Dulce on new batch of popular singers: "Siguro kapag hindi na sila masyado sikat, made-develop nila ang sarili nila."

"Feeling ko lang talaga, nandito sa Pilipinas ang aking calling o mission sa buhay, wala sa abroad. Mas gusto ko naman ito dahil nandito ang ating mga kababayan. May mga pangyayari noon, may mga opportunities naman to go abroad, pero hindi natutuloy. So, siguro nga, para dito talaga ako sa mahal nating bayan," says Dulce.


Noong July 22, 2011 ay "Golden Girl" na ang world-class singer and "original diva" na si Dulce.

At very fitting lang na magkaroon siya ng isang espesyal na 50th birthday solo concert titled La Dulce Diva sa August 27, 2011 sa Music Museum, Greenhills, San Juan.

Ito ang pahayag ng concert producer na si Ms. Jo Arboleda nang humarap sila sa entertainment press sa Wheatberry Restaurant sa Scout Tuazon St., Quezon City, kasama si Dulce at ang musical director ng concert na si Mel Villena.

Directed by Kokoy Jimenez, special guests sa La Dulce Diva concert niyang ito sina Ms. Pilita Corrales at Jed Madela.

STAYING POWER. Through the years, ano kaya ang masasabi ni Dulce na "secret" niya or staying power kaya siya nakatagal sa local music industry?

"Unang-una naman talaga, ang gift sa atin ng Panginoon ay ang boses, e," simula ni Dulce sa open forum ng presscon, kunsaan nandoon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Gusto ko lang talaga kumanta. Yung pag-awit kasi sa akin ay communication. You communicate to people.

"’Yung pagkanta ko, ayokong nasasayang ang oras sa audience ko, na wala akong naibahagi sa inyo na na-touch kayo o nakagaang ng loob or naka-inspire o nakaka-encourage sa inyo."

Bakit sina Ms. Pilita at Jed ang kanyang naging guests sa concert na ito kunsaan bibirit siya ng mga kantang may "tatak-Dulce," ’ika nga?

"Importante kasi yung guests na merong connect sa puso mo. Hindi yung basta nilagay mo lang.

"Siyempre, oo, for purposes of sponsorship or marketing, siyempre kailangan natin yun.

"Pero mas mahalaga yung ano ba yung relasyon nila sa buhay mo?

"Si Pilita kasi, ever since, siya na ang idolo mo, e, yung talagang lumalaki ka, siyempre siya ang naririnig mo.

"Plus the fact na siyempre, she’s also a Cebuana.

"So, noong nagsisimula ako, medyo may influence sa akin yung style ni Pilita. And later on naman, natutunan kong i-develop ang sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahal ako niyan, e. Talagang very supportive sa akin.

"May mga panahon na... Lalo na sa Español, tinuturuan ako niyan. Maganda ang influence sa akin niyan.

"Si Jed Madela naman, ever since magsimula ang batang ’yan, maski noong hindi pa siya nananalo sa WCOPA [World Championship of Performing Arts], nakitaan ko na talaga siya ng potential.

"Humanga na talaga ako sa kanya. Napakabait niya."

Papaano niya rin napapangalagaan ang boses niyang hanggang ngayon ay kayang-kaya pa ring bumirit, kahit 50 years old na siya?

"Oo nga, nandiyan pa naman siya, hindi siya nawawala.

"Unang-una, nagpapasalamat ako sa Panginoong Diyos dahil hindi naman natin ’yan binili.

"Hindi natin inaral. Hindi ko siya nakuha kung saan lang.

"Binigay ng Diyos. This is a gift. Na dapat, pangalagaan.

"At nagpapasalamat ako dahil through the years, through the times in our lives, e, nandiyan ito [boses niya] at nagagamit pa rin.

"Ang discipline ko, well, may mga sakripisyo ’yan.

"Ang unang napapansin nila, kapag nagso-show ako, hindi ako umiinom ng kahit na ano, kahit tubig. Kahit three hours akong kumakanta.

"Sabi, scientifically, wala naman daw koneksiyon yun sa medical, e. Pero gusto ko sanang baguhin yun.

"I tried once na, sige, iinom ako ng tubig habang kumakanta. Pero parang nagsisi ako nung nangyari yun.

"May iba kasi akong nararamdaman sa lalamunan ko.

"Sakripisyo yun, na maghihintay ako ng isang oras para magpahinga before performing...

"At pag sa show na, kahit uhaw ka na, tinitiis mo yun.

"Saka iwas sa pollution, sigarilyo, at puyat.

"Mapuyat ka man, kailangang bumawi ka.

"Lahat ng mga kilala kong naninigarilyo, bumababa ang boses nila."

NEW BATCH OF SINGERS. Sa mga baguhang singers, sino-sino ang nagagalingan siya?

"Marami sila," sagot ng multi-awarded singer.

"Kaya lang, ang pansin ko lang, parang pare-pareho na ang tunog nila, e. Pare-pareho ang style nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi ko masisisi ang mga batang ito, kasi everything came so easily to them.

"Yun bang, it’s all available. Minus one, lahat ’yan, available diyan.

"Minsan, nagiging dependent ka sa kung ano ang naririnig mo.

"So, kung yun ang naririnig ko, yun ang naa-acquire mo, yun ang nagiging tunog mo.

"Ang difference kasi noong panahon namin, like partikular sa akin [noong nagsisimula siya sa Cebu], wala kasing mga gamit masyado noon.

"Wala kaming radyo, wala kaming radio phono or turntable, walang mga ganoon.

"Kumbaga, kung ano yung meron ako, yun lang ’yon.

"So, noon, naririnig mo yung mga amateur singing contestants, kasi noon, may trompa na tinatawag, yung parang bell sa puno ng niyog.

"So, kapag may singing contest sa kabilang ibayo, yun ang pinakikinggan ko!

"So, kadalasan, mali-mali ang letra. Kung ano ang narinig kong letra nila, yun din ang kinakanta ko.

"Hanggang sa unti-unti na lang, may mga concerned friends na, ayun, kumakanta na ako sa lounges, sa clubs...

"Twelve years old ako nung nag-start ako.

"I appreciate that. I remember every person na nagtuturo sa akin na, ’Dapat ganito, ito ang tamang letra diyan...’

"Doon ako nagsimula."

Sino sa palagay niya ang younger singer na puwedeng sumunod sa yapak ng isang Dulce?

"Mahirap piliin, e," sabi niya.

"Basta ang mahalaga, kung papangalagaan nila kung ano yung binigay sa kanila, alagaan nila yun.

"Ako, tumanda ako nang ganito, kalahating century na ako, paano pa kaya sila?" nakakatuwang sabi niya.

Sa separate interview ng press kay Dulce after ng open forum, nag-follow-up questions ang media sa itinuturing na isa sa pinakamahuhusay na "biritera" na Pinoy singer.

Dahil authority siya, sino ang masasabi niyang magaling sa current generation of singers?

"Well, the younger one na hindi talaga masyadong bagets is Bituin Escalante.

"Si Bituin kasi, buo ang boses, soulful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Luka-luka rin ang taong ’yan, e. So, talagang marami pa siyang maibibigay pa."

Ano ang masasabi niya sa younger singers na sina Sarah Geronino, Rachelle Anne Go, at Angeline Quinto?

"Siguro kapag hindi na sila masyado sikat, made-develop nila ang sarili nila," makahulugang sabi ni Dulce.

"Because magpo-focus na nila ang sarili nilang gifts. Kasi ngayon, pare-parehong tunog.

"Kasi, di ba, like yung birit-Regine...

"When Regine Velasquez came out... Regine is really a great singer.

"So, ang laki ng influence niya. Hindi naman bad yun.

"Yun nga lang, kung ano lang yung naririnig mo palagi, yun lang ang maibubuga niya.

"Kaya nga sabi ko, kung wala ang lahat ng mga elementong ito na nagagamit mo, mas maririnig mo ang sarili mo, e."

DULCE TRADEMARK. Noong sumikat ang pagbirit niya ng "Ako Ang Nagwagi," marami ang gumaya sa kanya sa mga singing contests...

"Talaga? Hindi ako aware!" tawa niya.

"Kasi, noong panahon ng ’Ako Ang Nagwagi,’ nanalo ako sa radio pop, wala pang masyadong TV report or coverage noon, e.

"Kailangan sa contest, kailangang tumili. Pag di ka naman tumili, di ka mananalo. Yun yung known fact.

"Kaso, pag lumaban na at may tumili, kailangan tatapatan niya.

"Kasi yung impact din yun, e, kailangang ganoon talaga.

"When one speaks or sings, there’s power, may dating sa tao yun.

"When I said na yung mas made-develop ang mga batang ito, am not saying in a negative way, hindi naman sa nang-aasar ako. No!

"Ang gagaling ng mga batang ito. In fact, they have more than we used to have.

"Kaya nga lang, sabi ko nga, kung mas maririnig nila ang sarili nila, mas meron pa sila...

"Like si Sarah, meron pa siya... meron pa.

"Si Rachelle Ann, meron rin..."

Narinig na ba niya si Angelique Quinto?

"Oo, yung mga jingle sa dzMM... Yun, mahaba-haba pa rin ang tatakbuhin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, maraming magagaling na mga singers ngayon."

Ano ba sa kanyang pamantayan ang isang tunay na magaling na singer?

"May puso," aniya.

"Parang kahit na hindi mo alam ang istorya ng buhay mo, mararamdaman ng audience through the song.

"Sa isang performer, it’s the package, e.

"Kasama yung body language. Kasama yung art.

"Kailangang magka-communicate ka sa audience."

OPM. Tungkol naman sa OPM o Original Pilipino Music, sabi ng ilang concert producers, nahihirapan daw silang kumita kapag OPM ang performers ng kanilang concerts.

Ano ang masasabi niya rito?

"Hindi ko masisisi ang tao [audience], dahil values nila yun, e. Di nila pinapahalagahan kung anong meron tayo.

"Pero kung each one of us, kung papahalagahan natin kung ano ang meron tayo, yung kasarinlan natin, kung ano ang ide-develop natin, makakatulong... makakaahon tayo.

"Meron tayong nagbubungguang kultura from the very beginning.

"Kasi, di ba, bago lang naman tayong bansa, e, kumbaga, sa sarili nating pagiging Pilipino.

"So, di ko naman sila masisisi o galit sa kanila at ito ang aking pinaniniwalaan.

"Di naman ako nakikipag-away. Yung mga fans, di mo masisisi."

Ayon umano sa isang panukalang batas na hinihintay na lang maaprubahan, baka raw ma-exempt sa tax ang concerts ng OPM singers.

Anong reaksiyon niya dito?

"Siyempre, masaya ako, mas maraming producers ang matutuwa...

"Ang producers, mas gusutuhin nila ang foreigners dahil mas klaro yung magiging return.

"Ngayon, kung totohanan na yung [panukala] na yun, then I believe na mas magkakaroon naman ng desire ang ating local producers to produce our own.

"Kasi, marami naman talaga tayong magaling na actually hindi lang nakikita sa television, kasi they are not network stars."

NO DUET WITH JOSE MARI CHAN. Ayon kay Dulce, sa tagal niyang singer sa industriya, wala naman daw siyang ayaw maka-duet o makasama on stage performing.

Pero ang nakakabigla ay ang statement niyang si Jose Mari Chan ay ayaw siyang maka-duet!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat sila gusto ko silang makasama. Pero ako, alam kong meron ayaw na makasama ako, iba-ibang reasons.

"For one, si Joe Mari Chan, ayaw talaga niya ako maka-duet."

Bakit kaya?

"Ewan ko!" tawa niya.

"Siguro dahil ano, kasi, di ba, ang boses, may quality talaga na pang-suwabe, or baka hindi lang terno.

"O, baka hinid rin tugma. Pero I love Joe Mari Chan."

Anong initial reaction niya nang malaman niya ito?

"Wala, natawa lang ako," sabi niya.

"Alam ko namang it was not said in a negative way...

"Basta gusto ko silang makasama lahat."

INTERNATIONAL CAREER. Ikinuwento rin ni Dulce na ilang beses nang hindi natutuloy ang pag-a-attempt niyang magkaroon ng singing career sa ibang bansa, tulad ng isa pang world-class singer na si Lani Misalucha.

Aniya, "Feeling ko lang talaga, nandito sa Pilipinas ang aking calling o mission sa buhay, wala sa abroad.

"Mas gusto ko naman ito dahil nandito ang ating mga kababayan.

"May mga pangyayari noon, may mga opportunities naman to go abroad, pero hindi natutuloy.

"So, siguro nga, para dito talaga ako sa mahal nating bayan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN