Kathryn Bernardo says working on two projects at the same time requires versatility and focus

Very busy ngayon ang Kapamilya teen star na si Kathryn Bernardo sa dalawa niyang projects—Way Back Home at Growing Up. Masaya naman daw siya sa blessings na dumarating sa kanya.


Matapos mamayagpag sa ere ang remake ng teleseryeng Mara Clara, very busy na ngayon ang isa sa lead stars nito na si Kathryn Bernardo sa bago niyang projects.

"Movie and teen show, iyon po yung pinagkakaabalahan ko ngayon," saad ng teen star nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakalipas na Star Magic Games noong July 31 sa Makati.

"Malapit nang matapos yung movie. Then, yung teen show, nakaka-taping na kami ng ilang episodes din," dagdag pa niya.

Sa darating na August 17 ay ipalalabas na ang first movie nila ng dating Mara Clara co-star na si Julia Montes, Way Back Home under Star Cinema.

Kasalukuyan ding in the works ang teen series Growing Up, na kinatatampukan din ni Kathryn at Julia at iba pang teen stars ng ABS-CBN.

Ayon sa 15-year-old actress, naninibago siya sa kanyang hectic schedule at sa pagpapalit ng karakter sa tuwing lilipat siya ng set.

"Medyo mahirap kasi siyempre hindi naman pare-pareho yung acting mo sa dalawang show.

"Kailangan iba yung atake mo diyan, iba dito. Pero nag-enjoy naman ako, e," nakangiting paglalahad ni Kathryn.

Ano ba ang kaibahan ng dalawang roles niya sa pelikula at telebisyon?

"First yung sa Growing Up, kasi sobrang iba siya sa Mara Clara pati sa movie.

"Kasi medyo boyish na ibang Kathryn ang makikita nila. Makikita nila yung malapit sa totoong Kathryn na medyo siga, yung gano’n. So, na-enjoy ko talaga.

"And then sa movie, umiikot pa rin yung story niya sa family.

"More on parang malapit kay Mara yung [character ko] sa movie na ’to, pero ibang atake yung ginawa ko," kuwento ng dalaga.

Paano niya naman pinaghahandaan ang bawat eksena?

"Before the take, parati kami munang mino-motivate ni Direk Jerry [Sineneng, direktor ng Way Back Home] pati si Direk Lino [Cayetano] sa Growing Up naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, ayun, nagpo-focus muna na pag sa shooting talaga, focused kami ni Julia.

"Kasi iba yung film, e. Kaya sobrang focus yung ginagawa namin for this movie."

Kumusta naman ang working relationship niya with her new co-stars sa dalawang proyekto?

"Okay naman kasi dito sa Growing Up, si DJ [palayaw ni Daniel Padilla na bago niyang makakatambal sa serye], bago kong loveteam, naging close kami.

"Akala ko dati hindi kami magiging close, tapos ngayon sobrang close na kami. Parang tropa-tropa kami," kuwento ni Kathryn tungkol sa bago niyang katambal.

"Then, yung mga kasama namin sa Growing Up from Mara Clara din, so bonded na kami talaga," dagdag pa niya.

"Then yung sa movie naman, naka-work ko na before si Sam [Concepcion] and si Enrique [Gil] sa Shoutout kaya medyo okay na rin naman kami.

"Nagpa-plan nga kami parati para makapag-bonding, pero hindi matuluy-tuloy," ani Kathryn.

Anong klaseng pagba-bonding ba ang pinaplano nila nina Julia, Sam, at Enrique?

"As in lalabas lang para makapag-bond lang. Kaso hindi matuloy, so, sa set na lang pag break time. Do’n na lang kami."

Ano naman ang mga pinagkukuwentuhan nila off-cam?

"Random. Lalo na pag nagsama si Enrique at si Sam, yung mga sayaw-sayaw nila. Ayun, ang lakas ng trip nila.

"Sila yung tagapagpatawa, kami yung audience nila ni Julia.

"Natatawa na lang kami kasi pag nagsama sila, hyper sobra!" natatawang kuwento ni Kathryn na tila adjusted na sa mga bago niyang katrabaho.

Supposedly ay sina Albie Casiño at AJ Perez ang gaganap sa roles nina Sam at Enrique sa pelikula.

Subalit sa di-inaasahang trahedya ay pumanaw si AJ sa isang vehicular accident noong Abril 17. (CLICK HERE to read related story.)

Nitong Hulyo naman ay naglabas ng anunsyo ang pamunuan ng Star Cinema na si Enrique na ang gaganap sa role ni Albie. (CLICK HERE to read related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nga ba tinanggap ni Kathryn ang mga pagbabago sa casting ng Way Back Home?

"First siyempre nung nalaman ko, siyempre malungkot kasi sayang.

"Pero ngayon naman, may kanya-kanyang na-assign sa amin na projects.

"Tapos, magaan katrabaho yung dalawa [Enrique at Sam], so okay din naman kasi yung mga tao, para iba yung makita naman nila sa movie.

"Ibang-iba yung sa loveteam namin [ni Albie]. Something new talaga."

Ano naman ang mensahe ni Kathryn sa mga fans ng tambalan nila ni Albie na nabuo noong ginampanan nila ang papel nina Mara at Christian sa Mara Clara?

"Siyempre, sana kahit iba na yung ka-loveteam ko, suportahan pa rin nila ako.

"Kahit maghiwalay kami ni Albie, kahit naman off-cam nandiyan pa rin naman yung friendship...

"Sana ’wag naman nila kaming hindi na suportahan dahil lang hindi na kami magka-loveteam."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN