa Star Cinema.

Pero wala pa lang siyang maibigay na detalye dahil kasalukuyan pa raw pinaplantsa ang movie project.

Nailang lang si Sarah sa mga tanong na humahantong sa posibilidad ng pagkakaroon nila ng romantic understanding nila ni Gerald, lalo’t magiging madalas ang pagsasama nila para sa promo ng Globe Prepaid at sa gagawin nilang movie.

Pakiusap ni Sarah na huwag sana silang pilitin ni Gerald. Maganda raw ang samahan at pagkakaibigan nila ngayon.

Hindi nasagot nang diretso ni Sarah kung madalas ba siyang kumustahin ni Gerald sa text noong nasa U.S. siya. Ang rason pala ay hindi pa alam ng young actor ang kanyang mobile number.

Nangako naman si Sarah na ibibigay niya ang number niya kapag hiningi ito ni Gerald.

NORA AUNOR. Nagpakita rin ng excitement si Sarah sa nalamang balita na may posibilidad na gumawa sila ng movie ng Superstar na si Nora Aunor na ipu-produce ng Viva Films.

"Siyempre, dream come true po yun if ever na matuloy talaga na makatrabaho ang Superstar na si Ms. Nora Aunor.

"Hopeful po ako na matuloy yun," saad niya.

Nabanggit ni Sarah na nagkita sila ni Nora sa L.A. nang ipakilala siya rito ng asawa ng immigrant attorney na si Michael Garfinkel.

Hindi na dinetalye ni Sarah kung paano at kailan sila nagkakilala ni La Aunor.

Pero kuwento niya, "Noong una ko siyang nakita, na-starstruck talaga ako. Bati ko sa kanya, ’Hello po.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nabigyan ako ng chance na makapagpa-picture sa kanya.

"Tinanong ko rin siya kung kilala ba niya ako. Sabi niya, ’Oo naman.’"

Alam ni Sarah ang ilan sa mga nagawa ni Nora sa showbiz industry.

"Si Ms. Nora, ibang klase talaga," sambit niya.

"Sa mga naririnig kong kuwento, buong Pilipinas tumitigil kapag may pelikula siya or kapag may premiere night siya.

"Gano’n pala siya, napakalayo niya. Saka nag-iisa talaga siya."

Nangangarap din si Sarah na gaya ni Nora ay magkaroon siya ng solo musical variety show, lalo’t kumakanta at sumasayaw rin siya.

"Siguro po kung may darating na para sa akin na ganyang kalaking opportunity, magpapasalamat po ako.

"Kung may darating, darating po ’yan.

"Naniniwala naman ako kung ano ang para sa akin, darating po yun," saad niya.

TRANSFER RUMOR. Tungkol naman sa walang kamatayang isyu ng paglipat daw niya sa TV5, itinanggi itong muli ni Sarah.

"Yearly po akong nagsa-sign ng contract sa ABS-CBN.

"So, katulad po ng isyu sa amin ni Angeline [Quinto], eto, isyu rin ito," sabi ng Pop Princess, na ang tinutukoy ay ang paglipat niya sa Kapatid network.

"Buti yung isa tapos na. Unti-unti natatapos.

"Hindi po talaga totoo. Hindi po ako lilipat... ayoko..."

Isa raw basehan sa posibilidad ng paglipat ng istasyon ni Sarah ay ang pagkakaroon ng malaking bahagi ng Viva Productions sa shows ng TV5.

Si Vic del Rosario na manager ni Sarah ang siyang head ng Viva Productions.

"Yun naman po ay napag-uusapan," sabi ng singer-actress.

"Siyempre, manager po natin yun. Yung respeto, kailangan ma-maintain po natin.

"Mapag-uusapan natin. Kung ako po, gusto ko pong mag-stay sa ABS-CBN...

"Alam n’yo po, nakausap ng mommy ko [Divine Geronimo] si Boss Vic, hindi naman po. Hindi raw ako lilipat.

"Saka grabe po talaga ang naitulong sa akin ang ABS-CBN. Sila po ang nagbigay ng big break sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN