Dingdong Dantes confirms Rhian Ramos as leading lady in his next teleserye; reveals secret of successful relationship with Marian Rivera

"Minsan may panahon, wala rin siyang pasensiya sa akin kasi hindi rin naman ako perpekto. Minsan, makulit din ako," says Dingdong Dantes about girlfriend Marian Rivera.


Mismong si Dingdong Dantes ang nagkumpirma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Rhian Ramos muli ang makakatambal niya sa susunod niyang primetime series sa GMA-7.

"Yes, I am confirming it now. My next teleserye for primetime in GMA this year would be with Rhian Ramos," deklara ng aktor.

Nakausap ng PEP si Dingdong sa prictorial ng lahat ng talents ng PPL Entertainment, Inc. sa Hacienda Isabella, Indang, Cavite noong August 6.

Bago ito ay napabalitang si Heart Evangelista ang magiging kapareha ni Dingdong sa next project niya. Pero hindi na nga ito tuloy.

May mga haka-haka na ang alitan ni Heart at ng girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera ang dahilan ng hindi pagkakatuloy ng pagtatambal nina Dingdong at Heart.

Bukod pa rito ang mariing pagtutol ng fans ng aktor at ng loveteam nila ni Marian—o ang DongYanatics.

At ang ending nga ay si Rhian na ang kapareha ni Dingdong, samantalang si Heart naman ay itatambal kay Geoff Eigenmann sa isang hiwalay na proyekto.

Pero nilinaw ni Dingdong na ang management pa rin ng Kapuso network ang nagdesisyon sa huli kung sino ang makakapareha niya sa kanyang susunod na primetime series.

Saad ni Dingdong, "The basis of the network, of course, they saw how successful the tandem was during Stairway to Heaven.

"Of course, in the same light, with the story that is given, we are tasked to deliver as expected."

Unang nagkatambal sina Dingdong at Rhian sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na Stairway to Heaven.

May idea na ba si Dingdong kung ano ang magiging takbo ng istorya ng teleserye nila ni Rhian?

"Yes, pero ayoko munang sabihin," sabi niya.

"I could say na isang bagay rin ito na hindi ko pa nagagawa at bihira rin siyang makita sa telebisyon.

"Marami na rin naipakita, pero yun ang challenge, kung paano mo maipapakita nang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s a challenge for everyone—creative, writer...

"And, of course, sa akin, magkaroon ng definition at ma-differentiate itong klase ng project na ito sa ibang mga nakita nila.

"Maaaring hindi rito, sa India, sa Korea, or saan man. Basta ang importante, mai-present namin nang maayos."

Ano ang masasabi niya sa hindi na pagkakatuloy ng project niya with Heart?

"Ako, ang trust ko sa network, e, nandoon," sabi niya.

"Sa lahat ng mga desisyon nila, sa lahat ng ibinibigay nila sa akin, alam ko, kung napag-isipan ko ng isang beses, e, times ten ang pag-iisip na ginagawa nila.

"At hindi lang isang tao ang nag-iisip noon, kundi maraming ulong nag-iisip noon.

"And I really put my full trust with them.

"And that’s the reason why I signed up with GMA. Part of my life is with them at ganoon na lang ang tiwala ko.

"And, of course, bago pa nila ilatag yun, e, alam nila kahit paano what’s best for me."

SELOSAN ISSUE. Sa hiwalay na interview, may sinabi si Marian tungkol sa hindi mamatay-matay na isyu na sobra raw siyang selosa: "Ang importante, akin si Dingdong, tapos!" (CLICK HERE to read related story.)

Natawa naman si Dingdong nang hingan namin ng reaction tungkol sa deklarasyon ng kanyang girlfriend.

"Hindi naman niya kailangang sabihin, alam na ng tao yun.

"Kung vocal siya sa ganoon, e, ganoon siya. Kanya-kanyang pagkatao.

"Although, of course, I am not surprised because alam ko naman.

"Nagkataon na yun ang nasabi niya. That how she feels at yun siya."

Madalas na sinasabing sa kanilang dalawa, si Marian daw ang nagseselos o selosa. Pero ayon naman kay Marian, maging si Dingdong ay nagseselos din.

Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

"Kung oo man, hindi na lang namin pinag-uusapan," sabi niya.

"At alam ko naman na objective naman ako basta sa madalas na bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hangga’t maaari, hindi ko na pinapasok yun dahil kung alam ko naman na makakasira sa amin, or kung anuman ang ginagawa namin...

"At kung alam ko na yun lang ang aking dahilan at walang basehan, para sa akin, huwag na lang."

Simula pa lang ng relasyon nina Dingdong at Marian ay napakarami nang naibatong intriga at isyu sa kanila. Pero tila mas lalo pa silang nagiging matibay sa kabila ng mga ito.

Ano nga ba ang epekto sa kanila ng mga isyu at intrigang ito?

"Well, of course, only if we are able to rise up on the dilemma and challenges which, of course, nagagawa naman namin together.

"At yun naman ang mahalaga, because kapag hindi mo na nagagawa yun, hindi na kayo nakakapagtulungan, wala nang nangyayari sa inyo, so what’s the point?

"Pero right now, okay na okay ang aming tulungan. Ang pagbibigay ng advice sa isa’t isa.

"And I believe, we’re getting stronger as the days go by."

Ano ba ang sikreto ng relationship nilang dalawa ni Marian?

"Trust and patience," ang mabilis na sagot ni Dingdong.

Dugtong pa niya, "Trust, patience, of course, aside from love.

"Pareho naman sa aming dalawa yung trust and patience.

"Siyempre, minsan may panahon, wala rin siyang pasensiya sa akin kasi hindi rin naman ako perpekto.

"Minsan, makulit din ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN