Leandro Muñoz believes Nadine Samonte could be an admirable girlfriend

Leandro Muñoz on the possibility of falling for Nadine Samonte: "Nasa kanya na kasi ang lahat ng traits para sa isang mabuting girlfriend. Kita ninyo napakalaki ng puso niya."


Sa Amerika nagtrabaho at doon na namalagi sa piling ng kanyang anak na babae mula sa isang non-showbiz girl ang comebacking actor na si Leandro Muñoz nang mawala siya sa showbiz.

Ngayon ay nasa bansa na ulit si Leandro at napapanood siya sa The Sisters ng TV5, katambal si Nadine Samonte.

Ano ang nagtulak kay Leandro para maisipan niyang muling bumalik sa bansa at balikan na rin ang showbiz?

"Yung proyekto [The Sisters] at yung mga kasama ko sa show. Kasi bago rin, e. Channel 5. Alam ninyo yun, gusto kong sumabay sa paglaki ng Channel 5," sabi ni Leadnro

THE OFFER. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Leandro kahapon, August 10, sa taping ng The Sisters na ginawa sa Cowboy Grill, Quezon Avenue.

Sa ABS-CBN nagsimula si Leandro. Wala bang offer sa kanya ang Kapamilya network kaya tinanggap niya ang offer ng TV5?

"Actually, may mga pahaging, pero walang official na offer, e," sagot ni Leandro

Gaano ba kalaki ang offer sa kanya ng Kapatid network kaya umuwi siya ng bansa?

"Sobrang laki!" natatawang sagot niya

"Good enough para ma-cover yung whatever lost na mangyayari sa akin habang wala ako doon [sa America]."

So, malaki ang talent fee niya sa TV5?

"Basta okay, happy ako."

Ano ba yung naging trabaho niya sa Amerika?

"Kasi may degree ako ng Business Management, so nag-accounting ako doon. Tapos nag-forklift driver.

"Nag-sales ng kotse. A, nag-marketing ng ambulance.

"Tapos ngayon, marketing director ako ng isang ambulance company doon."

WHY HE LEFT. Nasa peak pa ng kanyang career si Leandro nang maisipan niyang iwan ang showbiz at magpunta na nga lang sa America.

Ano ba talaga ang tunay na dahilan at nag-decide siyang iwan ang showbiz?

"Well, siyempre, tungkol sa ano [pag-alis ko]. Siyempre, yung time na yun na nasa peak ako ng career ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko kasi na umalis ako na maalala ng mga tao na laos na ako. Mas maganda pa rin na umalis ako na nasa itaas ako.

"Tapos sa personal reason ko naman, mayroon akong anak, di ba?

"Gusto ko doon ko siya i-raise sa America, na maipagmamalaki ko na hindi maaapektuhan ang trabaho [pag-aartista] ko.

"Kasi dito, di ba, dati matinee idol ako? Gusto ng management [ng ABS-CBN] na itago ko.

"So, namili ako, it’s either kasiyahan ng anak ko, o career ko.

"Mas importante para akin ang anak ko kesa sa kahit anong pera, di ba?"

Hanggang kelan ba siya mananatili sa Pinas?

"Naka-set ako hanggang September 6. Pero titingnan ko pa kung ano yung talagang plano sa akin ng Channel 5.

"Kung ano, if it’s gonna [be] worth it."

MEETING NADINE. First time ni Leandro na makasama si Nadine. Kumusta namang katrabaho ang aktres?

"Okey naman. Very inspired ako na magtrabaho because of her," sagot niya.

Aminado si Leandro na noong una ay may ilangan factor pa sa kanila ni Nadine. Ngayon nga lang kasi sila nagkakilala at nagkasama sa isang trabaho.

"At this point, wala na kaming ilangan. Pero yung mga first few weeks ng taping, actually first few days ng taping, medyo ano pa [nagkakailangan].

"Siyempre, getting to know each other dahil first time ko siyang nakilala at nakatrabaho."

Loveless ngayon si Leandro. Si Nadine naman ay balitang hiwalay na sa non-showbiz boyfriend niyang si Emerson Chua. Posible bang ma-develop siya kay Nadine?

"Bakit ang hindi?" pag-amin ni Leandro.

"Nasa kanya na kasi ang lahat ng traits para sa isang mabuting girlfriend. Kita ninyo, napakalaki ng puso niya.

"Makikita ninyo kung paano niya alagaan ang family niya. Mabuting anak. Mabuting kapatid. Mabuting kaibigan and mabuting katrabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN