JM de Guzman launches self-titled album

"Feel good, relaxed, chill, parang acoustic. Parang ang peg ko sina Jack Johnson, sina John Mayer, sina Jason Mraz," JM de Guzman describes the music in his first album.

Over-all No. 1 sa Astrovision/Astroplus for the week ng August 1 to 7 ang self-titled album ni JM, kaya masayang-masaya ang binata.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actor at ngayon ay recording artist na si JM de Guzman sa launch ng self-titled debut album niya under Ivory Music & Video.

Ginanap ang launch sa Panggo’s Grill sa Tomas Morato last August 9, Tuesday.

High school pa lang daw siya ay mahilig na siya sa musika.

"Mahilig akong mag-banda tsaka mag-compose. May banda ako noong high school, tatlo yung naging banda ko; yung Red Letter Day, pero may Red Letter Day na ngayon na nagkaroon na ng album pero hindi kami yun.

"Tapos yung Leak, yung genre namin noon kausuhan ng emo punk noon.

"Kuwaderno yung pangatlo, ito yung pinakatumagal lima kami.

"Naggi-gig kami dati. Sa Freedom Bar naging regular kami dun," umpisang pahayag ni JM na napanood recently bilang si Gabriel sa Mula Sa Puso.

Anong klase ng music niya ngayon?

"Feel good, relaxed, chill, parang acoustic. Parang ang peg ko sina Jack Johnson, sina John Mayer, sina Jason Mraz."

Over-all No. 1 sa Astrovision/Astroplus for the week ng August 1 to 7 ang album ni JM, kaya masayang-masaya ang binata.

Gusto niya talagang maging singer?

"Noong una, nag-hesitate ako kasi baka mahirapan ako since kakabalik ko lang sa showbiz and kakabigay lang ulit sa akin ng break as an actor."

Nag-Ang TV2 si JM noong 13 years old siya, kasabay nina Alwyn Uytingco at Shaina Magdayao, among others.

"Tapos nag-theater ako tapos indie [movies], pero six years old, nagko-commercial na ako."

Sa UP raw siya nahasa sa teatro.

"Oo! Halos doon na ako nakatira, madaling araw na bago umuwi

"Dun ako naturuan ng discipline."

Twenty-two years old na si JM ngayon.

Hindi pa siya graduate ng Theater Arts sa UP.

"Marami akong mga incomplete [na grades]. Hindi ko alam kung kailan [makaka-graduate].

INDIE FILMS. "Nag-LOA [leave of absence] ako kasi bigla ngang dumating yung offer... may offer ako — yun yung first indie ko kay Ms. Imee Marcos, yung Pintakasi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na hindi pa naipapalabas...

"Hindi, nag-trailer na siya ngayon. Apparently bagong trailer siya na ipapalabas na daw. Feeling ko, may narinig ako na issues na sobra sa murahan, sobra sa exposure ng drugs, ng rape."

Ano’ng role niya doon?

"Lahat... ako na yung pinaka-demonyong tao, gang lord ako na mayor ng isang iskuwater tapos nagde-deal ako ng drugs, kalaban ako ng mga pulis, takot lahat sa akin."

Isa rin sa mga nagawa na ni JM ay ang indie film na Last Supper No. 3 sa Cinemalaya.

"Ang role ko, assistant nung bida, ako yung nakawala nung Last Supper."

Hindi pa siya nakakapag-indie movie na gay theme na uso ngayon.

"Wala pang offer."

Papayag ba siya?

"Depende sa istorya."

Kung may kissing scene sa kapwa niya lalaki?

"Kung kailangan nung istorya pero kung kailangan lang para masabi na ’Uy nakipaghalikan siya sa lalaki,’ hindi siguro.

"Kung kailangan lang talaga."

Nagawa na raw naman niya iyon sa teatro.

"Sa Kiss Of The Spiderwoman. Ako yung role na rebel."

Ang ka-kissing scene raw niya ay isa ring stage actor.

"Si Joel Saracho, pero parang smack lang."

Kung paghuhubarin siya sa harap ng kamera...

"Hindi ko alam.

Kung mala-Equus na ginawa ni Daniel Radcliffe?

"Ang tindi ng Equus, Daniel Radcliffe yun!"

May local version ang naturang stage play na kung saan nag-frontal nudity na pinagbidahan ng mga theater stars na sina Red Concepcion at Marco Mañalac.

Kaya ni JM iyon?

"Hindi ko alam, hindi ko talaga alam. Pero kung umabot siguro sa point na wala akong ginagawa nun tapos gusto kong ma-challenge, baka siguro magawa ko."

Ano ang magiging hesitation niya — dahil makikita ang lahat sa kanya?

"Oo, dahil para sa akin, para sa magiging asawa ko lang yun, e."

Kung underwear pictorial for an endorsement?

TATTOOS. "Unang-una hindi ako puwedeng... marami akong tattoo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa na rito ang tattoo ni JM ng isang babae sa likod niya na ayon sa kanya ay kapatid niyang namatay noong sanggol pa lang ito.

"Representation siya nung mukha niya ngayon kasi namatay siya nung baby, e. So parati ko siyang dinadalaw. Namatay siya kakapanganak niya pa lang. Naging routine namin na dalawin siya palagi.

"Apat kaming lalaki e, siya dapat yung nasa gitna na babae.

"Sa legs ko, halu-halong passion ko sa buhay ang mga tattoo ko."

Bakit siya nagpa-tattoo?

"Ako kasi yung tipo ng taong naghahanap ng outlet parati.

"Gusto ko, kung ano yung nasa isip ko, may lalabasan."

Ano yung mga passion na naka-tattoo sa katawan niya?

"Merong tragedy/comedy mask [that] represents theatre. Yung passion for my family, nandiyan yung last name ng mommy ko. For my country, may stars and a sun. Tapos may lion and dragon [that] represent bravery, strength and confidence."

INSPIRATION. Walang girlfriend si JM ngayon, huli siyang nakipagrelasyon three years ago pa.

"Mahirap, mahirap [walang GF], pero ito rin yung hinihintay ko nang matagal na panahon, e. So yung mga offer sa akin, yung mga blessing sa akin, dito na lang muna ako magko-concentrate."

May inspirasyon naman daw siya ngayon.

"Pamilya ko. Iyon lang, ang lakas na nun, ah!"

Walang naging showbiz GF si JM at hindi raw totoo ang tsikang nililigawan niya ngayon si Lauren Young.

"Wala muna, trabaho muna."

May mga gays na attracted kay JM. Wala pa raw nanligaw sa kanya.

Paano kapag may gay na mag-offer ng mamahaling mga bagay sa kanya kapalit ang pakikipagrelasyon niya?

"Ayoko. Mabuti na yung... hindi naman sa dine-degrade ko sila, ayoko lang. Kasi gusto ko sarili kong sikap lahat ng nakikita ko sa harap ko.

"Sarili kong sikap lahat ng suot ko, lahat ng ginagamit ko, lahat ng sa akin. Mas masarap isuot, mas masarap gamitin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa teatro na maraming bading, wala rin daw nanligaw sa kanya.

"Kasi they know my style, malambing lang ako, mabait ako sa kapwa ko tao. I respect gay people because sila yung mga nagturo sa akin, silang mga professors ko sa UP, lahat sila bading.

"So yung respeto ko sa kanila mataas."

Maganda ang katawan ni JM, pero hindi raw siya nakakapag-work-out recently.

"Magwu-work out pa lang ako ngayon, e.

"Matagal na akong... dati nagwu-work out ako, pumayat lang ako kaya babalik ako sa gym."

Isa ring Mixed Martial Arts (MMA) fighter si JM.

"Nag-MMA ako, dati malaki ako, 185 [lbs.] ako.

"Noon, basag-basag lagi ang mukha ko!"

Nakakasama pa raw niya ang ex-boyfriend ni Iwa Moto na si Mickey Ablan.

"Muntik ko na siyang makalaban. Same weight class kami e, dapat kami ang first fight tapos biglang nag-reshuffle, wrestling dapat yun."

Wala pang alam si JM na kasunod na TV show niya after Mula Sa Puso.

"May indie akong gagawin, boksingero ako, taga-UP ang director. Hindi naman siya drama. Light drama lang, true-to-life, kaya nag-hire ako ng pro boxer talaga na magte-train sa akin.

"Dalawa ang pinili nilang buhay ng boksingero kaya lang hindi kilala, dalawang characters yun."

May two years na kontrata pa bilang artista si JM sa Star Magic ng ABS-CBN.

May mga cover sa album niya tulad ng "Kiss Me" (originally by Sixpence None The Richer), "Nothing Compares 2 u " (by Sinead O’ Connor), "Bizarre Love Triangle" (originally by Frente), at "Pagdating ng Panahon" (ni Aiza Seguerra).

Ang iba pang nilalaman ng first album niya ay ang "True" (originally by Ryan Cabrera), "Collide" (by Howie Day), "Out of my League" (originally by Stephen Speaks), "Sa may Bintana" (originally by James Coronel ng Smokey Mountain), "Everybody Here Wants You" (originally by Jeff Buckley), "Yakap sa Dilim" (ng APO Hiking Society), at ang dalawang original songs na si JM mismo ang nag-compose, ang "Give You the World" at "Carried Away."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN