Aljur Abrenica clarifies encounter with an Indian national at Eastwood

"Simula nang pumasok ako sa showbiz, maraming insidente talagang nangyari sa amin. Ito lang talaga ang maraming nakakita, pero hindi talaga ako nakipag-away, e," says Aljur Abrenica about his encounter with an Indian national last Sunday.


Nilinaw ni Aljur Abrenica ang insidenteng muntik na siyang napaaway sa Eastwood sa may Libis, Quezon City noong nakaraang Linggo, August 7.

Ayon sa young actor, kasama niya ang dalawa niyang kaibigan na nanood ng sine sa Eastwood.

Pagkatapos daw ng sine at lalabas na sana sila ng sinehan, napansin daw nito na masama ang tingin sa kanya ng isang Indian national na turista pala rito.

Dagdag na kuwento ni Aljur sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Sinabi niya sa akin, ’What’s your problem?’ Ginanun niya ako.

"Sabi ko, ’There’s no problem, everything’s cool,’ sabi ko.

"Paulit-ulit niyang sinasabi ’anong problema.’ Sabi ko, ’walang problema.’

"Hanggang sinabi niya, ’Why are you staring at my eyes?’

"Siyempre kausap ko ang tao, e. Turo sa akin ng daddy ko, kapag kausap mo ang isang tao, tingnan mo sa mata, bilang respeto.

"Para sa kanya siguro na-offend siya, e. E, siya nga ang masama ang tingin sa akin."

Marami na raw na mga taong nakatingin sa kanila kaya pinagsabihan daw siya ng mga kaibigan niya na huwag nang patulan.

Sabi ni Aljur, "Malakas ang boses, habang nangyayari yung insidente naririnig ng mga tao, malakas ang boses, e.

"Ang daming nakatingin sa amin, hanggang sa hinawakan niya ako sa balikat, tinanong ako anong problema.

"Siyempre bilang isang lalaki, hindi naman puwede sa atin iyan.

"Hindi talaga ako nakikipag-away, pinigilan din ako ng mga kasama ko na huwag ko nang patulan."

Patuloy ni Aljur, "Hindi ko na lang siya pinatulan. Tumingin na lang ako sa baba bilang sign na hindi ako lalaban.

"Hanggang yung kasama niya, pinipigilan siya. Inawat siya ng kasama niya at dalawang Pilipinang kasama niya."

Paalis na raw sana ang mga taong yun, pinigilan daw ito ng dalawang kaibigan ni Aljur.

Nagreklamo raw sila sa guard, kaya na-hold ang mga taong yun at pinagharap daw sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pang kuwento ni Aljur, "Nung nagkita-kita kami, hindi ako nagsalita.

"Ang nagsalita yung isang kaibigan ko, si Mark Gonzales, tinatanong siya ’Anong ginawa nung kaibigan namin?’

"Ang sabi, masama raw ang tingin ko sa kanya. Hanggang sa nag-sorry siya sa aming tatlo.

"So, naayos naman lahat.

"Hindi kami nakikipag-away, e. Dinaan namin sa mas magandang paraan.

"Tinawag namin ang guard para mag-usap kami para malaman kung ano ba talaga ang problema.

"Hanggang sa siya [Indian national] na talaga ang nagsabi na misunderstanding lang. Sa kultura daw nila ganito, ganyan.

"Okay na yung sorry niya, hinayaan na namin, ayos na yun."

Magmula daw nang pumasok si Aljur sa showbiz, madalas daw siyang nasasangkot sa gulo, pero never daw talaga siya pumapatol.

"Simula nang pumasok ako sa showbiz, maraming insidente talagang nangyari sa amin.

"Ito lang talaga ang maraming nakakita, pero hindi talaga ako nakipag-away, e," sabi ng Kapuso hunk.

KYLIE PADILLA. Samantala, marami naman ang nagulat sa pag-iyak ni Kylie Padilla sa Startalk noong Sabado, August 6, nang napag-usapan si Aljur. (CLICK HERE to read related story.)

Hindi raw napanood ng young actor ang interbyung yun, kaya tinanong niya si Kylie kung bakit.

"Nung nakausap ko siya, yung pag-iyak niya, tears of joy daw yun," sabi ni Aljur.

"Talagang nakakataba ng puso on my part kasi hindi ko akalaing maging ganun ako sa parte ng buhay ni Kylie."

Hindi lang idinetalye ni Aljur ang buong kuwento, pero mukhang may pinagdadaanan si Kylie kaya emotional ito sa interview sa kanya sa Startalk, lalo na nang dumako na sa kanya ang usapan.

"Ang sabi ko kay Kylie, ’Marami kaming nagmamahal sa ’yo at marami kaming mga kaibigan mo na nandito na handang maging karamay mo.’

"Ang sinabi ko lang sa kanya, ’Hindi ako mawawala. Lagi akong nandiyan para sa ’yo at walang problemang hindi nalulutas,’" saad ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN