Martin Escudero on his way to becoming a serious actor; new movie gets "A" rating from Cinema Evaluation Board

Marami ang nagsasabing isang rebelasyon ang kahusayan ni Martin Escudero sa Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington. In the movie, he plays a real man who slowly turns gay because of a curse.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin Escudero last Thursday, August 11, sa presscon at press preview ng launching movie ni Martin, ang Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington, produced by Origin8 Media.

Ang una naming itinanong kay Martin ay kung ano ang naramdaman niya na A ang grade na ibinigay ng Cinema Evaluation Board sa kanilang pelikula.

"Oo nga," masayang bungad sa amin ni Martin.

Nasorpresa daw siya nang malaman ang magandang balita.

"Siyempre kasi hindi ko inaasahan na rated A kasi unang-una, PG-13, pero ayun, awa ng Diyos, sa pagsusumikap namin, rated A siya."

Marami ang nagsasabing isang rebelasyon ang kahusayan ni Martin sa pelikula where he plays a real man na dahil sa isang sumpa ay unti-unting naging bakla.

Umpisa na ba ito ng isang pagiging seryosong aktor ni Martin?

"Oo, ano na e, kumbaga yung mga ginawa ko noon e, talagang malayo na sa mga ginagawa ko ngayon."

Magpapaseksi na rin ba siya nang husto sa susunod niyang mga projects? May mga medyo seksing eksena si Martin sa naturang pelikula.

"Ah darating tayo diyan, malapit na yan. Basta pag tumanggap ako, kumbaga ng isang sexy na trabaho, sisiguraduhin ko muna na ready na ako," says the 21-year-old actor.

Saan siya humugot ng galing; paano niya napalabas sa pelikula ang husay niya bilang artista?

"Ano na lang siguro, kasi talagang minahal ko yung script, na pumasok talaga sa akin si Remington."

GAY SIDE. Biniro namin si Martin, baka may itinatago siyang "gay side" ng kanyang personality dahil nga napaka-convincing niya sa kanyang role, lalo na sa mga eksenang nagta-transform na siya sa pagiging isang bading.

"Di ba sabi nila, lahat ng lalake nagdadaan sa stage na nagiging soft ka? Siguro iyon na lang din ang isa sa mga ginamit ko sa movie.

"Siguro kasi halos araw-araw na lang din may nakakasalamuha akong gay, natututo na rin siguro ako ng mga galaw nila," pahayag pa ni Martin tungkol sa very impressive niyang atake sa kanyang papel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong bata raw siya, never siyang nam-bully ng mga bading. On the contrary daw...

"Takot ako sa gay noon kasi tinatakot ako ng [gay] best friend ng nanay ko na ’Kukunin ko yung Mama mo! Hindi na namin ibabalik!’

"Tinatakot ako na kikidnapin daw yung Mama ko, yung ganun, halos lahat ng mga kaibigan ng Mama ko, gay."

Hindi naman raw niya naranasan na ma-harass ng bading.

"Hindi naman, wala naman."

Naligawan na ba siya ng bading?

"Hindi pa naman, wala, wala."

Para sa iba, flattering na ang isang lalaki ay maligawan ng bading.

"Oo naman, hindi naman pangit yun. Pero siguro wala lang akong... alam mo yun, natitiyempuhan lang siguro na walang lumalapit na ganun, wala pa."

Ayon sa marami, malaki ang tsansa ni Martin na ma-nominate (at manalo) sa mga award-giving bodies dahil sa Remington portrayal niya.

"Sana nga, sana nga."

Gusto ba niyang manalo ng award kahit in a gay role?


"Oo naman, kahit naman anong parangal, siyempre karangalan para sa akin."

Kinumusta naman namin ang love life ni Martin...

"Ah wala wala, trabaho muna, ipon muna."

Nakikipag-date naman raw siya.

"Paminsan-minsan."

Non-showbiz?

"Halu-halo, kaibigan lang naman, mga friendly dates lang naman."

KISSING SCENE. Sa pelikula, may kissing scene sina Martin at Kerbie Zamora.

"Sineryoso namin yun, sineryoso naming talaga yun. Ayaw namin na may, alam mo yun, na may reaksyon na pangit na manggagaling sa amin, ayaw namin yun, na mukhang pilit."

Hindi raw sila nagka-ilangan o naasiwa sa naturang eksena.

"Wala iyon sa amin, kumbaga no big deal, trabaho yun, e."

Halimbawa, sa tunay na buhay ay may bading na manligaw sa kanya, na o-offer-an siya ng kahit ano...

"Ano naman kakausapin ko naman siya ng maayos, siyempre.

"Unang-una siyempre pagkakaibigan lang muna ang maibibigay ko."

Muna?

"Kasi hindi naman ako, alam mo yun, hindi naman natin alam ang puwedeng mangyari. Pero kung magkataon man siyempre, dahil sa pagmamahal, hindi dahil sa gamit, hindi dahil sa kahit na anong gamit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas importante sa kanya ang feelings kaysa sa materyal na bagay?

"Oo naman, mga materyal na bagay, nawawala yan."

Ibig sabihin may posibilidad na magkaroon siya ng damdamin para sa isang bading?

"Hindi ko sinasabing hindi, hindi ko sinasabing oo, ang sinasabi ko lang, alam mo yun? Mag-open lang tayo sa lahat.

Ang Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington ay mula sa panulat nina Michiko Yamamoto (na sumulat rin ng Magnifico), Raymond Lee (sumulat ng Anak, Milan, at In My Life, at producer ng Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros) at ni Jade Castro (na nag-direk ng indie movie na Endo) na siyang ring direktor ng pelikula.

Ang Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington ay mapapanood na sa mga sinehan ngayong August 31. Nasa pelikula rin sina Lauren Young, Janice de Belen, John Regala, Angelina Kanapi, Leandro Baldemor, Daniel Fernando, at ang mga comedy royalties na sina Roderick Paulate at Miss Eugene Domingo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN